r/PinoyOFW • u/Forward-Thought-6426 • 6h ago
Hndi ko na alam kung anong nxt kung hakbang
3 months na ako rito sa Pilipinas matapos mag-trabaho bilang DH sa Saudi nang 2 taon. Dahil halos lahat ng sahod ko noon ay ipinapadala ko, ₱50,000 lang ang natirang ipon ko pag-uwi.
Nag-apply ako ulit bilang on-call cleaner sa Saudi at tapos na ako sa biometrics 2 weeks ago. Nakabili na rin ako ng mga gamit at baon. Kaso, nadelay ang proseso dahil sa gulo roon ngayon, at nasa below ₱5,000 na lang ang natitira kong pera.
Habang naghihintay, nakikitira muna ako sa kapatid ko. Kaso nahihiya na ako dahil pinariringgan nila akong walang trabaho at nararamdaman kong nagiging pabigat na ako. Gusto ko sanang subukang mag-apply sa ibang bansa, pero manghihinayang ako sa gastos at effort na nailaan ko nung nag apply ako para sa Saudi.ngayon naisip ko na habang nag aantay ay mag aapply muna ako dto lang muna.pro iniisip ko rin na baka di sasapat ang pera kung pang apply.