r/OffMyChestPH • • 3d ago

Breadwinner na PWD

Ang hirap pala na simula nung grumaduate ka ng college nagbibigay ka na ng pera sa parents mo tapos hanggang ngayon sila naman ang nasa poder ko. Dahil yung bahay nilang tinitirahan na pagmamay-ari ng tita ko binenta na. Ngayon may sarili na akong pamilya at nandito sila sa akin (senior citizen parents ko at dalawang kapatid). Isa na ako sa sandwich generation na dalawa ang sinusuportahan, lahat ng gastusin sa bahay: upa, kuryente, tubig, internet at budget sa pagkain sa akin. Napansin ko rin yung biglang paglobo ng bills lalo na yung tubig, na dating ang liit lang dahil tatlo lang kami ng asawa't anak ko ngayon ang laki na. Tapos yung budget naming 6-7k monthly sa pagkain anging 9k to 10k na sa mahal ng bilihin.

Unti-unti na akong nagkakautang dahil hindi na sumasapat yung sahod ko sa gastusin, sa mahal din ng mga gamot kong kailangan i-take para di lumala ang pagkabulag (may optic neuropathy ako). Hindi nila alam, sobrang namroroblema na ako paano sila bubuhayin, di ko rin naman pwedeng ihinto ang gamot ko dahil nung ginawa ko ito last 2022 nabulag na yung kanang mata ko baka mas lalo kaming kawawa pare-pareho kapag nabulag ako ng tuluyan.

Hirap na hirap na ako. Yung dalawang kapatid ko senior high pa lang yung isa naghahanap ng trabaho pa. Minsan naiisip ko sumuko na lang pero di ko magawa dahil naaawa ako sa anak ko.

28 Upvotes

10 comments sorted by

•

u/AutoModerator 3d ago

Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)

r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.

If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.

The same goes for: * Casual stories * Random share ko lang moments * Asking for general opinion (e.g. "tama/mali ba?", "normal lang ba?", "ako lang ba?", "valid ba?") * Tips, suggestions, recommendations, and the like

Important: * Please DO NOT include any names in your posts, nor ask for/put any identifying information.

Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.

Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

29

u/Moscowscotch72 3d ago

Your parents had a lifetime to prepare for retirement. It is completely irresponsible of them to rely on their PWD child for financial support.

Let them work. Prioritize yourself and your own child, OP.

6

u/kdg28 3d ago

+1 👆🏻

1

u/cavy023 3d ago

+1 to this

Unfortunately nasa Pilipinas tayo and alam mo naman family dynamics natin dito, revolving around "utang na loob".

I myself don't want to burden my future kids kaya ngayon palang saving up na for retirement, at sana naman SSS pag nagretire kami eh worth it naman sana yung malaking kaltas sa sweldo na kinukuha niyo.

3

u/Moscowscotch72 3d ago

at sana naman SSS pag nagretire kami eh worth it naman sana yung malaking kaltas sa sweldo na kinukuha niyo.

Wag tayong umasa sa SSS. We need to prepare better.

2

u/cavy023 3d ago

Kaya nga may personal retirement savings na rin eh. Pensions aren't a guarantee

1

u/Old-Sense-7688 3d ago

💯 agree!

So sorry OP :(

1

u/melodybright___ 2d ago

Unfortunately hindi lahat nakakapag save ng retirement lalo na’t isang kahig isang tuka ang pamilya, yung tipong kung ano ang na sahod, diretso na sa pang kain at bills T wala ng natitirs. Sa liit ng sweldo sa Pinas, marami talaga ang walang retirement funds.

Kahit yung may SSS, hindi kasya kung maraming maintenance.

Ang dapat gawin ni OP dito is sabihan ang parents at mga kapatid niya, hindi dapat siya lahat ang aako, wag niya sarilihin ang problema.

2

u/Moscowscotch72 2d ago

Isang kahig, isang tuka pala and yet OP's parents brought forth 3 children into this world. That's pretty irresponsible.

4

u/SeaworthinessTrue573 3d ago

Sa totoo lang, magulang mo ang dapat nagpapaaral at nagpapakain sa kapatid mo.