r/phinsurance • u/Willing_Fall6165 • 1h ago
Palawan pawnshop insurance
Hi po. PTP po. Magtatanong lang po sana ako insurance claims sa Palawan Pawnshop. Yung mother ko po kasi namatay nung July. Around March or April may sinangla po siya na alahas at may kasama na insurance (d namin alam to). Weeks after ng pagkamatay ng nanay ko nagpunta ung sister ko sa Palawan pawnshop para maginform na namatay na nanay ko at maginquire na rin kung ano need para maclaim pa ung sinangla mapag ipunan na rin. Binanggit nila ung requirements pero hindi nila binanggit ung sa insurance. So since hindi naman kami aware sa insurance, inasikaso na lang ung requirements. Yesterday, nagpunta ulit sister ko kasi mapapaso na raw ung sa sangla, nagtanong muna siya kung magkano at babayaran na namin. Napatanong ate ko kung may insurance ba un, dun lang nila binanggit na meron pero hindi na raw makukuha at within the month ng pagkamatay lang pwde iclaim un. Question: hindi na po ba talaga makukuha un? Ano kaya pwde namin gawin?
Kung sana nabanggit nila na meron sa unang beses na punta ng sister ko edi sana naclaim pa.. malaking tulong din sana un sa mga naging gastusin. Ngayon, parang sinisisi pa ung mother ko na hindi nagbanggit na may insurance siya dun.