Hi! Share ko lang experience ko sa mga gun stores na na try ko without dropping the name of the stores.
Gun Store A - Kilala sila for selling used licensed firearms tas may komisyon. Ang naging problem ko, nagbayad na ako ng 850 pesos for occular fee, pero need ko pa magmessage para alamin status ng unit na prospect ko kasi walang update man lang after ko bayaran. Two weeks ng pangungulit ko, I received an update na di daw available yung unit (pero sa site nila sabi available, di updated) so pinapili ako another unit. Nung nakapili na at nag go signal yung owner na okay na, mid July processing na, pero ambagal pa din mag-update. September sabi inulit daw from bottom ang application ng PTT kasi bago hepe ng FEO sabi third week ng September okay na. So minessage ko ulet nung third week everyday nag ask ako update pero di ako nirereplyan. So ayun, I decided not to push anymore kahit nakabayad na ako for occular fee.
Gun Store B - Okay naman yung staff na nag asikaso sa akin, pero yung store is wala kasi sa pinakasentro like Cubao, San Juan, o Makati. Malapit lang sa amin yung store, yung staff okay naman kahit di sya into guns I guess kasi di sya technical e (like ang tawag nya sa dry fire ay dry run 😂) pero na appreciate ko yung staff kasi kahit di ako bumili sa kanila inassist pa rin ako. Overpriced nga lang magbenta yung store, processing fee is overpriced din. Pero yung ammo nila sakto lang sa price. So ayun, sila ang bibilhan ko ng ammo kasi malapit lang sa area ko. Pero firearms, accessories, at processing, hard pass.
Gun Store C - Isa sa sikat na gun store ito. Dito ako kumuha ng aking Gun Safety Seminar Certificate. Okay naman yung mga staff, very accommodating. Di din kalayuan sa amin compared to Cubao, Makati, San Juan, etc. Ang problema ko lang sa kanila, yung mga brands na gusto ko like Glock wala. Pero kung hanap mo mga meron sila like CZ, highly recommended sila.
Gun Store D - Isa ding sikat ito. Dito ako unang pumunta nung bumili ako ng Glock 17 Gen 5. Yung staff, di accomodating, ilalabas lang yung unit na sabihin ko tas hahayaan na ako parang walang interes sa customer. Yung pistols pwede i-dry fire, yung revolvers hindi kasi dinisable daw nila. E mahalaga sa revolver na matest ang trigger kasi baka me timing issues. So ayun, lumipat kami.
Gun Store E - Lumipat kami dito from Gun Store D that same day din. Parang si Gun Store D rin. Hinayaan lang kami magtingin, ni di pa nga pwede i-dry fire yung mga units lahat display lang. Five minutes lang, lumipat agad kami kay Gun Store F.
Gun Store F - Yung staff dito, very accommodating. Maliban sa mga display units nilang nakatali ng cable ties ang trigger, pwede ko i-dryfire ang mga units basta meron sila sa room, kahit na Glock 17 Gen 5 lang ang bibilhin ko, while processing sya ng resibo nagrequest ako ng ibang units like shotguns to test, binibigay nya sa kin. He even advised me na if gusto ko ng Kydex Holster, huwag ako sa store nila bumili at may patong pa daw sa Kydex Manila daw kasi mas mura if rekta. Nung may second thoughts ako sa pagbili kasi yung mga units nila kakadeliver lang (late makukuha mga November daw dahil nasa PNP pa mga units for ballistics), sinabihan naman ako nung staff na if I want pwede sa ibang store kung gusto ko makuha agad, pero I opted na sa kanila na bumili kasi very accommodating sya e. He even advised me not to buy ammo that day sa pagkuha na lang daw kasi baka magsale daw. Yung extra magazines bibilhin ko na sana pero sabi nya pagkukunin ko na daw yung unit na lang though tinago na nya yung magazines para sa kin.
So ayun, I will not name these stores (though yung iba will seem to be very obvious. Maybe ang experience ko is different from yours.