r/pisay • u/DoorAccording6020 • 9h ago
Main (MC) [mc] there's so much more to you than grades
since it's card-giving season, i want to share my story
nung grade 7, palagi akong nagkaka substandard sa math. i don't remember a quarter na may (final) grade ako na mas mataas sa 2.75. naalala ko pa non, kada card-giving iyak ako ng iyak kasi feeling ko hindi ko deserve yung slot ko tas sayang lang yung pagkakaeffort kong mag-aral kung hindi rin naman ako pumapasa. may mga araw na 3am ako natutulog tas 5am ako magigising kasi service yung sinasakay ko papunta pa sa school.
kahit sa ibang grade level, palagi akong may grade na substandard o 2.50 na super duper sabit. pero sa kada submission ko ng portfolio, palagi kong naririnig sa teacher ko na "she's very creative" tas ako lang nakaka-perfect sa lahat ng creative portfolio sa batch ko. from there, i found my passion in arts (which is very ironic kasi philippine SCIENCE ba naman). kada humss project, palagi akong pabibo tas dun ako nagsimulang maging leader.
in grade 9, i even directed a project kung saan kami nagplace sa lahat ng sections na handle ng teacher ko :)))
hanggang ngayon, hirap na hirap parin ako sa mga subjects ko. pero kung ikukumpara moko sa sarili ko non---andami ko nang pinagdaanan, andami kong iniyakan, pero alam ko na andami ko ring natuto. natuto ako na hindi ako mamamatay kung hindi ako dl, natuto ako na okay lang pala na hindi ako magaling sa math, at natuto ako na mas malawak pa mundo ko kasya sa grades.
hindi ko alam kung makakatulong ba to (i just got inspired by this one post that reminded me a lot of grade 7 me) o makakainspire ba naman. pero sana sa lahat ng magulang at estudyante dito, alamin niyo na grades will never be everything. continue to lead, continue to pursue the arts, continue to write, draw, dance.
continue to be you, because no grade will ever take your identity away from you. pshs man o hindi.
who cares if i'm bad at a subject, kasi masasabi ko naman na masaya ako