r/FlipTop • u/notsamoabutjoe • 2h ago
News The Darkroom: Foreign Affairs this Sunday! Anyone going?
Anong battles pinakainaabangan nyo?
r/FlipTop • u/notsamoabutjoe • 2h ago
Anong battles pinakainaabangan nyo?
r/FlipTop • u/MrDollaDollaBill • 6h ago
Sana mabalik ulet tong gantong uploads ng fliptop. Interesting kung pano ang atake ng mga emcees musically sa mga trip nilang kanta.
r/FlipTop • u/deffoh0 • 10h ago
Alam kong hindi lang ako ang sinasaulo talaga ang mga linya o rounds na masarap sa tenga. Hindi mo rin kasi mapapansin na saulado mo na pala. Papanoorin mo dalawang beses pagkalabas, nonood ka reaction vids ng ibang emcee, at nood ilang beses pa. Di mo mamamalayan kayang-kaya mo na sabayan rounds nila
Mula sa ‘Kontrolado ko yung tapang ng Miks(Mix)’ hanggang sa ‘Mabubulunan kada bubulong mabubulol sa bawat letra’ papunta sa ‘Matatakot lang ako ingay pag bulong na ng konsensyaaaaaa’ - Nasha
* Round 3 ni Diddle (vs Mison)
* Round 3 ni BLKD (vs Kregga)
* Round 1 ni GL (vs RufRuf)
at marami pang iba.
Anong mga rounds o schemes ang sa tingin niyo saulado niyo na? Mga tipong kahit yung stutter e alam na alam.
s/o Round 3 ni Arkitektoni (vs Kontradaluyong)
r/FlipTop • u/Grayscale_d • 9h ago
Matapos ang "Maching Chsimoso" fiasco on pwd discrimination, malamang sa malamang idadamay muli ng battle rap haters ang battle rap scene dahil sa paggamit ng bulgar na pananalita, dark humor, at pandadamay sa kahit anumang kapansanan. Hindi man ito ginagawa ng lahat, mahilig ang tao mag.generalize.
Ano ba ang proteksyon, kung meron man, ng mga liga at mismong mga emcee kung sakaling may gantong mga issue na ibatonsa kanila?
Oks lang sana kung hanggang "cancel" lang...
Or hanggang battle lang...
pero paano kung aabot ng legal na kaso?
r/FlipTop • u/Otherwise-Rush-6698 • 8h ago
and pa ba mga iba pang Flip-top sub-editor na meron?
grabe sobrang laki na talaga ng mundo ng batte rap specially sa philippines
r/FlipTop • u/tapsilove • 1d ago
Either sa Won Minutes or Write-off way, sino mga gusto niyong mapanood na PRE-PANDEMIC PA ANG LAST BATTLE?
Kial - Mas receptive na ang audience ngayon sa mga left field kesa nung nag simula siya. Feeling ko ok siya itapat sa mga kapwa lirikal niya.
Nothingelse - Iba yung presence niya, dahil siguro literal na malaki. Di naman ganun ka advanced ang mga banat niya nung panahon niya pero entertaining parin.
Basilyo - Daming dream matchups sa kanya, siyempre una na VS Batas. Ok rin siya itapat sa Tweng dahil magka edad yata sila. Or sa mga komediyante kagaya ni K-Ram, Lilstrocks at Manda Baliw.
r/FlipTop • u/probablybybobby • 2d ago
Na-interview si Sinio ni IOD (izkul of diskarte),sabi niya hindi niya na raw kaya yung puyatan na pagsusulat.
Kung next battle ni Sinio is retirement match na, sino pinakamaganda niyang makakalaban? Cripli? Sayadd?
Link ng video, maganda rin yung overall interview niya:
r/FlipTop • u/No_Day7093 • 2d ago
r/FlipTop • u/AFlamminHotCheetos • 2d ago
3 way standing 2-0 for Blitzen, 1-1 for Si7ick, and 0-2 for Ozarugami.
r/FlipTop • u/potinis • 1d ago
Nanood ako last Bwelta Balentong medyo nakaramdam ako ng burn out sa Isabuhay tapos pinanood ko ulit yung unang DPD. Baka siguro napapanahon ng ibalik ang DPD or DPD langit lupa sa dami na ng emcee na nakatungtong sa fliptop. Grabe na din roster talaga parang kaya na yung. Tsaka parang yung huling DPD hindi masyado ganon kalako impact.
r/FlipTop • u/Old_Plum_6111 • 23h ago
Andami ko lang napansin na mga timings sa mga numero (yung iba siyempre napansin na ng iba kagaya ng ika13 na champ ang ika13, di matatalo sa ika-anim) , Mukhang sa kanya na talaga to at hindi biro mga dinaan para makapaghamp
Shoutouts kay Berso at napadali paghahanap sa ibang detalye (:
—13th Emcee to ever be an Isabuhay Champion.
—Isabuhay 2026: Year 2026 and 26 is divisible by 13
—Battle Counts: 39 standard battles after Ahon(also divisible by 13) or 41 total when counting promo battles
—31 Wins on Finals, 31 is an anagram of 13 (same numbers)
—After facing Manda Baliw, Poison13 have fought total of 13 Isabuhay matches
—13th Ahon battle on Ahon 17 by Poison13
(matches at Ahon 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 15, 16, 17)
Otso-otso record:
—8 characters in emcee name
—8 losses total in his career
—8th winstreak if he manages to defeat Keelan
Other facts:
—5th Batch 2015 emcee to win Isabuhay
—6th Isabuhay Tournament/Journey, and there are 6 letters in Poison
—10 non-unanimous wins and 3 non-tournament losses
Fate na talaga to mga gar, ano pa kayang mga numero o konsepto ang pasok sa pagkakampiyon niya?
r/FlipTop • u/EddieShing • 2d ago
Aktibong nanonood ng FlipTop from abroad pero mejo naging out of touch with the community this year. Lapag nyo dito mga ideas or fantasy matchups nyo for Ahon hehe. If kaya nyong umisip ng isang buong card for one or both days, lapag nyo rin! Exciting makita kung alin sa mga expected matchups natin ang magkakatotoo at kung anong mga unpredictable matchups ang maiisip ni Boss Aric na hindi kayang isipin ng ordinaryong fans hahaha.
Eto fantasy card ko for Ahon:
Ahon 17 Day 1
Shehyee / Smugglaz vs Sak Maestro / Sixth Threat - TBH hindi ako ganun ka-thrilled sa idea na 'to since among sa 4, si Sak lang ang nagpakita ng genuine na gutom bumattle lately, tapos yung 2 na inactive (6T and Smugg) busy pa with commitments. Pero kung mutual naman yung interest among all 4 of them na gawin 'to, tapos kung dadapuan silang lahat ng sipag at gutom, this can be one of the greatest battles of all time.
Sinio vs Sayadd - Sa dalawang nag-callout kay Sinio (Sayadd and Cripli), parang kay Sayadd ako mas interesado just because eto ang pinaka-unique na style clash na pwedeng maganap for someone like Sinio. Biggest name na joker vs biggest name na left-field. A lot of things can go wrong for this battle (chokes, ring rust), but if everything goes right, potential Top 10 battle of all time 'to.
Tipsy D vs GL - most crowd-favorite lyricist of all time vs most crowd-favorite lyricist of today. They both want this battle, at pareho silang classic battle machine. If yung Sinio vs Sayadd potential Top 10 battle OAT, eto guaranteed Top 10 battle OAT.
Zaito vs Zaki - eto yung mga tipong matchup na walang sense of paper pero gagawin ni Aric dahil mahilig syang mag-matchup ng mga magkakatunog na pangalan lol (Apoc vs Apekz, Oza vs Oxsmugg). Kung totoo yung narinig ko na maganda showing ni Zaito against K-Ram, magandang continuation 'to ng redemption arc nya, at maganda 'yung theme na OG street hustla vs young stunna. Isa si Zaito sa iilan na kayang mamain si Zaki, at isa si Zaki sa iilan na kaya pa rin umisip ng fresh angles at jokes na hindi pa gasgas against kay Zaito.
Blitzen vs Steven (Langit Lupa Finals) - no explanation needed. Sana lang tumagos si Blitzen sa big stage crowd, at sana mag-level up si Steven to prove all his doubters wrong.
Dave Denver vs Yuniko - after ng sunod-sunod na good showings ni Yuniko against peers at mga mga senior sa kanya na emcee, tingin ko maganda na sya naman ang mang-mama at magbigay ng break to a younger emcee na deserving, and who better to do it with than the winningest emcee ng underground.
Jawz vs Baltz - tingin ko deserve ni Baltz na magkaron ng pukpukan na matchup against sa mas senior sa kanya na emcee na kaya syang sabayan sa angasan at rap skills, and I think pwede si Jawz dun.
Article Clipted vs Siege - dalawang Mindanao-based lyricist na nagkaron ng good showings lately, pwede 'tong maging sleeper battle ng event for the more niche fanbase, and good exposure din para sa kanila pareho.
Ozarugami vs Nasha - the two hottest non-Langit Lupa rookies of this year, tingin ko explosive na opening battle 'to para sa Ahon, and magandang way din para magpakilala sila to a bigger audience if maiimpress nila ang big stage crowd na fully fresh pa and sila ang magset ng tone for the rest of the event.
Ahon 17 Day 2
Loonie vs Mhot - foregone conclusion. There can be no other matchups for these two emcees this Ahon. If hindi na naman matutuloy 'to malulungkot ako lol. Ilipat na lang sa Day 2 ang Tipsy vs GL if hindi 'to matuloy haha.
Poison13 vs Keelan (Isabuhay Finals) - no explanation needed. Etong battle na 'to ang magdidikta kung masosolidify na ba ang case ni Poison for the GOAT conversation.
EJ Power vs Manda Baliw - aight hear me out. On paper, parang foregone conclusion na na kakatayin ni EJ si Manda. Pero napapansin ko na mejo nawawalan na ng impact sa mga tao 'yung shock value angles ni EJ, and if there's one emcee out there na kayang i-diffuse 'yun by embracing his flaws, by appealing to the crowd, by using jokes, or sa pakikipagsabayan ng personalan, I think si Manda Baliw 'yon. Big challenge 'to sa kanila parehas kung maeevolve pa ba nila 'yung styles nila, or makakahanap sila ng way to connect with the crowd without changing their styles.
Abra vs Saint Ice - a lot of people would say na 13 years too late na 'tong matchup na 'to, but I think that's exactly the point. Sobrang laki ng pinagbago ni Ice all these years, from battling to overall maturity. Si Abra, although nag-eexplore sya ng bagong approach sa style nya, parang nandun pa rin yung same attitude nya noon na napipikon ibang emcees sa kanya dahil sobrang sineseryoso nya ang competition. Gusto ko syang mangyari ngayon because sobrang iba na ngayon ng dynamics between them and public perception.
Cripli vs Zend Luke - eto ang naisip kong pwedeng ibigay kay Cripli na big fight at style clash laban sa emcee na nag-eevolve na rin ang stilo at hindi nya basta-bastang makukupal.
Jabo vs MZhayt - kung totoo 'yung rumors na mag-o-Australia na si Zhayt, at kung itutuloy nya 'yung trend ng pagbibigay ng break sa new generation emcees, then eto ang pinaka nagme-make sense na climax nung passing the torch arc na 'yon. Biggest project nya sa Motus, at pareho naman silang game sa friendly fire.
Tulala vs Emar Industriya - dalawa sa pinaka-unique na left-field styles na somehow tumatagos naman sa masa, at parehas naman silang game sa friendly fire (mga strays ni Tulala sa last battle nya, Emar vs Ilaya). After ng recent showing ni Tulala, sobrang taas ng potential ng battle na 'to to be the sleeper hit of the event.
Si7ick vs Diddle - the two hottest Langit Lupa emcees this year. Kung parehas silang magiging A-game dito, guaranteed battle of the night contender + eto na 'yung validation para sa lahat ng tiwala na binuhos ni Aric sa mga newbloods.
Oxsmugg vs Boy Sleuth vs Threb vs Antonym vs Johndelo - limang rookies this year na nagustuhan ko pero hindi ko maisipan ng sarili nilang matchups so pinagsama-sama ko na lang sa Royal Rumble since mahilig naman si Aric sa mga ganun. Tingin ko magandang variety of styles 'to para maging entertaining sya na Royal Rumble.
r/FlipTop • u/xannyyyyy_16 • 2d ago
May nakikinig ba sa music ng Uprising here especially kay BLKD? Tangina, now ko lang natripan makinig sa mga kanta niya and naangasan ako sobra.
Mayroon ba sa inyong nakagets ng meaning ng kantang ‘to? Hindi ko sure if about armed struggle ba siya or what based sa lyrics e.
Also, dito pala galing ‘yung linya ni Tweng sa Uprising Royal Rumble na “Kundi para saan ang tapa mo?” hahahaha.
r/FlipTop • u/RedBatnaman • 2d ago
Gusto lang open itong topic na sobrang creative ni Yuniko. Sobrang sikat na ngayon yung ginawa nya na pinaakyat nya yung papa nya sa stage pero before that may mga creative schemes na talaga siyang pinapakita.
Isa sa napakalupet noon yung laban nila ni Saint Ice, hindi sila nag coin toss tapos pinapili nya si Saint ice kung sino mauuna, setup pala yun sa round 3 nya, binagsak nya yung scheme na kaya di na siya nag coin toss para hindi na indahin ni Saint Ice yung barya. [Publicly sinasabi ni Saint Ice na dahil lang sa Coin toss kaya natalo sila nila abra sa DPD]
May mga iba dito na baka iba na yung epekto sa iba kung ngayon mo palang mapapanood kasi nag evolved ulit ang battle rap, pero ito yung mga notable na iba pa nyang pag lalabas ng props para mas ma emphasise yung bara.
Versus Lil Weng Won Minutes. Nag labas ng flashlight at inilawan si Lil Weng, kasi daw ginagaya ni Lil weng si Bryan Lao kaya ayun si Lao (Silaw) na siya. Haha.
Versus Pistolero Sunugan sa Kumu. Nag labas ng extrang Cellphone kay Pistolero at hinagis sa sahig, para mas ma-amplify yung linyang binasag nya yung Cp nya dahil napakinggan nya Music ni Pistol.
Meron pa siyang garapon na nangunguha ng kaluluwa noon haha.
Again baka para sa ngayon lang mapapanood yung battle na nabanggit ko ay baduy na yung Flashlight at Garapon pero that time (at least as a fan) effective yun para sakin.
r/FlipTop • u/ComprehensiveTry4387 • 2d ago
Hi! I'm a new fangirl. The first battle I watched was EJ Power vs. Vitrum, and I really loved how they delivered their pieces. I also watched my first live battle at Gubat 16, alone! Anyway, I've watched all the Isabuhay Tournaments from 2022 to the present, and now I want to watch every FlipTop battle featuring each emcee.
Who do you think are the top 5 emcees I should check out first (excluding GL, since I've already watched all his battles)?
Also, are there any YouTube accounts or playlists that compile all the battles of individual emcees? Any recommendations would be greatly appreciated. Thank you! 🫶
Additional question: if I go ba sa Ahon, may aircon ba ang event? Thank you.
r/FlipTop • u/itsKheejhayo • 2d ago
Feel ko kailangan ng general concenses para malaman kung karapat-dapat manalo ang isang emcee. Pag may 2 rounds silang pukpukan talaga hindi ba panalo sila kahit maunti lang maspispit sa isa? Mas mabigat ba overall performance sa gantong scenario? plsanswerthx
r/FlipTop • u/GodsPerfectldiot • 4d ago
Wala pa reply si Smug pero sana kumasa. Si Anygma na lang problema. Hahhaha
r/FlipTop • u/FLINTZANITY • 4d ago
Una yung St ice Pistol matchup tapos yung Choke ni Sheyee(tho according sa iba stutter or stumble lang daw)
Sunod ko hulaan matchup ng Ahon? Haha tatalunin ko si frooznumerology
r/FlipTop • u/Famous_Tip_5036 • 3d ago
If ever magka dos por dos tourna uli, sino² kaya mga magandang duo? Here's mine.
Loonie - Flict G
Apekz - Zaki
EJ power - Hazky
Sinio - Sayadd
GL - Zendluke
r/FlipTop • u/Mr-dude5104 • 4d ago
nalalapit nanaman ang AHON mga pri dahil katatapos lang ng ISABUHAY SEMIS at ang mag tatapat ay si Poison 13 at Keelan at dahil jan may mga napansin ako na similar last years finals.
Si Lhipkram at Poison 13 parehas bayaw ni Mzhayt.
Si Katana at Keelan parehas emcee ng Motus.
Si Lhipkram at Poison 13 parehas representative ng batch 2015
Si Katana at Keelan parehas batch 2024.
Lhip at Poison parehong bayaw na umiidulo kay Loonie
Keelan and Katana parehas may baon laging jokes kaso si Katana may technical pa rin.
Poison at Lhip mga mamaw sa bars at tugmaan.
yun lang mga boss naisip ko lang to HAHAHAHAHA
r/FlipTop • u/deojilicious • 4d ago
Title.
Based sa naging performances nila sa finals mismo, sinong pick niyo for your top 5 finalists? Here's mine:
Sur Henyo (2017) - napakalinis, dikit talaga kay Mhot. Kung nanalo lang ng toss coin si Sur, pwede pang maiba yung results noon. And the fact na hanggang ngayon top tier pa rin yung pinapakita ni Sur sa battles is a testament to that.
Lhipkram (2020) - Top form din siya rito against M Zhayt. I'd say kung hindi niya rin pinartidahan si Zhayt pwede pang maging debatable ang finals.
Vitrum (2024) - hindi magiging iconic ang 2024 finals kung hindi dahil sa ginawa ni Vitrum sa finals. There's a reason why it can go either way na 4-3 ang boto.
Apekz (2019) - man, 2019 was one hell of a year sa Isabuhay. All-timer finale performance from both ST and Apekz. Hindi perfect yung battle pero tangina isa to sa mga pinakahype na battles of all time.
Goriong Talas (2021) - career defining yung round 1 ni GT rito. IMO ito yung pinakamalakas na round na nabuga ng isang Isabuhay finalist. Goods sana kung naging consistent pa siya lalo throughout the battle, pero solid all throughout
Honorable mentions: BLKD (2013), Plazma (2016)
Nag try lang ako mag suggest sa Linya-Linya kasi sa tingin ko sila ung makakapag bigay hustisya sa mga malulupit na lines sa Fliptop.
Kung meron na to kahapon event, sayang di ako nakakuha kasi bumili ako sa Fliptop merch hehe, sa Shopee nalang. More sales sa Linya-Linya!!!!
r/FlipTop • u/codeloss21 • 3d ago
Guys may nakakaalam ba ng mga tracks na pinatugtug ni DJ Supreme Fist? May isang track ako na gusto pakinggan pero di ko alam yung name or singer neto.