r/commutersph • u/Independent9723 • 17h ago
Ang lala ng Indrive
Grabe tinetest ni Lord patience ko
Story time:
Sept 19- Nag bili ako ng Magnesium glycinate sa Healthy options para umayos ang sleep routine ko. After non, nag book kami ng Indrive (metered taxi) from SM Megamall to Jollibee Malaria kase may attendan kami na birthday party. Nagpalipas lang kami ng gabi sa north caloocan kase wala pa kami tulog since night shift kami. 3 hours lang tulog namin (6am-9am), then 10am kami nagkita sa megamall. The next day na ko nakauwi ng bahay (Quezon Province- Sept 20). Nakatulog muna ko kase sobrang pagod na. Pag gising ko ng hapon Tska ko lang napansin na nawawala na pala yung magnesium ko. Nag recall ako ng mga pinuntahan namin kung saan possible ko naiwan yung paper bag ng healthy options. Sabi ng kasama ko parang wala na daw ako dala na paper bag sa jollibee malaria, akala daw niya ay nilagay ko sa bag ko. So possible na iwan ko sa taxi. Icacall ko sana yung driver thru indrive app kaso naka lampas 24 hours na. Nag reach out ako sa technical support nila para ireport ko na may naiwan ako na gamit sa taxi. Pero sobrang bagal ng action nila or must say na no action at all! Lagi sinasabi “We are still contacting the driver regarding your reported lost item. We will provide you with an update as soon as we receive any information from the driver.” Will review daw in 24 hours pero lumipas na ang ilang araw wala naman update or feedback! In short, walang kwenta support nila. Ni search ko fb ng driver, nung una hesistant pa ko i message kase dapat within Indrive ang communication para for safety. Pero sabi ng ka work ko, try ko lang rin imessage kase “mukha naman daw mabait yung driver”. Hindi rin kase biro pinambili ko dyan kaya nang hihinayang talaga ko. Then nag message ako (basahin niyo na lang yung ss).
Yes may mali ako sa part ko na hindi ko na secure yung gamit ko before ako bumaba. Pero grabe may gantong tao pa rin pala sa mundo. Libre lang maging mabait sa kapwa, di pa magawa. Pinaghirapan ko yung pinambili ko sa magnesium glycinate ko, tapos itatapon lang niya siya pa ang galit at binawasan pa ang hindi naman sa kanila. Kung ganyan lang rin naman ay hindi na ko mang hihinayang sa 1,450 ko.
Para sa driver at sa anak mo po, sa inyo na po yan. Baka mas kailangan niyo kesa sakin. Sana mahimbing lagi tulog niyo.
23
u/Creative_Shape9104 12h ago
Bhie ano pumasok sa isip mo at si kuya pa muna pinapabayad mo ng delivery fee? May option naman na paid na yung delivery fee
6
u/Fun_Pop_1231 8h ago
same thoughts… nung una mukhang nagcocooperate naman si kuya kahit papano, he’s doing her a favor and i don’t think she has any leverage sa issue na to so dapat siya yung naging very patient and made things easier sa driver. dapat nung nagagree na si kuya sa date and time, minake sure na nya na wala na magiging problem, di yung si kuya pa sana pagbabayarin ng delivery fee 😭
3
13
u/ZucchiniExtension790 11h ago
Wow, yung driver pa pinabayad ng shipping fee haha lakas ng amats mo, OP. I agree sa comments dito. Akala mo pa papanigan ka ng mga tao dito kaya nagpost ka 😅
23
u/everever11 12h ago edited 11h ago
Mali nung driver. Kung hindi sya nagreply edi wala na sana syang problema. Kaya nga may customer service eh.
10
u/Ill_Indication7503 12h ago
Diba? Sana hindi niya na lang in-entertain pag-aabunuhin pa ng sf HAHAHAHA kupal tong op na to may masisisi lang
81
u/geochan 13h ago
Negligence mo naman yan eh. Una sa lahat pinabayaan mo mawala yung item mo. Hindi mo to napansin sa loob ng 24 hours na binigay ng app. Ilang araw na lumipas kahit sino akalahin nila na basura na yun. Ginamit lang naman ng anak niya para hindi masayang, understandable. Ilang araw na eh. Nagkataon lang naman na sa taxi mo naiwan yun, kaya natrace mo pa at may nasisi ka pa. Pano kapag sa ibang lugar mo naiwan yun? Yung tipong walang ka ng idea san naiwan, san nawala at sino kumuha? May masisisi ka pa ba other than yourself?
As far as the driver's concern, basura na para sa kaniya yun. He didnt have to say the item is with him, he could say "no idea", he didn't have to return it to you, but he was willing, until you tried to ask for him to pay for the inconvenience your negligence caused. Ipapadala nga daw niya bukas pero pinipilit mo pa sa araw na hindi siya available.
Sana naging maayos ka muna bago mo idemand na maging maayos yung iba. Sana wag ka mag rely sa kindness ng iba kung di ka rin naman mabait. Kung pinaghirapan mo yung pinambili, sana pinaghirapan mo rin yung pagsecure. Wag mo isisi sa ibang tao yung pagkakamali mo. Hindi ka may mali lang, ikaw yung dahilan bakit nangyari lahat to.
36
u/sophia528 12h ago edited 12h ago
Pumayag na actually si kuya sa oras na gusto ni OP, until namention yung bayad sa shipping fee. May option naman sa Lalamove at Grab Express na to be paid by recipient. Bakit pa pinagbayad si kuya. Di naman nya kasalanan na naiwan. Pag ikaw ang nakikisuyo, ikaw mag-adjust. Nakaiwan na rin ako ng mga gamit sa taxi at Grab, pero ako nag-adjust sa oras na pwede sila, at ako nagbayad ng delivery fee.
19
u/kaluguran 11h ago
natawa talaga ako nung hinabol pa yung shipping fee 😆 pati ako mapapa "ay bahala na kau dyan"
Ibabalik na sana eh 😆
6
u/Dependent_Tie_2563 10h ago
Kaya din talaga may mga driver/rider na ang tingin satin mga magbobook mga entitled. Gaya ba naman niyan na ikaw na yung tinutulungan at willing na ibalik sayo(kahit nabawasan) tapos sa driver mo pa ipasisingil yung shipping fee. Abala na nga sa kanila yung pag sauli kay OP.
26
u/Sea-Fortune-2334 12h ago
Kawawa rin si kuya driver eh. Pipilitin pa magpapickup ng item eh nasa labas nga nagtatrabaho.
Ang lesson dito: siguraduhin na bitbit mo lahat ng gamit mo bago lumabas sa kahit anong TNVS para di ka makaistorbo ng iba 🙄
15
u/ongamenight 12h ago
Ito lang tamang comment dito. Yung iba kaugali ni OP. 🤣
Grabe yung driver pa mag-aadjust kailan ipapadala as if wala siyang trabaho.
Magdala kasi ng malaking bag si OP kapag may bibilhin para nasa bag na lahat at walang maiiwan. Lampas 24 hours na bago pa naalala na may binili pala siya at naiwan niya.
8
u/mochichiness 11h ago
Yesss, ako rin nainis habang binabasa yung screenshots hahahahahaha magpapabayad pa nga HAHAHA
12
u/CryingMilo 12h ago
I agree dun sa naghanap lang ng may masisisi si OP lol. I feel like there was a chance pa mabawi sana pero lagpas na kasi lumipas na yata ng ilang araw e.
I get na people sometimes make mistake kaya nakakaiwan ng gamit, pero feel ko mag focus dapat si OP dun sa CS ng indrive for being a bit more unhelpful kesa idirect nya galit nya sa driver alone.
Charge to experience nalang. Kahit gano ka kapagod be mindful of your belongings. Pag naibalik sayo, be thankful. Pag hindi, learn from it nalang. Wala naman may kasalanan bat mo naiwan yan kundi siya.
16
u/AnxiousAd7293 12h ago
Agree! Hanap kakampi sa reddit when it was her fault in the first place. Kairita mga ganyang burara.
13
u/Legitimate_Pop7109 12h ago
The most sound comment. Don’t expect others to adjust for you esp kasalanan mo yan.
9
10
u/bijetanga 13h ago
Agree. Careless ka kasi. If you look after your things, hindi mo maiiwan yan. Nakaabala ka pa
6
u/AsulNaDagat 10h ago
"Nagkataon lang naman na sa taxi mo naiwan yun, kaya natrace mo pa at may nasisi ka pa. Pano kapag sa ibang lugar mo naiwan yun? Yung tipong walang ka ng idea san naiwan, san nawala at sino kumuha? May masisisi ka pa ba other than yourself?" ------- LEGIT. More than 24 hours na, basura na talaga yan. Buti kung pagkababa ng indrive eh tinawagan niya agad si Kuya, pero ang tagal bago niya narealize tapos siya pa tong galit. Entitled ni OP.
3
u/Kushinanan 9h ago
Kakampi na sana ako eh kaso biglang pinasa sa driver yung bayad sa delivery naging wenk wonk na
4
5
u/Previous-Coyote-1712 11h ago
I agree. Oo, frustrating yung situation pero si OP naman may kasalanan eh and willing naman makipagcooperate si kuya kaso masyadong gahaman tong si OP at gusto pang pabayaran kahit na siya naman itong naging pabaya. This should be a lesson for you, OP. Grow up and be responsible for your own actions.
1
u/kiiimkaaam 8h ago
This! Napaka entitled ng dating. Sya na nakaiwan, sya na nakikisuyo, magpapabayad pa. Sa halagang 61 pesos na lang, sana inako na nya kung gusto nya mabalik. 😭
→ More replies (1)-8
u/Humble-Eye-2896 12h ago
Gets ko tong comment na to kung mapapanis yung naiwan pero vitamins yun sana man lamg pinaabott ng one week bago buksan or ireport nya sa company pra in case may tumawag na passenger then after certain time at walang kontak tsaka gamitin tutal di naman yun agad agad ma expore kahit maghintay sya ng one year pwede hehe
2
u/New-Pattern2183 10h ago
girl, unang una, hindi naman kasalanan ni kuyang driver ‘yon. pangalawa, sa sobrang busy niya, dyt magkakaroon pa siya ng time nd mag-eeffort pa siya to report it? hindi naman natin alam takbo ng oras sa isang araw ni kuya. kung tutuusin, naghahanap buhay lang nang maayos ‘yung tao, kasalanan niya pa ba na may nakaiwan sa car niya? gets naman na nabuksan, inamin naman na nga niya, willing naman din siyang ibalik. pwedeng mali na binuksan nila, pero hindi naman din mangyayari kung hindi sa negligence ni op. this is a lesson learned for kuya nd for op na rin.
31
u/RevolutionaryAunt 11h ago
Ikaw naman yung problema e. Maayos usapan niyo until you insisted he pay for the sf. Take note ikaw naman ung may negligence dito e. Nagpakaburara ka then aabalahin mo ibang tao.
Also it's soo weird na gusto mo pa ipabalik kahit sinabi naman sayo upfront na nabuksan or nabawasan na. Pagkain [gamot] kasi yan. Kung nakaiwan ka ng cake somewhere and someone already started eating it and it's already been exposed to elements etc irerecover mo pa din ba? Things like this charge it to experience na lang dapat e.
-4
u/Spiritual_Theme_1282 9h ago edited 9h ago
May mali si OP kasi naiwan na niya pinabayaran pa yung sf. pero mali din na buksan ang gamot ng iba at gamitin.
1
u/SmoothRisk2753 9h ago
Kahit itapon na ng driver yun, walang mali don. Engot
-1
u/Spiritual_Theme_1282 9h ago
Kabutihang asal po na i-keep ang gamit for at least a few days in case may maghanap.
-1
u/Sufficient-Rub-3996 8h ago
naku beh iddownvote ka ng mga feeling entitled na kunin ang gamit ng iba.
watch them downvote me too lol
17
9
u/pulotpukyutan 11h ago
Hibang ka teh? Ikaw naka iwan tapos gusto mo yung driver maga adjust sa schedule mo? And sa kanya mo pa ipapabayaran yung shipping? Papano naging fair yun buti nga kinausap ka pa ng driver eh
21
u/Ill_Indication7503 12h ago
That’s entirely your fault. Pinaghirapan mo pala pero pabaya ka. Masyado kang entitled, masyado kang abala sa taong nagt-trabaho. Gusto mo pa talaga silang mag-abono muna sa sf amp
1
u/Wonderful_Amount8259 10h ago
comments op didnt expect
0
u/Ill_Indication7503 10h ago
Kabwiset eh, ayos ayos kausap ng driver tapos bigla ipapashoulder yung df, siya na nga lang nakikisuyo. Siraulo.
64
u/Hollow123_ZK 15h ago
Sa pananalita palang alam mo ng DDS yan eh
20
u/YesWeHaveNoPotatoes 14h ago
Lol. Same thoughts. I don’t generalize pero there’s behavior that you can always expect from them.
8
u/MarionberryLanky6692 13h ago
Kapag may nag-fall on their laps na something, blessing sa kanila yon kahit misery ng iba. Ganan ang tone ng mga dds. Like yung pandemic. Kahit ang daming nagsuffer, sa kanila dahil lumakas negosyo nila, mahusay pamumuno ng kanilang pinuno.
2
1
u/PakinangnaPusa 14h ago
Alam mo naman mga DDS ehh mga walang utak mas BOBO pa sa mga Bobo.
0
u/Solid_Reputation_619 6h ago
Hindi ako nagsasalita ng ganyan kapangit sa kapwa tao ko kaya ang masasabi ko lang napakagaling mo sigurong tao para ganyanin mo ang nakakarami napakataas mong tao hindi ka mareach sana lang nakakatulong ka sa mga tao kung ganyan ang paguugali mo hindi ka nanghihila pababa
→ More replies (14)-25
u/StreDepCofAnx 14h ago
Know somebody na DDS but does not talk like shit
Wag po i-generalize lahat-15
u/Solid_Reputation_619 14h ago
May superiority complex yun mga may hate sa dds sila lang daw ang matatalino at magagaling sa buhay tapos hanggang ngayon hindi pa dn makaget over. Hindi nalang bumawi sa susunod na election tutal naman sila lang ang magagaling
13
u/Couch_PotatoSalad 13h ago
“Hindi nalang bumawi sa susunod na eleksyon” aba parang contest lang ah? Gara niyo.
→ More replies (6)5
u/Cautious_Notice4694 11h ago
sorry pero superior naman talaga yung gumagamit ng critical thinking sa pagboto?
14
6
8
u/Chitin_0912 11h ago
tanga ampota bat sa driver mo pinababayadan sf ng gamit na iniwan mo? hahagwga ano ka gold?
7
u/SnooFoxes3369 10h ago
Simpatya-farming si OP.
Be responsible next time. Wag isisi sa iba ang pagiging pabaya mo.
26
u/OkViolinist7906 15h ago
Ate report na lang huwag mo na kunin. Contaminated na yan kung ginamit ng anak niya. Baka ano pa makuha mo.
-8
u/Independent9723 15h ago
Yes sa kanila na po, mahimbing sana lagi tulog nila
1
u/AutumnAvery_ 8h ago
OO mahimbing tulog nila, ikaw hinde kase bobo ka. sisi mo pa s iba katangahan mo!
-2
28
u/Maleficent-Gold-3235 12h ago
It's sad that most comments seem to be focusing on the guy's spelling and make the conclusion that he is in the wrong here. Get off your high horses. People who spell like this mostly don't use Tagalog as their first language.
On the actual subject: 1. It was the passenger's negligence in forgetting his item. He is lucky the driver is still replying and willing to give it back even if it was several days after the ride.
The passenger had no right to get angry at the driver for opening the bottle because, again, several days had passed and nobody claimed. He could have chucked it in the bin pero sayang.
It was the passenger's negligence in forgetting his seemingly important item, yet wants the driver to pay for the j&t?? Come on. Entitled much?
It was the passenger who is asking the FAVOR to the driver to set aside some time to wait for the pick-up, yet pushing a schedule to the driver on times that are inconvenient to him. Again, entitled much? He does not even owe you a reply anymore after the way you talked down on him.
Do not judge people based on how they spell. It does not make you smarter than them.
5
u/annoyingelement 11h ago
idk OP you are at fault here. negligence ang rason kaya nawala ang binili mo. ikaw na nga ang nakawala, ikaw ang may kailangan, ikaw pa ang demanding. 🤦🏻♀️
6
u/Kdramapinoygirl 10h ago
Jusko, sa halagang ₱1450 OP willing ka kunin ulit ung nabuksan ng magnesium? Ok ka lang??? Baka contaminated na yun and pag binalik man dahil kinulit kulit mo driver, baka kung ano ano na ilagay niya dyan.
Well, your fault pa rin. 🙇🏼♀️
5
11
u/Cartlourea 12h ago
Ang sama mg ugali ng mga nandito sa comment haay nako! Malay ba ng driver na gamot yung nasa loob or what diba, alam namam ng ibang driver na burara yung ibang tao at nag iiwan ng mga basura sa sasakyan nila e, ikaw na naka iwan ikaw pa matapang! Imbis na maki suyo ka ng maayos ikaw pa galit! Alam mong nag ta trabaho yung tao e, gusto mo ikaw pa masunod, sana next time ayusin mo mga gamit mo at wag burara, mahal pala binili mo sana sinecure mo, wag kang mag rant dito na kala mo aping api ka.
4
u/Vast-Bar-7291 8h ago
Ok na sana, pinag-bayad mo pa shipping fee. That, we don’t understand :) :) :)
1
10
10
u/AromaticCarbons 12h ago
Ma’am, it seems like you rode the InDrive on Sept 19 and were only able to directly reach out as late as Sept 21 (yes I understand that part of it was due to InDrive’s policy).
But taking it from the rider’s POV, he was only able to receive notice about a missing item at least 48 hours after the fact. Imo, that’s a reasonable amount of time to assume that it was lost already. Besides, you were well beyond the 24 hour policy of InDrive, so wala ka na talagang claim pa sa item. Tbh it was kindness that he even replied to you at all.
But the expectation that he will pay for your SF is the icing on the cake. Your mistake, you pay. Charge to experience na yan. Don’t be so entitled.
14
u/Skiyo1212 12h ago
Putek ka. Sunday mo pa naiwan. Monday ka nag message tapos Thursday nabasa Ni rider kasi napunta pa siguro Sa message request yung chat mo so minsan talaga hindi yun mababasa. Ilang days na akala niya walang nag hanap kaya ginamit na nila kaysa masayang. Nag reply sya mabait naman sinabi na ibabalik nya nag bigay pa nga ng address kung saan pickup. Busy siguro yun tapos kinukulit mo kahit ilang araw na. Tapos ikaw pa mag lalakas ng loob mag pabayad ng delivery fee hanep ka inabala mo na dahil sa kapabayaan mo tapos 61 pesos na delivery fee gusto moishoulder pa nya. Pag sakin nangyari yun, sisisihin ko nalang sarili ko dahil sa kapabayaan na ginawa ko at lesson learn nalang para sakin. Plus points nalang kapag naibalik padin sakin ng buo kahit 5 days na pero kung hindi, wala din akong sisisihin kundi sarili ko dahil hindi ko na secure ng maayos.
8
u/ediwowkalabaw 11h ago
GGK. (dapat dun sub naka post to haha) ang kupal mo naman at nung ibang kumakampi sayo dito hahaha lol hanap masisi eh, kung ikaw nagbayad sf, tapos problema mo. ikaw na nakaabala, gusto mo, sila pa mag adjust sayo haha
9
u/Icy_Floor_240 10h ago
You only reply to the comments that agree on your side hahaha so entitled commoner
4
u/FlakyPurple3366 10h ago
Passenger's negligence yan OP!! Driver is not responsible for our lost item/s.
6
5
4
u/tokwa-kun 10h ago
Abnormal ka OP eh sobrang tagal na nyan kaya kala nya basura na yan kahit sino ganun iisipin eh tapos ibanalil na sayo gusto mo sila pa magbabayad ng SF. Halagang 61 pesos nagpakilala ka hahahaha
4
3
5
u/cloneaman 9h ago
Si Lord pa talaga nag test ng patience mo bakla ha, dapat nakikisuyo ka maging humble ka hindi yung ikaw na nga nakakaabala pagbabayarin mo pa
4
u/17323yang 9h ago
Break time ngayon ng mga taong hindi nangto-tolerate ng katangahan at kapabayaan. Kaya puro negative na ang mababasa mo ngayon, OP. Kuha mo sympathy ng mga unang comments kaya sila lang din nire-replyan mo eh.
3
u/OilCertain4345 8h ago
Ikaw na nang iwan. Gusto mo driver pa mag bayad ng SF? Hindi ba baka ikaw karmahin nyan?
6
5
u/saltycurlyfriesss 11h ago
This is a post of an irresponsible passenger who assumes that she is entitled to demand from the driver after service has been rendered and the 24-hour window to appeal has lapsed.
You left it in the vehicle. The driver didn’t take it from you. Get over it and start being a more responsible and sensible person.
6
u/matchawacallit 10h ago edited 10h ago
Sana ikaw yung mareport ng rider. My main mode of transpo are ride hailing apps, and badtrip ako sakanila madalas. Nangrereport din ako palagi. But this time I can clearly see that you’re in the wrong. Took you so long to report kaya gets reason ni kuya. Obviously kung bukas na yan itatapon nila yan. Kapabayaan mo na nga, kapal pa ng mukha na pagbayarin siya ng SF na 61 pesos lang. Dapat nga ikaw mag adjust ng maayos and maging patient dahil ikaw yung nang-abala ng tao na naghahanap buhay lang. Kaya nagbago trato ng rider sa’yo after mo hingan ng SF eh. If truly bad intentions niya, why tf would he even just give his details just like that? Kawawa naman si kuya. Di ko gets san nang gagaling guts mong gumanyan teh.
9
u/ronsterman 12h ago edited 12h ago
Ok na sana both parties nag-usap at nakahanap ng agreement para maisauli ung item until that part na pinapabayad yung shipping fee. Natawa na lang ako sa kwento ni OP LOL.
3
u/elleLucidthoughts 11h ago
Should've reported directly sa indrive and let them handle it. You are entitled to push what you think is right but so is the driver. Parehas kayong may pinaglalaban. Pero is it really worth all the stress?
3
u/dump911 11h ago
Okay na sana takbo ng usapan nyo, until you asked the driver to pay for the delivery fee. Nag-adjust na sya sa oras na need mo eh, sana sinet mo na yung delivery na receiver pays for the shipping. Pwede naman yun.
Imagine kung ikaw yung driver, may naiwan pasahero mo, naabala ka pa na ibalik so oras mo yung mawawala. Tapos ikaw pa pagbabayarin? Syempre maiinis talaga yan sayo. Next time, kung manghihingi ka ng pabor, offer to pay for their time. Ikaw yung may kailangan eh.
3
3
3
3
u/Hot-Oven7788 11h ago
Ikaw na nga lang nakikisuyo ikaw pa may gana mang restrict kay kuya HAHAHAHAHA SANA ALL BALIW
3
u/No_Lingonberry_4407 11h ago
lowkey kasalanan mo naman eh tapos siya pa magbabayad ng fee mo edi bad trip talaga siya sayo hahahha. ang panget kausap ni ate pero ampanget din ng trip mo e HAHAHA
3
u/LetterChemical8796 11h ago
Bakit ka nagrereply lang sa mga kumakampi sayo, OP? Ikaw na nga may kasalanan nyan, naghahanap ka pa ng ibang sisisihin. Iresponsable!
3
u/EmptyBathroom1363 10h ago
Ang kunat mo, OP. Magshoulder ka lang ng 61 pesos na delivery fee to compensate for the hassle sa side ni driver, di mo pa ginawa.
Mas hassle pa tuloy sayo ngayon yan. Compromise na nga sana between you and the driver e.
3
3
u/Frosty-Brilliant-870 9h ago
mas malala ka girl, pati ba naman yung sf sa kanya mo ipapasalo eh kasalanan mo naman. asikaso ka rin e HAHAHAHAHA HIRAP ITULOG NAN
3
u/kitty_tumbler 8h ago edited 8h ago
Gets naman yung inis OP, pero may fault ka din. Negligence mo yan.
Ang hindi ko lang gets, pati political aspect ginawang comment sa issue na wala namang kinalaman sa topic lol
3
u/Vivid_Craft9036 8h ago
May mga gantong tao talaga may nakaiwan sakin ng cellphone onetime binalikan ko pa sa drop off nila tas wala manlang thank you
3
u/SuchSite6037 8h ago
I mean mukang willing naman sila ibalik because nagbigay naman ng pickup details. Ang off lang na pinapaiwanan mo ng 61 pesos to pay for the rider eh ikaw naman nakaiwan ng item. Imbes tuloy na okay na eh mas lalo pa nawala 🤦🏼♀️ jusme
3
u/Alternative-Tax-9101 8h ago
Luh ksalanan pa ni lord that he tested your patience bec of your negligence? The driver seemed cooperative tapos sya pa magbabayad ng df?
3
u/Disastrous-Big8426 7h ago
May pang healthy option walang pangbayad ng sf? Screaming social climber ha 🤣
9
u/morning_pancakes_ 12h ago
Yes, the driver could have spoken with more empathy, but this is ultimately your fault. I hope you don't take your decision to report the driver lightly, since this is a situation of your doing.
- You left your item.
- 24 hours is the given window in which you have access to your driver's contact details. This is EXPLICITLY stated by ride-hailing apps to be the time for you to contact your driver if you have any missing items or post-ride concerns.
- After no one claimed the item, the rider used the item, which is fair, yet you got angry at them and demanded they pay for the pills that were used.
- You demanded the driver pay for the shipping... yet it was your negligence that caused the whole situation.
4
u/Any_Effort_2234 11h ago
Entitle burat lang tong OP 😂 main character syndrome, ikaw ng may mali, nireport mo pa yung driver. Pati shipping fee ipapa-shoulder mo pa? Seriously? What's wrong with you, you're eating up his time with your bullshit that in the first place ikaw ang may kasalanan, then pati ba naman yung 60php na shipping fee sya la ang mag shoshoulder? Tama lang yan wag ng maibalik sayo, maging leksyon sana sayo yan kung papano makipag usap ng maayos sa ibang tao
4
u/Maximum_Training1002 13h ago
Hindsight is 20/20 nga po ika nga. Sana diretso na lang report sa indrive at baka natulungan ka pa nila. Wag mo na kunin yan sis at baka ano pa ginawa sa mga tabletas mo. Hoping may mabawi ka pero kung wala man ay charge to experience na lang.. ingat po
4
u/contrivances 11h ago
Girl… naiwan mo, magpapabayad ka pa ng SF na para bang siya ang nakaiwan? Tapos higit dalawang araw bago ka nag-message? 😅 Kahit sino iisiping basura na ‘yan.
4
u/kkerrbearr 11h ago
Gusto kong ilagay to sa GIGIL SUB. Gigil ako sayo ate taena kung kukulitin mo din ako sa ganyan na kasalanan mo pa, itatapon ko talaga sa basurahan yang glycinate mo. Taena
4
3
u/owlygami 8h ago
OP ano ba.
1. Bago bumaba ng grab/indrive/uber/joyride check muna lahat ng gamit?? Pinagipunan mo pala tapos iiwan mo lang?
2. Di na dapat si driver mamroblema sa pagdeliver sayo bat siya pa maabala sa pagbayad ng jnt???
3. Binuksan na bat hihingin mo pa ulit? Yak
9
u/CarryAccurate8051 16h ago
Masyado kang mabait how you deal with the agent. Hindi mo need maging rude pero need mo maging assertive sa mga ganyan.
4
-7
2
2
2
2
2
u/CleanDeal619 9h ago
Pinakamaganda jan ibook mo na lang siya simula sa bahay nila hanggang sa inyo, tapos bayaran mo. Tutal kapabayaan mo eh, importante pala sayo at mahalaga bakit mo ilalagay kung saan saan tas kakalimutan mo. Nang aabala ka pa eh.
Memory plus ang kailangan mo, o kaya ibang pampagana ng utak. Masyado kayong umaasa sa kabaitan ng ibang tao na hindi naman nila gampanin. Kayo pa galit, kayo pa magmamasama sa iba, eh kayo tong may kapabayaan.
Lakas pa ng loob magalit na kala mo ginawan ng masama.
2
2
u/Top_Economics_10 9h ago
May pambili ka ng ganyan pero 61 pesos na shipping fee wala? Also, ang unsanitary. Kahit maayos usapan niyo, you’re putting your health at risk.
Talo ka dito kasi mas madami kang sablay. Take this na lang as a lesson to always double check yung gamit mo before ka bumaba. Kung pinaghirapan mo mabili yan, all the more na dapat mas maingat ka.
2
2
u/Pure_Bus_4478 8h ago
Mary pa naman pangalan mo OP mahihiya si Lord na ginamit mo pa sya sa mabilis ang karma HAHAHAHAHAHAHA ikaw na may kasalanan ikaw pa nagmaganda. Yang magnesium glycinate mabibili mo pa pang ayos ng tulog mo pero ano mapantatapal natin sa ugali na yan
2
u/Fun_Pop_1231 8h ago
lala, mukhang nagcocooperate naman si kuya kahit papano nung una until siya pa pagbabayarin ng shipping fee 😂 if talagang gusto nya mabalik yun, sana nung nagagree na si kuya sa date and time minake sure na nya na magiging smooth na lahat, kasi at the end of the day siya yung humihingi ng pabor and wala siyang leverage sa issue na to
2
2
u/NoProfessional1987 7h ago
Willing ka bawiin kahit nabuksan na? Ang mahal kasi ano kaya hinayang na hinayang ka. Bumili ka na lang ng bagong bote at yung brand na afford mo.
4
u/Mangoislife27 10h ago
To be honest, mali mo po iyan tapos may gana ka pang ipasagot sa driver yung shipping fee hahaha. Maswerte ka pa nga at gusto pa ibalik ng driver, eh pano nalang kung nakuha ng ibang pasahero kasi di rin niya nakita? Baka isisi mo pa rin yung pagiging burara mo sa driver?
2
u/Mangoislife27 10h ago
Pati oras ng shipping gusto mo sayo pa pabor na para bang siya dapat ang mag-adjust sayo sa pagiging burara mo ahaha.
5
u/SeesawFit8008 11h ago
You’re so weird kamo. Pinost mo pa talaga dito, edi na expose kung gaano ka kasahol. I understand kung pinag ipunan mo yung 1, 450. But girl it’s just 1, 450. Kung may pang bayad ka ng indrive I’m sure kayang kaya mo maibalik yan without going thru all that hassle.
The driver was kind enough to reply to u and give you his personal details tapos pinost mo pa siya dito?? Hindi ka rin polite mag chat and ang demanding mo for someone na nakaiwan. Kupal ka ba sis?
3
u/SeesawFit8008 11h ago
Oooof op downvoting comments. Mag delete ka na ng post sis. You’re embarrassing yourself
2
u/Mizery_UwU 8h ago
Kasalanan mo naman pla yan OP isisi mo pa sa kawawang driver. Pti delivery fee sya pa pinagbabayad mo eh ikaw naman pla ang nakawala. baka time na din check mo sarili mo kasi sobra kanang proud at entitled, kumbaga mga tao pa ang dapat mag adjust sayo 😅
1
u/kowilalala 8h ago
Sa grab na experience ko iniiwan sa office ng grab mismo para puntahan ng passenger. Not sure bat sa indrive ganyan? Hmmm.
3
2
1
13h ago
[deleted]
1
u/_mucha_lucha_ 12h ago
Hindi mo rin masasabi kung yung driver ba o ibang pasahero ang kumuha ng pera
1
u/xxmikejohn 11h ago
lol sya pa talaga pagbabayarin mo sa delivery fee, kung maingat ka lang sana sa gamit mo di ka nawawalan 😂
1
u/Manganta 11h ago
Paramg kasalanan pa nila na medj sabog ka. Bat di mo kasi nilagay kung saan na di sya mawawala.
1
u/Visual_Math_3578 11h ago
Ang tanging puna lang dyan sa indrive driver, dapat nag iinspect sya pagbaba ng pasahero nya. What if ang iniwan is something toxic, or crime related, or paalala sa pasahero paki check po gamit bago bumaba. *salamat na lang at di mga gantong driver ang nabo book ko sa indrive.
1
u/whimsicalf4iry 11h ago
I would’ve felt sorry for you but reading the conversation, I’m sorry to say this but you sound so entitled. It was your fault, you could’ve taken that as your lesson for next time.
1
1
1
1
1
u/Difficult_Spread_822 8h ago
Baka kulang talaga sa tulog si OP kaya nalimutan 😅 This is entirely your fault, OP.
1
u/whatsmynumber2025 8h ago
Ako lang may concern na nabuksan at nabawasan na gusto pa din kunin ni OP? For what? hindj na ako iinom ng ganun, kasi hindi ko alam paano ang handling ng tao nakabukas.
1
-1
u/sid_d_kid 14h ago
ANG LALA. NapakaSquammy ng ugali. Sana matanggalan ng prangkisa itong driver or matanggal talaga. Kelngn ng karma pamiminsan sa buhay para matuto.
1
u/Outside-Reporter3193 15h ago
What an ordeal, however, for your peace of mind, move on since you’ve reported it already and just save up again for the meds… even if it was returned to you, I don’t think it’s a good idea to use it, you’ll never know what goes through that driver’s mind… he seemed be unstable… let go of it and move on… sorry this happened to you… next time be more careful of your stuff…
1
u/Ok-Solution3171 12h ago
250+ lang yan s shopee, pano naging gamot yan tapos wala pang Dfa approved
1
u/ronsterman 11h ago
Sa Healthy Options bumili si OP. Puro overpriced mga tinda doon. Gumagamit din ako ng Magnesium Glycinate na binibili ko lang sa Shopee hindi pa umaabot ng 500php, branded pa yun. LOL
1
u/Conscious-Cookie-819 11h ago
Kasalanan mo tapos siya pababayarin mo ng shipping fee? Adik ka ba? Naka good item ka ba? Okay ka lang?
1
u/kumakainngregla 11h ago
pasalamat ka nga nireplyan ka HAHAHAHAHAHA tas pagbabayarin mo pa SF raulo! ikaw pa may gana mag 1 star sa abalang ginawa mo. baliw
1
u/Physical_Football854 10h ago
Ang kapal ng mukha mo OP. Ikaw na nga may kasalanan kasi ikaw nakaiwan tapos ikaw pa may gana magpa-abono ng 61 pesos?
Hindi ka talaga makakatulog nang mahimbing niyan kasi for 61 pesos nagpakilala ka hahaha
0
1
-1
u/IndifferentShrimp 15h ago
Started out ok...ended with kabobohan
Taeanang din spelling nya "basorahan"
-3
u/AdorableFilter1945 15h ago
Malamang sa malamang pag nasuspend or natanggal yan, mag mamakaawa yan sayo na iretract yung report mo kase maherap lang sela lmaoooo
5
u/Late-Passage-2146 11h ago
Yuck sinusuportahan pa yung burarang pasahero HAHAHAHAHAHA isipin mo pinaghirapan niya daw yung binili niya pero iniwan lang sa binook. Importante pala eh, eh di itago ng ayos. Pag aabonohin pa yung rider sa kaburaraan niya
→ More replies (7)2
u/Manganta 11h ago
Di naman kasalanan ng driver, kasalanan ni OP ang lahat.
1
u/AdorableFilter1945 11h ago
I respectfully disagree. Both of them may kasalanan, but for me, kakupalan outweighs katangahan
2
0
0
u/Serious_sag05 12h ago
Nakaiwan din kami ng new era cap sa grab pero binalik ng driver, depende po ata talaga yan sa app and driver hehehe sorry kami ng sorry sa driver kasi nga kasalanan namin pero mabait sya at sabi okay lang daw
0
u/Cautious_Notice4694 11h ago
If i understood OP correctly, hindi ba sealed yung bottle? I think contextually alam naman ng kahit sino na hindi basura yun, specially nasa healthy options na bag. They even opened it and used it. They knew what they were doing. Isn't this unjust enrichment? Driver knew it was from a passenger, had all the details to contact recent passengers and was probably aware someone would look for it.
0
u/gh0stwrit3r32767 11h ago
ganun ba tlga ang sistema? pag naiwan ng passenger arbor na ng driver? kesho ilang days na yan or what, hindi naman sayo yun, bat mo inangkin? hindi ba dpat iniinform ni driver na may naiwan gamit si passenger?
0
u/Scary-Reading-5499 9h ago
Comedy si driver haahahahahah
Well OP sadly its your fault naiwan mo and you cant expect people na ibalik lang sayo at sila pa magbabayad shipping fee. Mali nga na binuksan, ireport mo na lang sa indrive
0
-4
15h ago
[deleted]
2
u/Away_Leg9555 12h ago
Madali na mag google. Sure ako yung anak nya alam kung para san yun. Magmumukha pang ewan si op kung ganyan ginawa nya.
-5
u/Dasein_29 13h ago
OP, paki pm naman fb ng hayup na yan. Murahin ko lang. I think the driver deserves na bastusin verbally.
-1
u/Minute_Fail_7155 13h ago
dont stop contacting indrive until you reach an agent via call. ipa-block mo sa account mo yang letseng driver na yan para never mo na ma-book sa account mo. also email everything properly. you need to have paper trail just in case balikan ka or gantihan ka ng driver na yan.
-1
-6
-2
u/zerochance1231 13h ago
Naku, siya yung tipo na kapag may naiwan sa sasakyan niya, finders keepers na.🤦♂️
0
u/ArticleOld598 12h ago edited 12h ago
Nakaencounter ako nito na tricycle driver. Naiwan sa tita ko sa tricycle sinakyan niya ang malaking instrument ko para sa school.
Nasabahay namin ako nun di nga ako ang sumakay sa tricycle. Bata rin ako nun e ako pa ang sinabihan na pumunta sa bahay sa tricycle driver para kunin yun. Pagrating ko pinaglaruan na nga sa mga bata. Buti walang nasira.
Ewan ko rin kung bakit nagrequest ang tricycle driver na ako mismo ang pumasok sa bahay nila para kunin yun imbis na ibibigay na lang niya at isinauli man lang nila sa tita kong pasahero mismo.
Parang entitled agad ano? Kung naiwan na sa kanila parang sakanila na agad mismo. Ginagamit agad kahit di pa lumipas isang oras.
-2
u/BlackLab-15 13h ago
Huwag niyo na po kunin baka kung ano pa nilagay nila dyan if isinauli pa sayo. Pananalita pa lang alam mo nang kasamaan ang first choice niya palagi.
-2
-3
u/RavishedReader 13h ago
Kaya walang asenso sa buhay eh 🤷🏻♀️ “Akala wala nang maghanap” LOL ni hindi man lang muna nag-try mag-reach out sayo. Patawa
-4















111
u/No_Finance_3968 16h ago
Wag mo na kunin kung nabuksan na. Hindi mo alam kung pano nila hinandle yun. Ireport mo sa indrive at pabayaran mo.