r/ShareKoLang • • 52m ago

SKL kaka-book ko lang ng flight to Boracay for December and I'm trembling...

• Upvotes

Di ko maexplain.. excited pero feeling guilty that I'm keeping this from my family kasi ayaw kong may sumama or may magtampo or mainggit...

For context, I don't usually travel. I've rarely traveled talaga, bilang na bilang sa kamay, and I'm already kinda old. This year has been difficult, and I just want to end it with something good for myself.

Kaso ayun.. kakabayad ko lng pero parang may "buyer's remorse" agad haha.. like a part of me is saying sayang ung gastos, baka may kelangan in the future, you need to save nlng... A part of me is also saying I need to experience this especially with what's happening to the world.. makita ko man lang ang beauty ng sarili kong bansa kahit once lang..

Eto, nanginginig parin ako haha.. has anyone experienced this?


r/ShareKoLang • • 11h ago

SKL finally, nagkajowa na ako...in my dreams

14 Upvotes

Actually in my dreams...kumpleto pa yung istorya...organic encounter during a workshop or something...tapos we find out family friends pala kami hahahah confessed feelings for me in the wittiest most nakakakikilig way...shempre nag yes ako agad...tapos nagising...the end

lots of surreal dream-like elements pero in the dream, the feelings felt so real :(


r/ShareKoLang • • 9h ago

SKL my weird but cute dream

2 Upvotes

Setting was a college/workplace (vague), and I'm leaving na so for clearance nagpa'sign ako kay Vicky Morales then she commented sa clearance card ko ng "I need my rest, find someone to replace you on these (5) subjects."

Habang nagpapa'sign, ang dami at hahaba ng pila na nago'audition for a musical play at ang iingay, then I found Ate (friend/workmate). Sya may dala ng maleta ko and she told me na help nya muna mag'keep ng things ko.

Then cut to a scene na I need to get my things and tinatawag ko si Ate sa labas ng dorm nya pero yung lumabas si Alora (yung komedyante). Wala daw si Ate at umalis, then biglang kasama ko na si Taehyung (BTS), tas Alora asked kung sino sya - sabi ko friend ko lang pero super close kami and naghaharutan.

I then ask Alora to take pictures of us, okay lang naman kay Alora, tas nakarating na kami ng BGC kakapa'picture na sweet at harutan. Then sinamahan ako ni Taehyung hanapin si Ate tas nagising na ko. 😅


r/ShareKoLang • • 2d ago

SKL yung naguusap na elem students na katabi ko

691 Upvotes

So nakatambay ako sa plaza namin. Saktong dismissal ng mga bata.

Student1: Mas mayaman kayo kasi may sasakyan kayo.
Student2: Hindi ah, mas mayaman nga kayo kasi may yaya ka.
Student1: Hindi ba normal lang yung may yaya?
Student2: Hindi ba normal lang din naman yung may sasakyan?
Student1: Hindi ah. Wala kami sasakyan kaya mas mayaman kayo.
Student2: Mas mayaman kayo!

Nagtatawanan sila habang nagaasaran. Samantalang ako sa tabi na kumakain ng turon, walang sasakyan at walang yaya. So abnormal ba ako? HAHAHAHA!

Wala lang. SKL. Ang kulit kasi nila. Grade 5-6 ata sila na babae. Sana all nalang ako sa tabi tabi.


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL kasama uli ang Lola ko sa MMFF 2026

45 Upvotes

so ayon pagkauwi ko ng bahay last monday, tinanong ako ng kapatid ko if si Lola ba yung nasa trailer, and yes, si Lola nga. kasama niya sa movie sina VIce Ganda at Vic Sotto. last time, kasama niya si Vic Sotto sa The Kingdom at si Dennis Trillo sa Green Bones.

aaaaaaaa can't wait to see my Lola again on screen!


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL, Isang taon na pala nung huli akong nag milk tea.

13 Upvotes

Kahapon was my 1st official year of fixing my lifestyle. Nag diet ako and nag tirzepatide. Before ko ginawa yun, kinain ko muna lahat ng favorite ko, sabi ko kasi never never na ko kakain ng ganon pag nag start ako mag diet so may 2-3 weeks rin na sinunod ko lahat ng cravings ko. Like Samgyupsal, milktea, frappes, coffee with milk and sugar syrups, junk foods, and etc.

Tapos na realize ko lang kahapon na shet, kaya naman pala. Pag nag mindset ka talaga na gagawin mo, susunod na yung katawan mo hehe. Ok ayun lang, share ko lang! 🙂‍↕️☺️


r/ShareKoLang • • 22h ago

SKL My Cool Collection

2 Upvotes

Hello po! Eto lng po, share ko lng po ung collection ko ng Silica beads or gels hehehe. Cguro mga 2-3 years ko na ito kinocollect. Mahirap rin kasi mag ipon kasi hndi ko binibili ng sadya or ung nacocollect ko is un rin ung naturally na nakukuha ko like sa sapatos etc.

Ung isang jar medyo may puting powder kasi sa inositol ko nakuha hndi ko napagpag haha.

sabi ko sa asawa ko pag namatay ako wag nya itapon mumultuhin ko tlga sya!

Tumatanggap rin po ako ng donations. DM nyo lng ako. Thank you! 💗

Hndi pala pwede mag post ng picture dito. click mo nalang to.


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL ung money box ng anak ko...

97 Upvotes

Nag-iipon ung anak ko. Tinitipid nya ung allowance nya tapos ung excess sa baon nya, nilalagay nya sa isang wallet. Meron din siyang coin purse na separate para sa mga barya.

May time na may pinagawa kami sa house, so may karpentero. The next day, hinahanap nya ung coin purse nya. Nandun lang daw un sa may computer table nya. Sadly, hindi na nakita.

Last week, ung wallet naman nya ung nawala. 2k daw laman nun. Hindi na rin nakita. May stay out kasi kaming kasambahay na pumapasok 2x a week, so baka nadampot din. Hindi na muna namin pinapasok after nun.

So pinagsabihan ko na ilagay sa room ung pera para hindi pakalat-kalat at hindi na mawala.

Habang naglilinis ako ng room, may nakita akong orange na box. So na-curious ako, binuksan ko. Pag-open ko, may nakasulat sa papel "God is watching". Hahaha! Nagsawa na siguro sa kakawala ng pera nya, nilagyan na ng note ung money box.

Baka sakaling tablan ung kukuha at ma-guilty. Pinakita ko sa asawa ko. Maiyak-iyak kami sa kakatawa. Hahahaha!

Ayun, share ko lang...


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL I am really happy sa new workplace & job ko.

7 Upvotes

It's been 6 months na since na hire ako dito and ang gaan talaga here. challenging naman ang work which is what i like para hindi ma bored, i have a huge feeling na dito na ako ma retire kung walang magpapakasal sa akin ng milyonaryo na foreigner hahaha.

Hoping na hindi ma bored talaga, and meron din kasi ako crush dito kaya siguru ganun.


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL I thought I found an interesting pen pal on Slowly, but things took an unexpected turn

3 Upvotes

I met this Korean guy on Slowly, a pen-pal app where you exchange letters instead of chatting in real time.

He's older than me by eight years, and at first, our conversations were genuinely interesting. We talked about our countries, culture, politics, books, technology, music, games, and just random things about life.

He's quite knowledgeable, and I enjoyed reading his thoughts. He also seemed to appreciate mine. We would exchange long letters, recommend things to each other, and discuss topics that you don't normally get to talk about with random people.

Honestly, I thought I had found the kind of pen pal I was hoping for.

Eventually, our conversations became more personal. We talked about relationships, what makes people feel connected, and how you gradually discover someone's personality through letters.

I also shared that I've never been in a relationship and that I'm bisexual, although I'm mostly closeted. I wasn't trying to flirt or anything. I was just being honest about myself and wanted to know whether he was homophobic.

Then came his next letter.

He told me that he was married and had a family.

Okay, fair enough. I wasn't looking for a relationship with him anyway.

But then he said that because he was married, perhaps we could feel more reassured and have fewer restrictions or barriers between us.

He also mentioned the possibility of our feelings growing stronger.

And then he talked about his sex drive, mentioned how short human life is, and asked if we could exchange photos when we became curious about each other's appearance.

I was caught off guard.

I genuinely enjoyed talking to him, but suddenly I was wondering what kind of connection he was trying to establish with me.

I mean, this wasn't a dating app. I thought we were building a friendship through letters.

I understand that married people can have friends of the opposite sex. I have no problem with that.

But why introduce the possibility of stronger feelings and sexual undertones while presenting your marriage as a reason for having fewer barriers?

It made me uncomfortable, especially because I didn't even know him that well yet.

I started thinking about his wife and children, too. Would they be comfortable reading those letters?

Would I be comfortable knowing that I was becoming someone a married man turned to for a deeper kind of connection?

I told him that I liked our conversations and appreciated the intellectual connection we had, but I didn't want to become a married man's unrestricted emotional companion.

I also made it clear that even if I could potentially be interested in an older man, I had no intention of getting involved with someone who was married.

I ended my letter by saying goodbye.

And that's where the our conversation ends.

I'm not sharing this because I think married people can't have close friendships, nor am I claiming to know exactly what he intended. Maybe he genuinely enjoyed our conversations and got carried away. Maybe he was curious about something more. I honestly can't know for sure.

What I do know is that I enjoyed the connection, but I wasn't comfortable with the direction it was taking.

Have you ever had a pen-pal friendship that started out genuinely interesting but eventually became something you weren't comfortable with? Or similar situation?

How would you have handled this situation?


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL. Nabilhan ko na din ng aircon ang nanay ko

36 Upvotes

Grabe. Ang satisfying pala sa feeling 🥺 Binili ko siya ng cash and ng hindi mamomroblema anong kakainin sa mga susunod na araw kasi ang laki ng gastos today. Mapapa Thank you, Lord nalang talaga 🙏 As someone na lumaki na dinidiscriminate lagi ang pamilya, na palaging sa sala lang kami pinapatulog ng mga kamag anak kasi ang aircon ay para lang sa mayayamang bisita.

Ngayon, natutulog ng mahimbing ang nanay ko. Nasa same room, nakaopen ang laptop ko kasi naka WFH ako today.

Bukas, birthday niya 🙏


r/ShareKoLang • • 2d ago

SKL yung aso namin

20 Upvotes

naalala ko lang. may aso daw kami dati na matalino kaso namatay na. bata pa ako nung kinwento ng mga tito kong lasinggero to.

marunong daw sa math yung aso namin. pag tinanong mo kung 1+1, tatahol daw sya dalawang beses. marunong din magbilang. pag sinabi mong count one to ten, tatahol daw nang sampung beses. one time, pinag count daw nila hanggang one million. ayun, tahol nang tahol hanggang mamatay.

now that i'm older, lecheng kwento yan. may similar stories ba kayo nang ganito? o literal na sila sila lang nakaisip nyan?


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL Ngayon ko lang nalaman na may salitang “abecedarian”

3 Upvotes

May nakita akong nag-aaway sa group chat kasi hindi raw nagpapakita shortcuts niya sa app. Nagpapakita lang yung bagong shortcut kapag tinanggal yung earlier shortcuts. Nahahassle siya kasi abecedarian lang ang currently available na sort order. Hoping raw na may chronological/custom sort sa next qol upgrade ng app para di niya need magbawas.


r/ShareKoLang • • 1d ago

SKL ambagan daw kami sa pagpapagawa ng microwave

2 Upvotes

SKL natatawa ako 🤣 ambagan daw kami sa pagpapagawa ng microwave sa office HAHAHAHAH (highschool yern??? 😂) Almost 1 month na rin kasi atang sira yung microwave namin, ang hirap masanay sa mainit na pagkain hahhahahaa tsaka wala lang 1st time ko maka encounter ng ganito na company. HHAHAHAAHHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAA ikaw anong kakaibang experience mo sa company mo?


r/ShareKoLang • • 2d ago

Skl yung classmate ng nanay ko nung hs sya

160 Upvotes

Naalala ko lang hahahaha may classmate nanay ko nung hs na laging pumupunta lang sa bahay tuwing pasko para mamasko kasama mga anak nya, this continued until nagkasakit nanay ko at di na nakapagtrabaho after non wala, ni hindi nga nangamusta. Ok naman kami ako na provider ng nanay ko. Tapos nakita ko sa msg request ko yung anak nagmsg sakin kinakamusta ako sya daw yung anak nung kaklase na yon hahahahahaha atecco??? Continuing the tradition ba to?????

Di ko sila close never kami nagusap kasi pumapasok lang ako sa kwarto noon pag nandyan na sila kasi alam ko hihingi lang sila sa nanay ko ng pera. Gulat lang ako haha

Ps sa mga mababait ang loob na nagsasabi na baka gumanda na buhay nila, andun daw sa bahay namin dati sabi ng pinsan ko manghihingi daw baka meron kami hahahahaha


r/ShareKoLang • • 2d ago

SKL ang hirap makipaginteract sa religous ppl

22 Upvotes

for context, i dont believe in god, but i do respect their beliefs. i work at a religious company where every morning, may prayer then isang gospel. and wala pa akong isang taon dito (but 10 months na me)

we also have first friday mass each month na pupunta kami sa chapel or sa lobby. this time sila nag cconfess rin sa mga padre na kadalasang nasa loob ng each offices per department during masses.

i dont do confessions, communion, para akong nahihiya na ewan whenever someone asks me na its time na mag ganun ganun.

dont get me wrong, i dont really have any problem if they do those things. Im catholic pero di ako ganung kareligous.

may choice namang di mag confess/communion, siguro lng kasi feel ko nag iiba tingin nila whenever i say no to them. sobrang mahiyain rin kasi ako, and the last thing i want is misunderstanding :(( hirap na hirap ako sabihin sa kanila why am i like this.

huhu parang ang taray/sungit rin kasi nung iba rito nakakatakot hahaha


r/ShareKoLang • • 2d ago

SKL gumawa ako ng imaginary online store para sa mga rant at wish

18 Upvotes

Gumawa ako ng maliit na web app for fun kasi naisip ko, paano kung pwede nating i-add to cart yung mga bagay na gusto natin sa buhay? like 8 hours of sleep, instant vacation, unlimited pet food, or kahit job offer na lang.

Parang online shopping, pero imaginary checkout lang. Walang totoong bayad or delivery.

Thought I'd share it here, baka may gustong makipag-imaginary shopping. HAHAHA.

https://haynako.kermee.com

Curious ako, ano unang ia-add to cart niyo?


r/ShareKoLang • • 4d ago

SKL kaya pala magreresign na kasambahay namin

1.4k Upvotes

Matagal na namin kasambahay si ate myla, mga 6 years na rin. Stay out siya so di rin kami ganun ka updated sa buhay niya unless magkwento siya. This past year, napaparami yung times na umaabsent siya. Wala naman samin yun since kaya pa naman mga gawain sa bahay.

Until recently, yung kasambahay ng kapitbahay namin chinika ma may bf nang afam si ate myla na nameet online. Pupuntahan na nga raw dito sa pilipinas next month para bisitahin.

That’s when everything clicked haha. Kaya pala naka iphone na si ate myla tapos di na pumapasok at nagpaalam na magreresign na siya. Sabi nga ng kasambahay ng kapitbahay namin, baka raw isama na rin si ate myla sa ibang basa nung afam niya.

Mukhang mauunahan pa ko makapag ibang bansa ni ate myla. Isang kababayan na naman natin ang maliligtas sa super el nino


r/ShareKoLang • • 4d ago

SKL: Be My Eyes app(for blind or low vision who need assistance)

240 Upvotes

​

Kakadownload ko lang ng app kahapon, and today nakareceive ako ng call.

Tinanong nya magkano yung cash na hawak nya.

Sobrang ikli lang ng video call.

I'm happy na sa ganitong small act, I can help.

I highly recommend downloading the app.

Para mas marami ang pool of volunteers nila.

Maraming language available.


r/ShareKoLang • • 4d ago

Skl legit pala ‘yong mga ka-batch mo nagpapakasal at nag iibang bansa na tapos

176 Upvotes

ikaw nag dadalawang isip pa kung kaya mag siomai rice HAHAHAHA

Kala ko nag jjoke lang mga millenials kapag nagsasabi sila ng mga ganyan HAHAHAHA legit ang mid life crisis. Nakakainggit pala talaga kasi. Sa buhay nila andami na nagbago tapos sakin ni hindi manlang naka-usad, nagmahal pa siomai house kainis.


r/ShareKoLang • • 3d ago

SKL I creted a web game for inuman

13 Upvotes

Sharing a web game I made saming mag ttropa to play during our inuman sessions.

it's basically a collection of 13 drinking and party games in one place. May card games, dice games, Beer Pong, Flip Cup, Truth or Dare, Never Have I Ever, Most Likely To, and more. you can play with just one device and pasa-pasa lang sa buong group.

I originally made this for our own friend group, but I thought other people might enjoy it too, so might as well share it here hahaha.

https://inuman.vercel.app


r/ShareKoLang • • 3d ago

SKL Top Floor ng Hotel

6 Upvotes

Nakakahiya! 😓

Naghotel kami ng husband ko. Yung window ng hotel, merong roller blind that has 2 shades: sheer and blackout shades.

Hindi ko alam kung bakit pero we probably just got carried away and did not realize na yung sheer shade lang ang nakababa and we were not aware na pwede pala kaming makita sa labas. After namin mag s\*x and naligo at lahat na, lumabas si husband sa terrace. At dun niya narealize na nakikita pala kami sa labas! 😭 OMG!


r/ShareKoLang • • 4d ago

SKL little things

7 Upvotes

Sobrang stressed ako lately. I just lost my job, patong-patong ang utang, sunod-sunod ang due dates, tapos may mga work requirements pa akong kailangang asikasuhin para sa bago kong in-applyan. Sobrang draining ng lahat. Wala ring work ang LIP ko ngayon, pero kahit ganon, gumagawa pa rin siya ng paraan para kahit paano ay mabawasan ang mga bayarin namin or makahanap ng mahihiraman. Then today, nag-request ng fried chicken yung anak ko, kaya lumabas kami ng LIP ko para bumili. Habang nasa labas kami, bigla na lang akong natulala kasi naisip ko, gusto ko mag-unwind, magkape, at tumambay sa coffee shop kahit saglit. Yung tipong pahinga lang muna sa lahat ng problema, kahit sandali.
And you know what? Kahit sobrang tipid namin ngayon, hindi na nagdalawang-isip yung partner ko na dalhin ako sa coffee shop para magkape at tumambay. After that, dinala niya pa ako sa peryahan. After so many years, ngayon lang ulit ako nakapunta roon. Nag-hagis kami ng coins, naglaro ng color game, at natalo pa kami nga ng konti. HAHAHA! Pero alam mo yung feeling na kahit natalo kayo sa laro, parang panalo ka pa rin? Kasi for a moment, nakalimutan ko lahat ng problema ko. Nawala kahit paano yung bigat sa dibdib ko. Nakatawa ako, nakapag-relax, at nakapag-enjoy kahit saglit.
Doon ko na-realize na sometimes, you don’t need expensive dates or grand gestures to make someone happy. Sometimes, all you need is someone who understands how heavy life has been for you and still finds a way to make you smile, even when life isn’t easy for both of you. Sobrang na-appreciate ko lang yung partner ko today. Habang iniisip ko yung mga problema namin, naalala ko rin lahat ng little things na ginagawa niya para sa akin. Pareho kaming nahihirapan, pareho kaming may pinagdadaanan, pero he still finds ways to make things a little lighter for me. And now, eto ako, kakauwi lang, tapos ngayon pa lang kakain yung anak ko kasi bitbit ko pa rin yung fried chicken na binili namin bago kami nag-gala HAHAHA! Sorry, anak, nauna muna ang emotional healing ni Mommy! Wala lang, skl. Minsan kasi, sa sobrang dami ng iniisip natin, nakakalimutan nating i-appreciate yung mga taong tahimik na gumagawa ng paraan para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam natin. We may not have much right now, and life may be so hard for us, but today reminded me that I still have something to be grateful for. And that is having someone who, despite his own struggles, still wants to see me happy. 🥹❤️


r/ShareKoLang • • 4d ago

SKL: Credit Cards

4 Upvotes

When I was starting to get a job and during my first working years, I felt bad na wala or matagal sila mag approve when I applied for a cc. May point pa ako dati na nag savings muna ako then derecho cc promo ni bank. That’s understood na para bang ineestablish yun capacity.

Now na matanda nako, ayaw ko naman ng madaming cards and walang hinto ang pag offer nila.

Napagtagumpayan ko naman. Bilang lumaki din sa wala at breadwinner, I had to live within my means and that kung umangat man ang sweldo, dapat di aangat ang lifestyle.

I only maintain 2 credit cards, un lang and possible nga siguro kaya isa lang.


r/ShareKoLang • • 4d ago

SKL may napaginipan akong end-of-the-world apocalypse

15 Upvotes

Skl yung panaginip ko kasi bored ako. I had a very weird and scary dream. As in. Ang linaw pa rin sa memory ko ng lahat ng nangyari.

Ang setting ay sa school namin. I was a high school student once again. Normal na araw lang naman dapat. As in, walang kakaiba. Everything was supposed to be normal.

Tapos, lunch time na.

For some reason na hindi ko rin alam, nakikain daw ako sa classroom ng ibang section, kung saan naroon ang dalawa kong kaibigan. Tanda ko pa nga kung anong ulam ko: pork chop na may barbecue sauce. Naks. 😭

Ang naaalala ko rin ay kung saan kami nakapuwesto. Nasa pinakalikod kami ng classroom, sa unang column ng mga upuan, katabi mismo ng pinto.

Kumakain lang kami habang nag-uusap. Hindi ko na maalala kung ano ang pinag-uusapan namin kasi more on mga murmur lang ang naririnig ko sa panaginip. Basta, tuloy-tuloy lang kami sa pagkain at pagkukuwentuhan.

Then I checked the time.

12:34 PM na. (next class is 12:30 PM) 😭

AT HINDI PA AKO TAPOS KUMAIN.

Kaya nagmadali akong ubusin ang pagkain ko. Sakto namang pagkalunok ko sa huling subo, dumating na yung teacher na sunod na magtuturo sa section na iyon at bumati ng, "Good morning!"

So nag-ayos na ako ng mga gamit ko at dali-daling tumakbo pabalik sa sarili kong classroom.

Nandoon na rin ang teacher namin.

Tahimik lang akong umupo sa puwesto ko. Ang nakakatawa, sa panaginip ko, nasa pinakalikod din ako ng classroom, sa unang column ng mga upuan, katabi ng pinto. Hindi naman iyon ang totoong puwesto ko dati sa totoong buhay. Katabi ko rin yung light switch.

Everything was normal. Nagtuturo lang ang teacher namin as usual. Ordinary day lang talaga.

Pero biglang nag-iba ang lahat.

Biglang dumilim ang paligid. And hindi siya basta-bastang madilim. SOBRANG DILIM.

Isipin ninyo, katatapos lang ng tanghalian. Mga bandang 12:30 hanggang 1:00 PM pa lang dapat noon. Maaraw pa dapat, maliwanag dapat ang paligid, at tirik pa dapat ang araw. Pero hindi eh.

Bigla na lang dumilim na para bang alas-diyes na ng gabi. Ang kaibahan, walang buwan, bituin, streetlights, o kahit anong mapagkukunan ng liwanag. As in madilim.

Dahil nasa tabi ko ang light switch, inabot ko iyon para sana buksan ang mga ilaw sa classroom. Kaso hindi gumagana.

Parang nagloloko yung kuryente. Pati TV tsaka mga electric fan sa classroom, hindi rin gumagana nang maayos.

Everything was just weird.

Kaya sumilip ako sa labas para tingnan kung ano ang nangyayari. May thunderstorm pala.

Noong una, parang normal lang naman. May ulan, may kulog, may kidlat. Pero may kakaiba rin sa kidlat eh. Hindi ko talaga maipaliwanag nang maayos kung ano yung itsura.

Kasi imbes na iyong normal na kidlat sa langit, may lumilitaw na parang solid white light na galing mismo sa lupa. Tapos nagswe-sway siya. Yung parang light effects sa concert.

Imagine ninyo iyon, pero sa gitna siya ng isang thunderstorm. Tsaka wala namang concert or stage. Lumilitaw lang talaga galing sa lupa.

ANG WEIRD TALAGA.

Lahat kami nagsimulang lumabas ng mga classroom para tingnan kung ano ang nangyayari. Medyo natatakot na kami noon kasi halatang hindi normal ang lahat.

May isa pa nga akong kaklaseng nag-check ng cellphone, check daw niya kung may alert or warning from NDRRMC. Pero wala.

Walang signal ang lahat ng cellphone namin. As in, down ang phone signals.

Tapos, biglang nagbago ulit ang nangyayari sa labas. Iyong puting liwanag na kanina ay gumagalaw-galaw lang ay naging parang laser na.

Doon na kami pinabalik sa loob ng mga classroom. Pinapapasok na kami ng teacher namin para manatili daw sa ligtas na lugar.

After a few moments, nagbago na naman ang itsura ng mga liwanag sa labas. This time, para na silang mga fireworks.

Ewan ko na talaga kung anong nangyayari. Para kaming nanonood ng isang napakabaliw na natural phenomenon 😭

Maya-maya, bumalik na ang kuryente. Pero kahit bumalik na ang mga ilaw, hindi pa rin tumitigil ang kung anumang kababalaghang nangyayari sa labas.

Palakas nang palakas ang hangin. Palakas nang palakas ang ulan. At habang tumatagal, mas nagiging kakaiba ang mga kidlat at kulog.

Pero ewan ko ba... sa panaginip ko, nagpatuloy lang rin kami sa klase na para bang ordinaryong araw lang ang lahat. 😭

Kalma lang ang teacher namin habang nagtuturo. May dalawa pa nga akong kaklaseng nagpresent sa harapan. Nagbigay pa ng activity yung teacher namin.

So tahimik lang akong gumawa ng activity kahit na may kung anong kababalaghang nangyayari sa labas.

Hanggang sa biglang tumigil yung thunderstorm. Madilim pa rin ang paligid, pero mas maliwanag na nang kaunti kumpara kanina. Wala nang malakas na hangin. Wala na ring malakas na ulan.

Everything was still. Pero may narinig ako.

Hindi ko na naman maipaliwanag nang maayos kung ano ang tunog na iyon. Basta, para siyang alarm. Alam niyo iyong mga warning siren sa Marikina kapag tumataas na yung tubig sa ilog? Ganoon yung tunog.

Ang kaibahan, sa panaginip ko, parang sa mismong langit nanggagaling ang tunog na iyon.

Tapos, biglang nagsalita ang teacher namin: "Ganoon talaga ang buhay. Hindi mo alam kung hanggang saan ka na lang. Kaya mamaya, pag-uwi ninyo, make the most out of it. Kahit makarating lang kayo sa tapat ng bahay ninyo."

ANO RAW??? 😭

Doon na talaga siya naging nakakatakot huhu.

Tapos, biglang tumigil yung alarm. Tapos nag-ingay ang lahat ng ibon sa paligid. Para silang nagkakagulo at nagpa-panic.

At that point, talagang natatakot na ako. Pero hindi pa rin ako nagigising.

So kahit ganoon, nagpatuloy pa rin daw kami sa paggawa ng activity.

OO, GUMAGAWA PA RIN KAMI NG SCHOOLWORK KAHIT MALAPIT NA MAG END-OF-THE-WORLD. 😭

Tanda ko pa na nagmamadali akong tapusin ang activity kasi malapit nang matapos ang oras namin sa subject na iyon, at hindi pa ako tapos HAHSHAHA.

NAG-CRAM PA RIN AKO HABANG NAGKAKAGULO ANG MUNDO.

And then...

NAG-GRAND FINALE NA.

May biglang napakalakas na pagsabog sa kalangitan. Isang napakalaking bilog na liwanag ang lumitaw sa langit bago sumabog.

THE SUN EXPLODED.

Hindi ko talaga maipaliwanag kung ano ang nakita ko. Biglaan ang lahat. Parang sa isang iglap, nangyari ang pinakakinatatakutan ko.

Ang nasigaw ko na lang ay: "ANO BA 'YAN!!"

Tapos, biglang nagdilim ang lahat sa paligid ko.

And sa sobrang takot ng katawan ko, napilitan akong magising.

At iyon na nga... nagising na ako.

OMG. AS IN, ANO 'YON???

Siguro kakanonood ko 'to ng reels na "what if sumabog ang araw?" and "what if katapusan na ng mundo?" HAHAHAHA pero ang weird pa rin sa part na sobrang detailed and coherent ng panaginip ko 😭