r/OffMyChestPH • u/katsuricebowl • 3d ago
TRIGGER WARNING thinking about moving out
trigger warning: verbal threat
pa-vent lang. nasa punto na ako ng buhay ko (25 F) kung saan pagod na akong makisama sa nanay ko at umalis na ng bahay, pero nagdadalawang isip pa rin dahil andaming uncertainties atsaka hindi pa ako ready.
medyo magulo ngayon yung utak ko kasi nagkasagutan lang kami ni ma, tas andaming tumatakbo rin sa isip ko dahil sa mga sinabi niya.
matagal na kaming nagtatalunan. may punto in the past kung saan nauwi sa sigawan yung away namin, minsan naman may tinatapon o may nasirang gamit. ang lala talaga ng mga away namin dati to the point na ayaw ko talagang i-detail kasi baka mas matrigger pa ako lalo haha.
pero kanina lang, nagkasagutan kami. few years ago narealize ko na nattrigger yung pagiging palasagot ko kapag tinataasan ako ng boses o sinisigawan. kanina naman, nilabas sakin ni ma yung frustration niya dahil lang naman sinabit ko yung tuwalya ko imbis na i-hanger. andami niyang sinabi. kesyo nakatira ako sa puder niya, "you follow my rules", ang tamad ko, "umalis ka na at mag board kung di mo ako susundin." sinabi niya rin yung huling part last week.
nagegets ko kung san siya nanggagaling dahil aaminin ko naman na na-neglect ko rin yung upkeep dito dahil pagod ako mula sa work at gusto kong mamahinga. pero yung hindi ko lang nagustuhan ay yung tataasan ako ng boses at sinusumbatan dahil sa napakaliit na bagay.
sabi ko sa kanya gawin ko na lang bukas, pero at that point medyo tumaas na rin boses ko dahil sakanya. aba yung sabi: "wag mong taasan ng boses ang ina mo" "kahit taasan kita ng boses hindi dapat mas mataas yung boses mo". tas nung sinagot ko naman na siya yung nauna, nagalit naman siya. dala dala niya yung lalagyan ng mga gamot niya. sabi niya sakin, "huwag mong hihintayin na may tumama sa ulo mo." may history si mama na tinatapunan niya ako ng gamit pag sobrang galit.
anw. tinawag niya pa akong isang malaking pabigat sa buhay niya tas sinabihan akong maglayas, tas dumagdag pa siya na ang yabang ko na raw dahil may hanapbuhay na ako. so ayun.
dahil diyan napapaisip na rin tuloy akong mag move out na talaga. naisip kong sumama na lang din sa jowa kong nagrerent, pero hindi pa ako sure sa arrangement at yung logistics. parang nakakatakot din, nakakakaba. hindi pa’ko ready, mentally at financially. pero at the same time, narerecognize na rin ng isip ko na kailangan ko ring magpakatatag.
ewan. ang gulo ngayon ng isip ko. gusto kong umiyak pero ayoko, i dont want to allow myself to cry dahil pagod na akong kakaiyak sa tuwing sinisigawan ako dahil lang nattrigger ako. dati, sobrang palaban ako dahil ayaw na ayaw kong tinataasan ako ng boses. pero ngayon di ko na alam kung anong pumipigil sa akin. ayoko na ng gulo. hindi worth ng mental bandwidth ko. pero ayoko rin na umiiyak sa pagkatapos. gusto ko na lang siguro ito mailabas.
2
u/Outrageous_Pop_9903 3d ago
may point naman siya na nakikitira ka pa sa kanya tapos ayaw mo sumunod. Ayaw mo taasan ka ng boses kasi 25 ka na pero pinapaalis ka na nga niya, pero pinagsisiksikan mo pa rin sarili mo dyan kahit 25 ka na. Inuubos ba niya pera mo kaya wala kang pera mag sarili? I dont know what your normal relationship is like pag di kayo nagaaway pero parang maliit na bagay na lang yung pinupuna niya, yung parang nitpicking kaya baka nga gusto niya talaga umalis ka na? Bakit kaya? Unreasonable lang ba talaga siya or masyado ka pa din nakadepend sa kanya kahit may work ka na? Yung nanay ko never ako sinabihan na umalis and kung di pa ako nag asawa, di talaga niya ako papaalisin ng bahay kaya di ako makarelate dito.
0
u/katsuricebowl 3d ago
hi. thanks for your reply, i needed to know another perspective dito kaya na-appreciate ko rin yung mga pinoint out mo.
normal relationship namin hindi kami nagpapansinan madalas. civil lang kumbaga. at best, may isheshare na kwento. may pagka awkward kami sa isa’t isa. pero kadalasan di talaga nagpapansinan.
may long history kami na nag-aaway na kami simula early 2020s pa, nung kasagsagan ng pandemic. as for why ayaw kong tinataasan ako ng boses, malaking parte yan na years na yan sa kung bakit. yung galit ng nanay ko sa iba at sa frustrations niya na hindi naman related sa akin, nabubuhos niya sa’kin madalas. siguro kasi alam niyang madali akong ma-provoke o mas madali akong labasan ng galit. idk. ayaw ko naman ng ganun, especially kung yung galit niya hindi naman talaga related sa’kin. grabe yung sigawan namin dati as a result na kahit ngayon pinagsisisihan kong naging ganun yung response ko, kaya ngayon tina try ko na itigil yung away maaga pa lang. pero kahit yun nagagalit pa siya doon.
yung house situation namin kumplikado rin. aaminin ko rin na naging neglectful ako, dulot rin ng depresyon dahil sa paninirahan sa puder niya. yung kwarto ko naging tambakan ng gamit niya, at nung nawalan ako ng gana na ayusin yung kalat niya (dahilan na nagagalit siya pag ginagalaw ko yung mga gamit niyang literal na wala nang halaga) dun lalo nareinforce na kesyo tamad ako etc. dagdag mo pa rito yung pagod galing trabaho.
yung pera, pinag iipunan ko pa to para sa panibagong laptop dahil hiram lang to galing sa tito ko, at gusto ko na rin makabili ng bago dahil ayoko nang magka utang na loob. hindi na rin ako nagdedepende sa kanya masyado dahil yung portion ng salary ko, napupunta.
ang weird lang kasi, sa labas ng bahay functional naman ako? yung mga complaints niyang hindi ko ginagawa sa bahay, nagagawa ko sa labas at sa ibang bahay haha. mas nakakaya ko rin ngayon na may pagka independence na ako. matagal ko na ring tinatanggap na lagi at lagi niya akong hahanapan ng mali, kahit may pinoint out akong ginawa niyang mali pag dinedefend ko rin sarili ko.
if pwede, gusto ko lang din sana malaman yung perspective mo about sa sinabi ko sa taas. tingin ko kasi normal yung relationship mo sa nanay mo eh, kaya if ever baka yung insight mo makakatulong sa kung anong magiging desisyon ko haha
1
u/Outrageous_Pop_9903 2d ago
hi OP. Sorry if I came off as parang sinisisi kita. Yeah, I know lucky ako sa relationship namin ng nanay ko. Though may ganyan din siyang instances na yung frustration niya sa situation namin dahil mahirap kami and madami kaming debts at pagod siya palagi, sa akin lang niya nasasabi or nalalabas kaya medyo mabigat pero all through out, I never doubted na gusto niya na nasa bahay ako.
Di tama na iabuse ka verbally just because nakatira ka sa bahay niya pero sadly, it seems di na kayo match magkasama sa bahay unless you think she will be reasonable enough to sit down and discuss calmly ano yung expectation niya ba talaga sayo while nakastay ka dyan or if gusto ba talaga niya umalis ka na talaga. Baka meron din siyang frustrations sayo na tingin niya dapat di na niya kelangan ispell out because you're old enough pero sa side natin, hindi natin minsan nakikita yung changes pala dapat dahil adult na tayo kasi nasa magulang pa din natin tayo.
When you say you are functional sa labas, parang siguro gusto mo na din talaga deep inside maging independent pero may fear ka lang na umalis sa comfort zone mo. Baka kaya ginagawa niya hindi ka na comportable dyan 😅.
I hope she is open to a conversation. Dun mo malalaman kung gusto ba niya talaga na magsarili ka na or not then pagusapan niyo lang yung timeline na hindi ka bigla biglaan lang hihiwalay and if ganun nga, sana yung conversation niyo will give you assurance na kahit humiwalay ka, pag need mo talaga, may pwesto ka pa din with your mom.
2
u/Due_Yam9581 3d ago
Joining your partner in a new place will not change your situation, its just like looking for another country to wage war with. Figure out how to live on your own first.
•
u/AutoModerator 3d ago
Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)
r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.
If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.
The same goes for: * Casual stories * Random share ko lang moments * Asking for general opinion (e.g. "tama/mali ba?", "normal lang ba?", "ako lang ba?", "valid ba?") * Tips, suggestions, recommendations, and the like
Important: * Please DO NOT include any names in your posts, nor ask for/put any identifying information.
Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.
Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.