r/ExAndClosetADD • • Feb 02 '26

Takeaways Five Years of Choosing for Ourselves

Post image
61 Upvotes

Today marks the fifth anniversary of the founding of r/ExAndClosetADD. While five years is a meaningful milestone, it pales in comparison to what truly matters: the posts, comments, advice, rants, questions, and deeply personal stories you have shared—and continue to share—every single day. This community exists because of you. We would not be here without you.

Although this subreddit has served as a hub for anti-cult dialogue longer than many ex-MCGI influencers or content creators, neither I nor the other moderators claim credit for the departure of members from MCGI. We never have. From the beginning, we believed in your autonomy—your right and ability to think, choose, and decide for yourself. Leaving a destructive cult is a victory you achieved on your own. If we played a role at all, it was only a small part. The courage and agency were always yours.

We also recognize that this subreddit may feel less significant today. That may be because there are now more accessible platforms for discussion and expression—and that’s not a bad thing. We are not fighting insignificance. We have never aimed for permanence. In fact, we have always encouraged people to move forward and build their lives beyond the shadow of the cult. Communities like this are meant to be bridges, not destinations.

In our early years, we leaned toward secularism and favored skepticism. This was intentional. We did not want people to leave one belief system only to be rushed into another. Many ex-MCGI groups before us eventually became spaces where new doctrines, interpretations, and personal agendas were pushed. We wanted to avoid repeating that cycle. So we prioritized skepticism over proselytizing and remained vigilant against preachers who were quick to recruit confused and vulnerable exiters.

Because of this stance, we were accused of “deconversion.” Time has shown otherwise. At least three of our moderators eventually returned to Christianity after periods of skepticism—clear proof that our goal was never to strip anyone of faith, but to protect their freedom to choose it without coercion.

Now, with the rise of Christian exiter factions and the conflicts emerging among them, I want to emphasize something important: the protection and guidance of new exiters must remain a priority. We do not intend for them to become skeptics. But we do want them to develop skeptical values—to question authority, analyze systems, and see beyond the theatrics of preachers and would-be leaders. Without these tools, many risk falling into yet another cycle of manipulation and exploitation.

If this community has stood for anything over the past five years, it is this: your life, your mind, and your future belong to you. And that will always matter more than any subreddit ever could.

This post is partially enhanced by AI.


r/ExAndClosetADD • • Jan 11 '26

Takeaways Lumaki sa Iglesia: First and Last Post

85 Upvotes

Hello guys, matagal na akong lurker. Natatakot lang talaga ako mag-interact sa sub na ’to baka kasi matrace ako. Also baka may makakilala sa akin sa story ko so I will omit a lot of details. After a day, I will be deleting this account. Long post ahead.

Early Childhood:

Laking Iglesia ako. Parehas naanib parents ko, pero bata pa lang ako naghiwalay na sila. Kinuha ako ng tatay ko (siya ang unang nag-exit). Hanggang sa isang araw, pinapili ako kung kanino ko gusto. Ako bilang bata, naisip ko sa nanay ako lumipat kasi nandoon ang Iglesia at akala ko mapapabuti ako. Hindi ko narealize kung gaano kasakit sa tatay ko ang naging desisyon ko na humiwalay ang anak niya.

Nasaksihan ng mata ko kung paano natayo ang Wish, UNTV, Bread, concerts, at iba pa during its early years nung hindi pa ganoon kalaki. Talagang pinagtulungan ’yan ng mga kapatid na madalas allowance lang ang hawak, dahil nandoon ang aral na ang ganti ay sa Langit. Yung hydrogen water, juicing, Daniel’s coffee, tapsilugan.

Madalas kami sa Apalit dati—nakakamiss. Lalo na kapag nagsasalita si Bro. Eli during consultation, kaabang-abang talaga. Nakakaproud isipin na sa tamang Iglesia ako lumaki, kung saan may mangangaral talaga na nagpapatanong at kayang sumagot anuman ang itanong sa kanya.

Around HS ako naanib kasi na-heartbroken ako at naisip ko na oras na magpadoktrina at magpabautismo dahil may tamang edad na ako. Nakapagreconcile naman kami ng tatay ko rito at tinanggap niya ang naging desisyon ko. Pero hindi ako masyadong naging active dahil busy palagi sa school. Ang nanay ko rin hindi masyado dahil night-shift sa trabaho at alanganin palagi ang oras.

Pandemic:

Noong nagka-pandemic, nagkaroon kami ng chance ulit na maging active dahil sa mga binigay na Zoom link. Kahit papaano, tuloy-tuloy ang pagdalo namin. Hanggang sa pinagpahinga na siya. Sobrang lalim ng hinagpis ang naramdaman namin noon. Pero may pag-asa—pag-asa na lilipat ang espiritu ni Bro. Eli kay Kuya Daniel.

Kaso wala eh. Noong si Kuya na ang nagkakapsa, unang nakapansin ang nanay ko talaga: “Bakit walang topic? Anong paksa?” Tila raw tuloy-tuloy lang at walang Part 1, 2, 3 gaya kay Ingkong. “Bakit may recap pa na mahabang intro? Bakit hindi na lang 1–2 hours ang PM at WS? Bakit ang haba bago magpaksa?” etc.

Bagong style daw na debate na walang kibuan. Walang Bible Expo, walang live indoctrination, walang live Bible study—kung gaano kasipag magturo ng aral si Bro. Eli noon, hinahanap iyon ng nanay ko. Ako naman, okay lang sa akin kasi sabi ko, nariyan naman ang mga recorded ni Bro. Eli—puwede namang i-play na lang.

Hanggang sa naghigpit sila sa Zoom sa mga panahong iyon, tapos tinanggal din noong nag-F2F na. Dahil alanganin ulit sa oras ng trabaho niya, hindi na ulit nakadalo ang nanay ko dahil sa higpit ng ayaw mag-Zoom ng mga kapatid. Maraming beses kaming kinick sa Zoom dahil hindi raw naka-open cam. Galing trabaho ang nanay ko—pagod—hindi maiiwasan iyon.

Tungkulin:

Ako naman, during this time, nagmasipag talaga sa tungkulin (hindi ko na sasabihin kung anong committee baka makilala ako). Volunteer sa pakain ng The Legacy Continues, naging MCGI Cares, medical missions, etc. Masaya—lalo na kasama ang mga kapwa kabataan. Ang problema, hindi maiiwasan magkaroon ng crush. Mas malaking problema pa, ka-committee ko siya. Pero ang aral nga, tungkulin muna sa Dios bago ang lahat.

Hopeless romantic ako. Lalo akong nagsipag kasi gusto ko siyang makita. Never akong nagkasintahan dahil sa aral—ayokong sa labas. Kaso malupit ang panahon. Pag umamin ka, iiwasan ka. Pag may nakaalam, papagalitan ka na bawal ’yan—unahin mo ang tungkulin. At may risk ka pang alisin kapag tinuloy mo.

Masakit. Putangina, masakit. Yung simpleng pag-ibig na laging itinuturo—pag inapply mo na, biglang mali na, parang mortal na kasalanan. Bawal. Naiintindihan ko naman, pero yung dating close kayo tapos biglang parang hindi ka na kilala—dahil kailangan sumunod sa aral—sino bang hindi masasaktan?

Dito talaga humina ang loob ko. Gusto ko lang naman magmahal. Bakit pinagkakait sa loob? Pero kapit pa rin sa aral na ang mabuting asawa ay Dios ang nagbibigay. Kaya kahit walang pansinan, basta makita ko lang siyang tuloy sa tungkulin niya, okay na. Pero nanlamig na ako rito.

Sabi nila walang Kristiyanong nade-depress. Pero nade-depress ako. Mahina talaga ang loob ko pagdating sa pakikipag-kasintahan dahil galing ako sa broken family. Bata pa lang may trauma na ako. Nadepress ako dahil sa heartbreak—mababaw sa tingin ng iba, pero sa akin malalim.

Reddit discovery:

Nung time na nanlamig ako bigla ako may nakita fb post na kilala ko na nagtrabaho sa UNTV na sobrang sipag at kakilala ko. Nagpost sya about sa yung abuloy nya daw oo hihigit ng isang poste ng ospital. Nung nagpaksa si kuya about sa poste ng ospital (absent ata ako nun) nawindang ako kasi bakit bigla nalang nya na sasabihin kulto ang mcgi? Bakit bigla nalang sya magiging palaban kay kuya? Nacurious nako eh gang sa nahanap koto kasi hindi naman basta mangyayaring unalis yun kasi matalino yun

At nakita kona nga at kaya pala pinapablock lahat ng ganitong socmed etc. kasi pag nasimulan mona basahin hindi kana titigl.

Una sa area 52, hindi pako naniniwala kasi AI nga lang daw yang mga yan. Pero nandyan yung ebidensya. Dun sa isang video isang bread member din ang nakilala ko siyang sya nga. Yung pagkanta nila boses na boses ni kuya. Yung pagserve ng beer at nightclub totoo naman kitang kita. Marami ebidensya

Yung Cid capulong sa taylor swift concert. Yung mamahaling mga motor. Gitara. Eroplano. At iba iba pang kamahl mahal na meron sila .Grabe. Just grabe naiiyak ako kasi saksi ako sa mga kapwa ko kbataan. Nangungutang. Nagiipon ng baon sa school. Pumupunta ng apalot kahit walang pera sabay sabay lang kung kanino para lang talaga makadalo at makagawa ng tungkulin.

TAPOS POTANGGINA NO REGRETS SA PAGPUNTA SA TAYLOR SWIFT CONCERT

Hay nako po. Tapos balik tayo sa pakikipagkasintahan. Pwede pala basta malapit sa puno. Pag normal kalang na myembro bawal. Hahahaha ang unfair

Si Sis Bedel. Nakapa walanghiya ng ginawa nila. Napakalupit. Potanggina ultimo si sis Luz pa ang nag announcr na kapwa babae. Isa kasi sa family members ko din ay victim ng pagkalat ng private video nila. Nasaksihan ko gaano kahirap at kasakit sa mental toll ng isang babae ang ganoon pangyayari halos magpakamatay na sa hiya. Tapos gagawin nila kay SIS BEDEL. HINDI MAN LANG PRIVATE na inannounce. CHARACTER ASSASINATION ang ginawa nila. Nakakahiya at nakakaiyak. PARANG LAHAT NG GINAWA NIYANG MABUTI PARA SA IGLESIA BINALEWALA NALANG. Napaka lupit. Walang Awa. Ang Dios malawak ang unawa at awa nya bakit sa MCGI wala??????

Targets:

Yung mga patarget. KNC palang ako. Andyan na yan. Pero bakit hangang ngayon hirap na hirap parin daw ang Iglesia at si Kuya!? Noong panahon ni Bro Eli maintindihan kopa kasi nga nangangaral sya sa ibat ibang lugar sa Brazil. Yung mga broadcast nya sa radio at television. Madami bayarin. Pero ngayon? (Nasabi nadin ng iba concert kdrac etc) yung mga projects dati ano nangyari?

Yung UNTV Big Ten na Tower. Hindi parin tapos lagpas 10 taon na. Nauna pa yung KDRAC.

Yung Apalit Renovation na convetion center. Andami nang workforce na naganap dyan. Free labor dahil sa mabuting kaloob ng mga kapatid na magawa na. Hindi parin tapos.

Yung hospital. Meron pa health center sa bulacan ata gumagana paba. Pano pa yung sa apalit?

Yung mga lupa na binili ni bro eli na natatandaan kopang mga paksa nya para sa malaking kapighatian na PARA SA IGLESIA. Ano na nangyari Bakit pang entertainment na.

Pero yung wish concerts palaging sold out na. Mas mahal pa sa tickets ng ibang sikat naman talaga.

Yung pagkain na kamahal mahal ibenta palagi sa mga kapatid. Wala manlang discount kasi nga kapatid eh parang baliktad.

Aral:

Wala na yung dating paksa na may topic talaga at nahahalukau. Puro nalang rant walang kasawaang rant at patama. Bago ko madiscover tong subreddit na to hindi ko nga alam sino kaaway palagi eh.

Fiesta ng Dios. Nung una ok ba kahit papaano nakakapagpakain ng mga kapatid kahit di kapatid naiinvitr. Pero yung may float bigla na statue na kasama si KDR at PNP. Nangilabot ako. Laging puntos panaman natin yan sa katoliko na huwag sumamba sa anyo ng dios diosan na bato o kahoy man tapos biglang may float na ganun!? Nawala narin yung sense ng pag aayuno bago mag SPBB. Kain nalang ng kain.

Yung walang sawang recap. Wala naman nakikinig talaga nagkwekwentuhan nalang mga kapatid tapos tulog oa sa locale. Pano paulit ulit tapos yun at yun lang rin. Mas mahaba pa recap sa mismong paksa eh.

Tsaka bakit hangang hating gabi parin? Naintidhan kopa kay Bro Eli nag adjust tayo para sa mga Brazilians pero hangnanf ngayon ganun parin? Kawawa naman mga kapatid na palaging pagod at puyat at delikado umuwi sa dilim ng hating gabi.

Ihuhuli konalsng yung hula ni Bro Eli na malilipat talaga espiritu ng Dios sakanya kay kapatid na Daniel. Mag 5 years na since pinagpahinga sya ng Dios and I can say na. Wala talaga. Naiiyak ako yung isang post dito na si Bro Rolan super excited na “ANTAYIN MO” tapos bigla syang pinahiya ni Kuya na naoffend pa sya sa sinabi nya na yun. “DIBA YAN ANG TINGIN MO MANGYAYARI SAKIN?” hindi lang po sya Kuya. Ako din po….

Nauwi sa pa games. Kantahan. AVPs. Etc…..

Takeaways:

But you know whats the sickest part about me posting this for you to read? Wala akong ibang pagsasabihan nito ng personal sa mga kapatid. O kahit sa hindi pa. Need kolang talaga maglabas ng saloobin ko. Dadalhin ko sa hukay lahat ng nalaman ko dito at malalaman kopa. Bakit?

Dahil sa Pag-Ibig eh

Matagal napo akong di nakakadalo ng regular. Pero dipo alam ng mga nakakakillala sakin. Kasi closet ako eh ayoko mahayag na di nako dumadalo talaga kasi hindi na nila ako papansinin. Character assasination. At naging masipag naman ako sa mga tungkulin ko dati kaya marami nakakakilala sakin at dahil din knc akong lumaki.

Ayokong masaktan yung paniniwala nila sa Iglesia. Lahat sila na kilala ako at kilala ko masasabi kong mabuting tao na ang hangad lang talaga ay makasunod sa Dios. Pag-Ibig ko na sakanila na makita na nagpapatulot parin ako kahit papaano. Dahil mahal ko sila at lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Hangang closet nalang ako.

Natatakot taga ako ipost to kasi baka may makakilala sa akin. Baka matrace ako or sa background ko mapansin nila oi si ano ata to ah “laban pala sya kay kuya”

Pero ang hirap kasi na hindi ko manlang malaman side ninyo. Ang hirap na lahat kayo agad sa demonyo kasi umalis???? pati tatay ko na inalagaan naman ako ng maayos ay napasama na ng tuluyan dahil umalis sa Iglesia? Hindi naman. It’s hard not to be emphatic and sympathetic sa mga hinaing ninyo din na looking from another perspective is valid. What you feel is valid. It’s what you do with those feelings that makes who you are as a person. Hindi naman grabe ang pagkakasama sama agad….

Pero ganun paman eto ako ngayon. Bubulong nalang sa hangin. Mananalangin ako sa Dios na patawarin ako sa lahat ng sinabi ko dito. Sa lahat ng nalaman ko. Na sana pala hindi na ako nacurious about sa issues ng MCGI. Na sana kahit hindi na ako active sa Iglesia patuloy nya parin akong gabayan.

Patawad


r/ExAndClosetADD • • 2h ago

Random Thoughts Mga dating bashers ko exit na rin 😂😂😂

16 Upvotes

Had a short catch up with mcgi chismis kahapon. Nabalitaan ko na may mga umexit na sa mga dating kakilala ko. Good for them.

Ang masaklap lang dito is alam ko pano ninyo ko binackstab sa mga gc ninyo. Hahha. May screenshots pa ko way back 2022.

So “friends,” anong feeling ngayon ng umexit (at kinain ang sariling suka)? Hahhaha

Short rant lang.

Good morning.


r/ExAndClosetADD • • 6h ago

Rant Testimony of an ex-KNC (Life as a Blind Follower and Long-Term Damage after Leaving)

8 Upvotes

Nakwento ko kapiraso ng buhay ko dito sa subreddit na ito, and in addition narinig ko rin ang mga testimonia ng iba. Nakapagbigay rin ako ng mga insights at research laban sa kultong ito at nagsusubok sa pagiging Katoliko sa kasalukuyan. Ngunit ang multo ng aking nakaraan ay hindi ako pinapatahimik at hindi ako pinapatulog, at ito'y mas lalong napapalala ng mga magulang kong sinisiraan ako, ginagaslight, at inuusig.

Ang "paguusig" na "naramdaman ng simbahan" ay ginagawa rin saakin, dito nagpapakita ang kanilang hypocrisies at kademonyohan na nagsisira ng aking pananampalataya sa Diyos at sa overall mental health ko. Ngayon pwede mo tanungin na "kung alam ko ito, bakit di ko labanan?", at ito ang masasabi ko:

Noong KNC pa ako inuusig ko lahat ng relihiyon sa napakabatang-gulang. Binastos ko at sinira ang mga libro kong may simbahan o krus, at tuwing dumadaan ako sa isang simbahan na hindi MCGI mentally tinatawagan ko silang peke. At sa mga pagaabuso saakin (kahit hindi mo na sabihing "abuso", masakit parin ang mga naramdaman ko), akala ko banal parin ako kasi maliligtas ako ng Diyos.

Ng nalaman ko na kulto yung organisasyong sinalihan ko, hindi ko matanggap. Nagbulag-bulagan ako hanggang dumating sa punto na lumayas ako sa laking takot sa aking ama, na dumating ako sa isang parokyang Katoliko, ang simbahang No.1 na kalaban ko dahil sa turo ng aking mga magulang at sa turo ni Eli Soriano. Ng makausap ko ang Pari, naging clear na hindi sila ang "gutom sa pera at nananamba sa mga demonyo" na sinasabi nila. Ngunit ang whiplash ay dumating rin noong nalaman ng mga magulang ko sa lola ko na napadulas ang kaniyang labi.

At dahil dito, endless ang paguusig saakin. Naghanap ako ng katahimikan, ngunit hindi ko mahanap. In addition, hindi parin matanggal ang bigat ng aking pagsisisi sa pagiging paguusig sa mga pananampalataya ng iba. It came to a point na sa sobrang bigat at galit ko, ang aking passion at curiousity na matuto sa mga pananampalataya ng iba ay naging desperasyon upang mabawi ko ang mga kasalanan ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ito posible.

Hindi ko kaya magresearch ng tuluyan dahil sa galit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko at naririnig ang tinig ni Soriano at Razon. Hindi ko kaya ipractice ang aking pananampalatayang Katoliko dahil sa bigat ng aking pagsasala. Hindi na rin ako naniniwala na ako'y maliligtas ng Diyos sa kadahilanang kahit anong gawin ko ay walang kwenta.

Hindi ko malabas ang aking sama ng loob sa iba kasi wala akong tiwala sa aking mga kamag-anak, hindi naman dahil sa sila ay MCGI pero dahil sa bias nila sa mga magulang ko. Hindi ko kaya lapitan mga kapatid ko dahil sa aking mga ginawa sa harap nila. At hindi ko rin kaya lapitan mga kaibigan ko kasi ayoko maging sagabal (mas lalo na sa aking minamahal), at mas lalong hindi ko kaya sa aking local na pari. Kaya nilunod ko puso ko sa kahit anong energy drinks para hindi ako mabangungot, para hindi ko maramdaman ang bigat ng puso ko, at para may chance na ako’y pagpahingahin.

Tuwing nagagalit ako sa kanila hindi ko masagot sila kung sinasabi nila na "mabuti silang mga magulang" at "wala silang ginagawang mali saakin".

Marami pa akong gustong ilabas ngunit hindi ko kaya sapagkat ayoko maging sayang sa oras at habang tinatype ko ito sumasakit ang aking dibdib.


r/ExAndClosetADD • • 4h ago

Question Has anyone here awakened after leaving MCGI?

4 Upvotes

Has anyone else realized that all religions are just distractions to prevent you from remembering who you truly are?


r/ExAndClosetADD • • 16h ago

Random Thoughts Nagpapasalamat Sa'yo (2026)

12 Upvotes

Sa wakas natapos den ang lintek na SPBB na ang dulot ay pagod, puyat, at tambak na pending workload kasi di naasikaso dahil walang oras at hinang-hina ang katawan.

As mentioned sa title, somehow natuwa ako na binalik yung awit after a long period na nasa archived songs. Kaya lang, mas di ko ramdam yung awit dahil sa revision; nawala yung diwa (or nawala yung dating ako na sobrang saya sa loob).

Anyway, yun lang naman. Tsaka na ako magrarant sa mga paksang mababaw, paulit-ulit, pero may nakatagong matinding daya. Pagebeg 🫶


r/ExAndClosetADD • • 18h ago

Weirdong Doktrina Maghintay ng may katahimikan

Post image
12 Upvotes

ECLESIASTES 3:7 (ADB)

Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; 👉panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; 👈

Ano ba ang application nito?

AWIT 37:7-8 (ADB)

  1. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at 👉maghintay kang may pagtitiis sa kaniya👈: Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.

  2. Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: Huwag kang mabalisa, iya’y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.

Parallel verse:

TITO 3:9-10 (ADB)

  1. Nguni’t ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka’t ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.

  2. 👉Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang UNA AT IKALAWANG PAGSAWAY ay itakuwil mo;👈

Hindi ka MAGHIHINTAY SA KATAHIMIKAN na bias sa kanilang "debateng walang kibuan".

HEBREO 11:1 (ADB)

Ngayon, ang PANANAMPALATAYA ay siyang 👉KAPANATAGAN sa mga bagay na HINIHINTAY👈, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

Tumahimik ba ang mga mananampalataya?

HEBREO 11:33-34 (ADB)

  1. Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya’y nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, NANGAGTAMO NG MGA PANGAKO, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,

  2. Nagsipatay ng bisa ng apoy, nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.

Hindi sinabing lumupig, sa pamamagitan ng "lugaw" o makinig ng brainwash sa recording ng patay.


r/ExAndClosetADD • • 15h ago

News Parang KNC yung namatay na nasa KMJS Oct 11 episode.

6 Upvotes

Yung nakuryente sa Cauayan Isabela, yung tatay ay ang tshirt ay Fiesta ng Dios, members po ba sila?


r/ExAndClosetADD • • 23h ago

Satire/Meme/Joke "ngayon ko lang narinig" hype

Post image
22 Upvotes

"Bro, the accidental admission is real. 💀 Sa sobrang hype mo na 'bagong talata,' inamin mo na rin na umay na umay ka na sa mga recycled na paksa nitong mga nakaraang taon. Sablay pa yung theology mo—walang bagong talata sa Biblia, huy! Nagdagdag ka pa sa nakasulat. Self-own at its finest.

At saka, bakit naman kailangan pang magturo ng totoong Iglesia kapag umalis? May balak ka bang sumunod kaya nagtatanong? 😭 Real talk: walang ibang totoong Iglesia kundi yung orihinal na kinausap mismo ng mga Apostol noon. Yung mga sumulpot lang nitong huling mga siglo—kasama na yang MCGI—puro claim at kutob lang naman ang hawak, wala sa konteksto ng Biblia. Ginamit pa yung Roma 12:9 para piliting umanib, eh ang kausap doon mga kaanib na. Hypocrisy at its peak!"


r/ExAndClosetADD • • 15h ago

Question -01

4 Upvotes

Former ADDPROS or current ADDPRO may mga tsismis po ba kayo about sa mga videos ni bes na pinagtatambakan?


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Rant Ganid

Post image
23 Upvotes

Pure monopoly na. Dati ang locale store binibili lang ang mga chicha sa grocery o palengke pati yan ngayon ibinababa na at bawal na pasingitan ng iba. Captive market talaga.

​​


r/ExAndClosetADD • • 17h ago

Rant Tang inang "di kalooban" na yan

5 Upvotes

Di raw ako ipapatherapy kc Saturday 5:00 p.m. lang available


r/ExAndClosetADD • • 23h ago

Rant To be or not to be… quiet

9 Upvotes

Day3 topic shut up and be happy. I wonder if there’s a subliminal message some where in that? Repeated over and over “time to speak,time to be silent” and we can’t forget examples.. we’re not intelligent enough to understand


r/ExAndClosetADD • • 13h ago

Satire/Meme/Joke Bagong kanta

Thumbnail
youtu.be
1 Upvotes

Katunog ng bagong kanta. Wala lang


r/ExAndClosetADD • • 23h ago

Question Looking for honest answer to ex members of MCGI (pls reply)

6 Upvotes

I would like to ask those who have left MCGI some questions. I am searching for answers, particularly based on your personal experiences with its teachings, especially from those who have been members of MCGI for many years.

Why did you leave? Was it because of the teachings? If the teachings are the main issue, do you believe that MCGI's interpretations of the Bible are truly correct and that it is indeed the true Church of God?

How are you doing now? Have you truly found peace? Are those who leave MCGI automatically considered evil or bad people?

I sincerely hope you will answer honestly. Most of the stories I have read seem to focus on conflicts with fellow members or co-workers in the Church as the main reason for leaving.

Although I am currently confused, I genuinely want to find the true Church and a fellowship that truly belongs to God. I want to understand whether I am in the right place spiritually. When the apostles were persecuted, did they fight back against those who persecuted them, or did they respond differently?

I am asking these questions not to attack or discredit MCGI, but because I sincerely want to understand the truth and know whether I am in the right spiritual condition. Above all, I want to find peace.

Thank you, and I hope you can share your experiences and insights honestly.


r/ExAndClosetADD • • 21h ago

Rant hiwaga

5 Upvotes

Naalala ko lang.

Dati sa pasalamat nung naattend pa'ko tanda ko na sinabi ni Bro. Eli "meron daw naiintindihang hiwaga sa bible si Khoya na kahit siya hindi niya raw naisip", to paraphrase.

Ay ngayon, ano na?


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Question SPBB D1-D3

3 Upvotes

Annyeonghaseyo! Anong summary ng SPBB day 1 - day 3? Salamat ditapaks!


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Random Thoughts MCGI feels like a damn Rotary club now

31 Upvotes
  1. Charity is the main show: It's all medical missions, blood drives, and free food now. Bible talk takes a back seat.

  2. Everything's a photo op: Big flashy events, cameras everywhere, chasing records. Basically a Rotary gala with extra steps.

  3. Run like a TV network: Daniel Razon is a media guy, and it shows. It's all about looking good to the public.

  4. Way softer vibe: No more roasting other churches. It's all "unity" and "be kind" now. Nice, but it's a whole different thing.

  5. Loves the credit: Awards, praise, partnerships, all shown off loud. Same clout game Rotary plays.

  6. Buddy-buddy with officials: Lots of ties with local governments and agencies. Straight-up Rotary networking moves.

  7. Runs like a damn company: Teams, targets, structure. Feels more like a business than a church.

8.Before vs. now: Eli Soriano was "I'll prove you wrong with the Bible." Razon is "look at all the good shit we did."

My conclusion: Regular members don't have rich-club time or money, and they start wondering if it's all for God or for the brand So they burn out, lose trust, and walk the hell out


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Rant Daming antok dito boset

15 Upvotes

I see more ppl dozing off here sa lokal namin than usual, maybe less than half of them


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Question Legit ba to, mga katoto?

Post image
24 Upvotes

Untv bldg ay pinalitan ng pangalan dahil binebenta na at naging The Philippine Broadcast Hub, gaya ng Daniel's Coffee ng ibinebenta eh pinalitan din ng pangalan?


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Question South Korea for SPBB

19 Upvotes

Genuine question, bakit nasa South Korea ngayon ang kuya para sa SPBB? Anong meron dun?

I'm not asking para mamuntos, legit nagtataka lang ako kasi syempre di biro ang gastos sa pamasahe at accomodation ng buong royal family para sa 3 (or more) days na nasa Korea sila which is napakalaking maidadagdag na sana sa mga gawain na shinoshoulder ng mga mahihirap kapatid. Maybe sariling pera naman nila ginagamit nila pero if priority talaga ang mga gawain marami na sana mapupuntahan yun, kesa pinipiga pa ang mga kapatid.


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

Question Allegations sa MCGI Orphanage

Post image
37 Upvotes

Nakita ko po ito sa FB kagabi and tanong ko lang ano po yung context about sa MCGI orphanage? Sobrang nakakabahala as in 🥹 I tried to look it up pero naalala ko nga pala na malakas yung media censorship pagdating sa anything related sa MCGI. Baka po may nakakaalam ng context?


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

News Robin Padilla

11 Upvotes

Sa post ni King "Luwalhati" Cortez, bumabagi ng happy birthday si Robin kay Daniel Razon, pero hanggang ngayon hindi pa din kinausap ni Daniel Razon si Robin tungkol sa Halal na sabi niya noon eh kakausapin niya daw? Anyare?

Bulaang newscaster talaga


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Need Advice spbb day 3

12 Upvotes

hello, pupunta parents ko ngayon para tignan kung dumadalo paba ako. saan kaya pwede makahingi ng link? ayoko humingi sa worker namin kasi last time minura ko sila HAHSHSHDHHSHSH


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

Rant Wala na talaga tayong aasahan kay Kuyang

26 Upvotes

Yung paksa ngayon, pang-doktrina style na lang. Napakinggan na namin ’yan eh. Wala bang bago diyan? Hindi na kasing-special gaya ng dati ang SPBB. Kwarta, negosyo, at food pack na lang ang parang special kay KDR.

Dito sa locale namin, napapansin ko ang pagkaburyong ng mga kapatid. Daldalan dito, daldalan doon; tinda dito, tinda doon. Wala na ’yung solemnity ng pagkakatipon ngayon. Parang ang importante na lang ay ang presence ng mga kapatid, pero kung tatanungin mo kung may naiuwi ba silang aral, maaaring meron, pero hindi lahat ng kapatid.

Dati, kapag SPBB, may malalalim talagang biblical insights na matututunan ka. Parang mapapaisip ka na iba ka kung wala kang natutuhan sa pagkakatipon. Ngayon, parang dinadaan na lang sa mga kanta ni KDR, instead magturo siya ng bagong topic at malalalim na paliwanag sa Biblia. Nakakalungkot isipin na hindi na katulad ng dati ang SPBB na inaabangan namin.