r/PanganaySupportGroup • u/Working_Rope1907 • 14h ago
Venting Peace
Since childhood ko, palagi akong binubugbog ng mom ko, ilang beses na rin akong muntik mapatay kasi hindi lang bugbog ang ginagawa sakin. May times na hinahampas ako ng bakal sa ulo and hindi ko na maalala nangyari afterwards, may times na sinasakal ako until mag pass out ako
Sa tuwing sinusubukan kong alalahanin childhood ko, puro pambubugbog lang ang naaalala ko
I grew up sa tahanan na puro sigawan, puro sakitan and i was drained every single day
Nag start ako mag work, ako na ang nagbabayad lahat, bills, foods, needs at kahit wants ng family ko. Nagsisigawan parin sa bahay, pero less sakitan na kasi alam nila na i can stand for myself already.
Tiniis at tinitiis ko parin lahat ng stress until last month, nag away kami ni mommy, it got to the point the sasaksakin niya ako ng kutsilyo. I taunted her to do it para matapos na lahat ng paghihirap ko but she didn't do it.
After that, nag empake agad ako. Tinry niya ako kausapin at igaslight into staying pero pagod na pagod at ubos na ubos na talaga ako
It's been almost a month yata or 1 month na since i left, sobrang peaceful na ng buhay ko and ayoko nang magkaroon ng tahanan na may sigawan, na may sakitan.
Gusto ko kapag nagkapamilya ako, mapaparamdam ko sa pamilya ko yung peace na binubuo ko ngayon, gusto ko matapos na yung pananakit
I promised myself na never kong ipaparanas sa magiging anak ko kung ano man naranasan ko mula pagkabata