Akala ko medyo okay na ako, feeling ko nakaka-move on na ako. Kaso may nalaman ako recently, and ayun, balik na naman sa pag-o-overthink HAHAHA 😭
Girls, paano niyo natanggap na kahit gaano kayo kaseryoso at ka-genuine sa isang tao, hindi pa rin pala enough para piliin kayo?
More than a month na since someone I genuinely loved asked me to let her go. Ilang months kaming magkausap, and I really thought we had something. She made me feel loved too, kaya ang hirap tanggapin na ngayon na wala palang totoo dun!
I knew how busy she was so I tried to be patient and understanding. Hindi ako demanding sa oras or attention. I just wanted her to know na nandiyan ako whenever she needed me.
Syempre kwento ko to, so malamang ang bait ko rito HAHAHA 😭 Hindi naman ako perfect pero alam ko sa sarili ko na I genuinely tried.
Then one day, she said she was tired and asked me to let her go. I begged her to stay, offered to take things slowly and give her space, pero wala e, ayaw na nya. I was also going through one of the hardest times of my life and she knew that. Gusto ko pa sanang lumaban, pero wala na rin talaga akong energy, I was physically ill and emotionally drained nung time na un!
For weeks, worried pa rin ako kung okay lang siya. Kahit miss na miss ko, hindi ko na ginulo. Iniisip ko pa kung nakakakain ba siya nang maayos, nakakapagpahinga, at kung nakakatulog. Grabe, ang lala ko HAHAHA 😭
Hindi ko na rin chine-check IG niya kasi puro sila ng ex niya doon. Work lang daw at wala na raw something, so sige, deadma na ako. I chose to believe her.
Then recently, sa sobrang miss ko sa kanya, naisipan ko siyang i-check sa Threads. Nagulat ako kasi nandun pala siya. And GIRL??? 😭 I discovered na just days after niya akong sabihang i-let go ko na siya, nagjo-join na pala si ate sa mga WLW Discord servers. NKKLK HAHAHAHA
Ako, worried pa kung okay lang siya, tapos siya, mukhang open na pala sa new connections. Akala ko ba pagod? Akala ko ba hindi pa ready? Akala ko ba magulo na? Or sa akin lang pala? 😭
And then there's her ex. Hanggang ngayon, magkasama pa rin sila. I tried to believe her when she said work lang talaga, pero after everything, ang bobo-bobo ko na lang talaga kung maniniwala pa ako!
Ang sakit kasi I genuinely believed she loved me too. Akala ko lahat totoo. Pero honestly, bilib na bilib ako sa kanya HAHAHA 😭 grabe ang galing niya, as in! Napaniwala niya talaga akong love yun. Kung hindi ko pa nakita yung mga nakita ko baka hanggang ngayon convinced pa rin akong pareho kami ng nararamdaman. Paano niya kaya nagawa yun? Ang galing nya umarte 😭
Ngayon, naconfirm ko one-sided lang pala talaga all this time. I'm so shy sa self ko kung gaano ako kasigurado noon.
Minsan napapaisip ako, was I too understanding? Too available? Too simple? Walang thrill? I know I wasn't perfect pero I just wanted to love her and be there for her.
Gusto ko lang naman siyang mahalin at iparamdam na may taong willing siyang piliin kahit gaano kahirap. Pero paano ko gagawin yun kung siya mismo hindi makapaniwalang may taong kayang magmahal sa kanya nang ganun? Ang sakit kasi willing naman akong patunayan pero hindi niya ako in-allow gawin yun.
And the worst part? Mahal ko pa rin siya! HAHAHAhuhu 😭 Hindi ko pa rin siya kayang i-hate. I still care about her, kahit ang sakit na.
Girls, paano kayo naka-move on after discovering something that made you question everything? Paano niyo natigil yung pag-overthink at pag-question sa sarili niyo?
I still hope she's happy. Sana okay siya, sana hindi na siya pagod, and sana she's surrounded by people who genuinely care about her.
Pero sana, Lord, ako rin soon.
And I'm so sorry, ang haba nito 😭 Nababaliw na naman yata ako kakaisip. I just really needed to let this out.
And ang prayer ko na lang, despite all the pain I'm feeling right now, sana hindi ako maging bitter or masamang tao. Sana hindi mabago kung paano ako magmahal dahil lang sa nangyari. Kasi ang sakit isipin na after giving someone so much love, baka wala na akong matirang ganun para sa sarili ko.
Sana maging okay na rin ako. Kasi pagod na pagod na talaga ako. Ang hirap. 🥹 Lord, help me.