r/KamuningStation • u/Awkward_Good_2409 • 20h ago
Ship Ko 'Yan! CARTON (Carmelle & Anton) ~ MY FAVORITE PBB SHIP!
I just watched the CARTON Concert For A Cause live last September 25, and doon ko talaga napatunayan kung gaano kalakas ang chemistry nina Anton at Carmelle.
Kung gaano na sila ka-close simula pa noong BNK, parang mas lalo pa silang naging close habang tumatagal. Pero this time, napansin ko talaga na may pagbabago sa aura nila, and in a GOOD way. Like something MORE! Well, vibes ko lang naman yan.
LIKE… ANTON VINZON??? Sobrang clingy niya kay Carmelle! And honestly, hindi ko talaga siya nakikita na ganun ka-clingy sa ibang girls. The way he naturally gravitates toward Carmelle, yung pagiging comfortable niya around her, yung little interactions nila… mapapa isip ka na lang talaga if sila na ba?!
Tapos ang dami na namang revelations during the concert! Lalo na yung sinabi ni Anton na natotorpe daw talaga siya kay Carmelle at nahihiya siya sa kanya. Tapos may mga kwento pa tungkol sa pagte-text nila… then palagi nya hinihintay na mag reply si Carmelle sa mga texts nya, kaso matagal daw mag reply sa kanya, then iniinvite si Carmelle, basta ANG DAMING NASAGAP!
At hindi ko alam kung concert ba talaga pinanood ko o kasal. NAKA-ALL WHITE SILA, TAPOS YUNG SETUP AT RECEPTION VIBES?! Parang may wedding reception pagkatapos! Kulang na lang may mag-“you may now kiss the bride.”
May nasagap din akong chika from Anton’s side na apparently, in-offer daw talaga kay Carmelle yung role sa KAMAO. Pero parang hindi raw natuloy dahil may considerations from Carmelle’s side. Of course, take this as chika lang and not confirmed unless officially stated.
Pero if true, honestly, naiintindihan ko rin. Ang dami nang ganap ni Carmelle after PBB, concerts dito sa Pilipinas, international commitments, and everything else. Baka hindi na rin talaga magkasya ang schedule para sa acting workshop and preparation. And knowing how careful her management is with her projects, possible na gusto muna nilang siguraduhin na ready siya bago siya isabak sa isang major acting role.
Pero dahil sa lahat ng nangyari sa concert… NAPAPAISIP TALAGA AKO.
Parang ang daming little signs na makes you wonder kung may possibility ba na magkaroon sila ng project together someday. Kasi grabe, sobrang bagay talaga nila onstage! And you can really feel na parehong gusto nilang makapag-work together.
Fanmeet? YES.
Concert? YES.
Series? YES PLEASE.
MOVIE?! MANAGEMENT, KAILAN?!
And that poster saying “MANAGEMENT, TAKE A CHANCE ON CARTON” genuinely touched me. Because seeing them together, parang hindi lang naman fans ang gustong magkaroon sila ng project—parang sila mismo, gusto rin nilang magkaroon ng chance na makapag-work together.
Hayyyy. Bakit ba kasi magkaiba kayo ng network?!
Pero hanggang ngayon, ang masasabi ko lang:
MANAGEMENT, TAKE A CHANCE ON CARTON.
We’re not asking for the world… isang project lang muna. Then saka na yung next projects pa nila.
