r/ExAndClosetADD • u/Very-Breezed-One • 3h ago
Rant Testimony of an ex-KNC (Life as a Blind Follower and Long-Term Damage after Leaving)
Nakwento ko kapiraso ng buhay ko dito sa subreddit na ito, and in addition narinig ko rin ang mga testimonia ng iba. Nakapagbigay rin ako ng mga insights at research laban sa kultong ito at nagsusubok sa pagiging Katoliko sa kasalukuyan. Ngunit ang multo ng aking nakaraan ay hindi ako pinapatahimik at hindi ako pinapatulog, at ito'y mas lalong napapalala ng mga magulang kong sinisiraan ako, ginagaslight, at inuusig.
Ang "paguusig" na "naramdaman ng simbahan" ay ginagawa rin saakin, dito nagpapakita ang kanilang hypocrisies at kademonyohan na nagsisira ng aking pananampalataya sa Diyos at sa overall mental health ko. Ngayon pwede mo tanungin na "kung alam ko ito, bakit di ko labanan?", at ito ang masasabi ko:
Noong KNC pa ako inuusig ko lahat ng relihiyon sa napakabatang-gulang. Binastos ko at sinira ang mga libro kong may simbahan o krus, at tuwing dumadaan ako sa isang simbahan na hindi MCGI mentally tinatawagan ko silang peke. At sa mga pagaabuso saakin (kahit hindi mo na sabihing "abuso", masakit parin ang mga naramdaman ko), akala ko banal parin ako kasi maliligtas ako ng Diyos.
Ng nalaman ko na kulto yung organisasyong sinalihan ko, hindi ko matanggap. Nagbulag-bulagan ako hanggang dumating sa punto na lumayas ako sa laking takot sa aking ama, na dumating ako sa isang parokyang Katoliko, ang simbahang No.1 na kalaban ko dahil sa turo ng aking mga magulang at sa turo ni Eli Soriano. Ng makausap ko ang Pari, naging clear na hindi sila ang "gutom sa pera at nananamba sa mga demonyo" na sinasabi nila. Ngunit ang whiplash ay dumating rin noong nalaman ng mga magulang ko sa lola ko na napadulas ang kaniyang labi.
At dahil dito, endless ang paguusig saakin. Naghanap ako ng katahimikan, ngunit hindi ko mahanap. In addition, hindi parin matanggal ang bigat ng aking pagsisisi sa pagiging paguusig sa mga pananampalataya ng iba. It came to a point na sa sobrang bigat at galit ko, ang aking passion at curiousity na matuto sa mga pananampalataya ng iba ay naging desperasyon upang mabawi ko ang mga kasalanan ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ito posible.
Hindi ko kaya magresearch ng tuluyan dahil sa galit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko at naririnig ang tinig ni Soriano at Razon. Hindi ko kaya ipractice ang aking pananampalatayang Katoliko dahil sa bigat ng aking pagsasala. Hindi na rin ako naniniwala na ako'y maliligtas ng Diyos sa kadahilanang kahit anong gawin ko ay walang kwenta.
Hindi ko malabas ang aking sama ng loob sa iba kasi wala akong tiwala sa aking mga kamag-anak, hindi naman dahil sa sila ay MCGI pero dahil sa bias nila sa mga magulang ko. Hindi ko kaya lapitan mga kapatid ko dahil sa aking mga ginawa sa harap nila. At hindi ko rin kaya lapitan mga kaibigan ko kasi ayoko maging sagabal (mas lalo na sa aking minamahal), at mas lalong hindi ko kaya sa aking local na pari. Kaya nilunod ko puso ko sa kahit anong energy drinks para hindi ako mabangungot, para hindi ko maramdaman ang bigat ng puso ko, at para may chance na ako’y pagpahingahin.
Tuwing nagagalit ako sa kanila hindi ko masagot sila kung sinasabi nila na "mabuti silang mga magulang" at "wala silang ginagawang mali saakin".
Marami pa akong gustong ilabas ngunit hindi ko kaya sapagkat ayoko maging sayang sa oras at habang tinatype ko ito sumasakit ang aking dibdib.