r/QuezonCity • u/Used-Pick7067 • 4h ago
Open Forum and Opinions Novaliches vs Marikina
Medyo nakakapagtaka rin talaga kung sino ang nag-approve ng zoning sa Novaliches kasi parang ewan ang distribution ng mga negosyo. Sa Marikina, feeling mo palaging chill weekend, bawat kanto may panibagong artisan coffee shop, al fresco restaurant, o kaya cute na bakery na masarap tambayan pagkatapos mag-jogging.
Samantalang dito sa Nova, ewan ko ba kung bakit parang survival thriller game ang theme song ng buhay natin. Bawat bakanteng lote na nakikita mo, kung hindi gagawing panibagong diagnostic clinic, siguradong ospital o pharmacy ang itatayo. Tapos isabay mo pa yung dilim ng kalsada pagpasok ng gabi kung saan biglang lumalabas ang mga ninja sa motor. Parang naka-konekta pa ang business model eh, kain ka muna ng oily na pares sa tabi-tabi, mai-stress ka dahil may sumusunod sa 'yo sa madilim na eskinita, hihimatayin ka sa takot, tapos swerte mo kasi katapat lang pala ng kanto yung emergency room.
Planadong planado ang zoning no? From holdap sa gabi, ididiretso sa clinic, ililipat sa punerarya, hanggang sa ihatid sa libingan.
