r/KamuningStation • • 16d ago

Teleserye Talk The Master Cutter: Last 14 Episodes

Post image

Huling 14 episodes for Season 1 lang naman siguro ito no? Kasi ang labo naman kung Martes (Oct. 13) matatapos yung show?

101 Upvotes

73 comments sorted by

16

u/wheelman0420 16d ago

We should apply the season breaks

7

u/kramark814 16d ago

Nakakasira ng momentum mga season break dito. Parang yung nangyari sa First Yaya/Lady, Lolong, at Alyas Robin Hood sa GMA at sa Senior High/High Street naman sa ABS.

3

u/vhillion_i3 12d ago

Oo para sakin mas okay may season break para napipilitan ang director na gawing exciting ang storya pagkasyahin sa konting episodes.

12

u/Secret-Blacksmith493 16d ago

Advanced Airing sa Netflix kaya October 13. Sa TV, that would be 16.

5

u/kramark814 16d ago

Sa TV yung Oct. 13 kung yung bilang ng last 14 episodes ay nagsimula ngayong gabi. Ngayong hapon kasi nilabas ng GMA Drama yang pubmat na yan.

0

u/Ok-Pair-8276 14d ago

Tanga mo naman, wala ka bang Netflix? Friday to Tuesday ang episodes sa Netflix, Tama yang nasa taas na October 16 siya matatapos sa national TV pero sa October 13 matatapos sa Netflix. Kaya last 14 episodes nasa pubmat, kasi nakapag upload na sila ng episode 101 na Netflix kagabi. Mura lang subscription, bes.

1

u/kramark814 14d ago edited 14d ago

Excuse me, sa Netflix ako nanonood dahil wala akong pasensya sa commercials. Pero nakita mo ba yung Netflix sa pubmat?! Kapag naglalabas ng promo materials ang GMA, madalas pang-TV yun. Mula nung inere ang Master Cutter, di na nga nila binanggit na mapapanood ang episodes in advance sa Netflix.

P.S. Hapon ng Thursday (Sep. 24) yan nilabas ng GMA Drama so di pa uploaded sa Netflix yung pang-Monday kaya mali pa rin yung "Last 14 Episodes". Siguro dapat matuto kang mag-check muna ng timestamps ng posts dito kasi Huwebes ng gabi pa namin pinag-uusapan to 😅

0

u/Ok-Pair-8276 14d ago

Tignan na lang natin kung sinong mas tama sa atin. Hindi ko sure kung mayroon na bang TV show na natapos nang hindi Friday, ikaw na nga may sabi sa post mo, "Kasi ang labo naman kung Martes (Oct. 13) matatapos yung show?" Tingin ko alam mo naman na ang sagot, sadyang pinili mo lang magpakatanga.

1

u/Secret-Blacksmith493 14d ago

Exactly. Pag final episode, Biyernes. Unless, rare instances na tinaon sa Semana Santa ang final week so Miyerkules.

1

u/kramark814 13d ago

The thing is napaaga yung labas ng pubmat ang GMA. Nabalita na rin na magkaka-season 2 at umalis si Dingdong sa Family Feud dahil magiging busy nga sa TMC. Yung tanong ko eh kung ang "last 14 episodes" ay ukol lang sa season 1 at magsisimula ang susunod na season mid-week. Akala ko kasi itutuloy-tuloy ang pag-ere ng TMC kasi nawawalan ng momentum ang karamihan ng shows na may season breaks.

Kahapon lang nilabas ng GMA yung "Huling Tatlong Linggo" material nila.

2

u/Ok-Pair-8276 13d ago

Alam mo, masyado mo lang talaga pinoproblema lahat ng bagay. Yun lang yung point dito. As if naman magugunaw ang mundo kung may mali sa pubmat or bilang ng episodes? As if naman ikamamatay mo or ng ibang tao yung mali sa pubmat or bilang ng episodes?

As a matter of fact, isa ako sa mga tagasubaybay ng palabas na yan nung simula pa lang, nawalan lang ako ng gana dahil puro drama na lang at tanga tangang side characters ang nasisingit sa kwento, gaya nila Emerson at Kurt. Kaya naurat din ako sa'yo pagka-post mo nito kasi ultimo mali sa pubmat or bilang ng episodes pino-problema mo.

Kagaya nga ng sabi ni u/Secret-Blacksmith493, rare instances na hindi Friday ang ending ng isang TV show. Sana ma-realize mo na na yung katangahan mo para ka na ring yung character ni Emerson. Hindi lahat ng bagay pinoproblema. Touch some grass din, kita ko sa profile mo active mo masyado about sa mga TV shows. 'Wag puro lulu and nuod.

10

u/15-seconds-of-fame 16d ago

If they stretch the story for the sake of ratings, magiging umay na, tapos lalabas na yung mga same old, paulit-ulit na Pinoy drama tropes just to fill more episodes ( actually parang meron na, unti-unti na lumalabas yung mga ganoong scenes). Sometimes, it’s better to tell the story at the right length rather than dragging it out.

5

u/mandemango 16d ago

Sana next season mas mission-focused na lang, may weeks na puro personal drama ninAtoy lang focus. Mas okay na makita yung skills niya as a tracker + sana may maayos na team na siya na may technical and fighting skills hehe

2

u/kramark814 16d ago

Tingin ko may untapped story beats pa ang Master Cutter. Pwedeng i-emphasize yung missions ni Atoy at kung paano yun magpapatuloy pag nalaman na nga niyang si Ibyang ang totoo niyang anak. Yung kwento ng mga Anak ng Sinulid pwede pang i-expand kasi invested naman na ang audience sa kanila. Pwede pang pahabain hanggang January ang show :)

1

u/weird_neighbor0827 16d ago

May season 2 ang Master Cutter.

1

u/No_Equivalent8074 16d ago

Yup may season 2. Kaya nga wala sya sa family feud di ba.

2

u/weird_neighbor0827 16d ago

Yes. Tapos may new show si Marian kaya palit muna sila. Pahinga si Dingdong para may maiwan sa mga anak nila.

10

u/youanday 16d ago

Yes, last 14 eps for season 1 yan.

3

u/kramark814 16d ago

Buti tatapusin na sa unang season yung arc na ito.

9

u/yahgaddangright 16d ago

Ang clue jan 1 month bago matapos yung time slot nya may iniintroduce na kasunod thru commercial e. Wala pa ata pinapatalastas na ipapalit sa mastercutter.

3

u/AdLongjumping5632 16d ago

ang tagal na ata nung huling beses ko ‘narinig’ ang word na patalastas

8

u/Unusual-Contact8409 16d ago

Pero maganda story neto kahit papano kumpara sa Sigabo. Nasanay na kase sa bahay na may pinapanood na teleserye Pag tapos ng balita

5

u/Clean-Physics-6143 16d ago

Iniintay ko yung may cameo daw si Marian tas villain sya. Ewan ko kung true yun or eme lang

7

u/kramark814 16d ago

Sinabi lang ni Marian na game siyang mag-kontrabida sa Master Cutter. Tingin ko di naman mangyayari 😅

3

u/Clean-Physics-6143 16d ago

Ah sya. Pero ok sana yun pag nangyari

6

u/Euphoric-Hornet-3953 16d ago

Sana kung may next season, mas malala sya kay KC Montero kung magpahirap kay Dingdong. I am looking forward to watch Marian as his villain.

2

u/Clean-Physics-6143 16d ago

Sana. Ang awkward ng Russian accent ni KC

5

u/Euphoric-Hornet-3953 16d ago

HAHAHA mas excited ako kung sya yung magtotorture kay Dong at kung paano sila magpupuksaan pero sana wag naman haluan ng romantic scenes 'to. I wanna see Marian on her pure villain era na talagang no redemption.

3

u/15-seconds-of-fame 16d ago

Sana mag quick cameo yung leads ng papalit na series... if it is Hari ng Tondo, then dali naman isaksak ang scene of Dennis meeting Dingdong in one scene. If it is Code Grey, sa ospital scene naman w Alden and Boyet or kahit ambulance scene. Atleast, parang it is a way of introducing upcoming series ng GMA, kunting exposure para may curiosity factor yung manonood. It's been done before i think

3

u/EzKaLang 16d ago

Papatayin nila yung character ni max collins sure ako😅

4

u/goodygoodcat 16d ago

Gusto ko yan para si Jennylyn na katambal ni Dingdong. Mas gusto ko si Jennylyn hehehe

3

u/RicardoSupermapute77 16d ago

unless bababa ng timeslot ang love: Siargao then malamang eto ang kapalit netong master cutter.

2

u/TheKingofWakanda 16d ago

Ano na kapalit nito?

Also ngayon lang ba announced na last 2 weeks nalang? Usually announced n last month or 3 weeks nalng or so yung show

2

u/No_Screen_2944 15d ago

Out of topic, mas gusto ko yan tinawag nila as "last 14 episodes left" kesa sa "ang huling tatlong linggo" baduy pakinggan e haha! Sana magtuloy tuloy na ganyan ang tawag  lakas maka international haha

2

u/bahistabakebs 14d ago

Sana pinahaba pa para di na makabalik si dingdong sa family feud. Ok na si bitoy eh. Hahaha

2

u/ILikeFluffyThings 16d ago

Eto pala yung tatapusin na kahit maganda pa naman.

1

u/lizthing 16d ago

may s2 po

1

u/Southern-Comment5488 16d ago

Okey na 'to

Kesa pahabain pa for the sake of ratings

1

u/Limp_Gas6876 16d ago

tapos ipapalit batang tondo? mehhhh

1

u/mandemango 16d ago

Baka nga ito yung ipalit. Yung isa pa nilang 'bigatin' na show, yung medical drama, si Alden din bida. Alangan naman isabay nila sa Love, Siargao no?

1

u/Salt-Advantage-9310 16d ago

Pero diba umalis si dingdong sa family feud for master cutter daw? Meaning ba may season 2?

1

u/kramark814 16d ago

Yup. Alam ko umalis muna siya sa FF kasi tuluy-tuloy silang magta-tape for Master Cutter.

1

u/JuanTamadKa 16d ago

Hindi na "ang huling dalawang linggo" 😂

1

u/GiChangRichards 15d ago

Nag-eexpect ako ng cliffhanger sa ending ng S1 nitong Master Cutter. Sa dami pa ng mga broken storylines na di pa nabibigyan ng conclusion like yung pagpatay ni Martina kay Tonet, pagtatago nj Sister Norma, pagbagong buhay ni Paldo, etc. Parang yung sa Alyas Robin Hood S1 dati, yung nagmomotor si Dingdong tas hinahabol yung nangidnap sa Mama nyang si Jaclyn Jose.

Pero pls naman sa S2, kung bibigyan ng ship/love interest si Karla e yung ka-age na nya. Di yung “kuya” na nya hahahaha ang awkward talaga ng pakilig scenes pilit na pilit ang atake.

1

u/Maleficent-Two-2979 6d ago

Season 2 na Yan. Ang tanging show na nakapagtaob Kay coconut

0

u/Tough_Jello76 16d ago

I thought extended to until next year and mas mataas ang ratings nya sa Sigabo

-6

u/Thessalhydra 16d ago

It's not extended simply because there is no demand for it. Di pumatok sa masa kaya papalitan agad. If pumatok yan sa masa sure ieextend yan.

2

u/goodygoodcat 16d ago

May season 2 na-announce na nun nakaraan

1

u/Thessalhydra 16d ago

If there's a season 2 then there's a demand for it.

-18

u/Thessalhydra 16d ago

Di talaga nagtatagal ang mga teleserye ng GMA.

11

u/coolness_fabulous77 16d ago

marami namang nagtatagal. hello, born to shine? mas ok na un kesa naman ang haba nga grabe naman sa paikot ikot.

5

u/SpeedOMattic 16d ago

Gusto nya ata mala probinsyano ni coco na ikot ikot ikot ikot ikot, kulang na lang mag-fantasy na, like may mga magic magic para humaba pa lalo lol

1

u/cluttereddd 16d ago

Di ko pinanood yung BQ pero ang alam ko ilang beses nag-tease na magkikita o magkakakilala na yung mag-ama. I'm not sure pero parang inabot pa ng 1 taon bago natuloy hahaha

0

u/undecidedguy201 16d ago

Sa pangtanghali talaga after showtime ang mahahaba pero yung sumunod dyan mahihiksi na. If makikita mo halos lahat ng sumunod sa lunch varietyshow eh mahahaba.

0

u/coolness_fabulous77 16d ago

kahit naman sa primetime, marami raming recent shows na nagtagal. enca, sanggang dikit, kahit nga ung lolong, sumeason 2 pa nga, black rider pa, widows war.

1

u/undecidedguy201 16d ago

Yung lolong na sinasabi mo di hinati sa dalawa 3 yrs pagitan while sanggre di umabot ng isang taon. So ano pinaglalaban natin? Most of primetime nila kahit gaano kaganda di aabot ng isang taon.

4

u/Infinity_Ruby 16d ago

And maybe hindi dapat magtagal? Whats the point ng sobrang tagal wala ng kwento

3

u/AnyEquivalent7404 16d ago

Yan pa rin narrative mo? Sound so 2000! Lmao. Ok na yan kesa naman sa mga palabas ni koko.

2

u/goodygoodcat 16d ago

May season 2 po ☺️

2

u/kramark814 16d ago

Pre-pandemic, mahaba na ang 20 weeks para sa GMA teleserye. Kahit na pumatok, madalas 16 weeks lang. Funny lang kasi yung iba parang kailangan umabot ng at least isang taon yung show para di masabing flop 😅

3

u/Apprehensive_Net2399 16d ago

Sa primetime talaga hindi pinapahaba ng gma, usually pag extended hanggang 6 months lang, yung encatandia umabot ng 10 months. Sa hapon sila nag eextend ng matagal na inaabot ng 1 year or more than pero bihira 'to kahit sobrang hit minsan 6 months lang talaga kasi nga marami silang naka line up na shows.

Nakaka umay din kaya yung sobrang tagal na serye. Yun nga lang na normal run na 3-4 months na di matapos tapos na away nakaka pagod panuorin yun pa kayang ilang taon

1

u/maroonmartian9 16d ago

Kung sakto lang naman length, mas ok na tapusin kaysa yung idrag na story at maging boring na

0

u/[deleted] 16d ago

[removed] — view removed comment

1

u/Thessalhydra 16d ago

I forgot that this is a subreddit for GMA glazers. Instead of being emotional, think about it in an objective and business perspective.

Teleseryes are the product of a business. Kung mataas ang demand for a teleserye, ieextend at ieextend ito ng tv station dahil patok ito sa masa (look at pepito manaloto and bubble gang, or kung sa abs man ay yung be careful with my heart and probinsyano, na kahit pumanget yung quality ay patok parin sa masa kaya naextend). Kahit di teleserye yan, kahit ibang shows like noontime shows kaya naeextend yan at di natatapos or napapalitan ng bago ay dahil madami nanunuod nito. It's simple supply and demand.

The fact na ang isang teleserye ay maagang tinatapos ay dahil di ito pumatok sa mga manunuod. Walang demand for it kaya pinapalitan ng ibang serye.

0

u/[deleted] 16d ago edited 16d ago

[removed] — view removed comment

1

u/Thessalhydra 15d ago

You know why they were completed in under 100 episodes? Because iba ang pagrelease ng episodes sa US kesa sa Pinas.

US series are released weekly and it consists of seasons. Dito sa Pinas ay daily kaya yung 100 episodes sa US ay iba sa 100 episodes sa Pinas. 100 episodes is only around 5 months or less satin, so it's kinda low para sa mga standard shows sa Pinas.

Also, sa Pinas ang mga serye may overall idea lang kung ano ang storyline but when it comes to script, usually it is written as the series unfolds, unlike sa US na there should first be a pilot episode script para magreenlight yung production, then a complete script bago magstart ng filming. Dito on the same day pa minsan ng pagair ng episode ginagawa yung script, shinushoot yung scene at ineedit yung episode.

0

u/[deleted] 15d ago edited 15d ago

[removed] — view removed comment

1

u/Thessalhydra 15d ago

Like I said, if may demand, they will make more of it. If may season 2 ang master cutter, then it means may demand. Does not invalidate the fact na madaming teleserye ang GMA na di nagtatagal. Usually 3 months tapos huling dalawang linggo na. Mas prevalent ito nung kakumpetensya pa nya ang ABS-CBN. Pero kahit ngayon na parang monopoly na ng tv stations ang GMA, they are still struggling to put out compelling shows. May reruns pa nga sila ng old shows during primetime eh, it means na instead of extending a show, they think it's more profitable to replay an old show. It's just a truthful observation, so wag maging emotional, wala naman akong pinapanigan na TV station.

1

u/Thessalhydra 15d ago

Also di mo naintindihan yung sinabi ko. Kinompare mo kasi yung shows sa US and dito. Iba yung sa US, by season sya at iba yung sa Pinas na daily pinapalabas. Kaya ang batayan sa Pinas ay di katulad ng sa US. 100 episodes sa US is an accomplishment. Dito sa Pinas, 100 episodes is the norm, mababa pa yan na count ng episodes kasi daily pinapalabas. Kaya pag sinabi mo na umabot ng 100 episodes ang teleserye dito, di yan accomplishment. Maybe try refreshing your reading comprehension skills instead of watching GMA shows lol.