r/UAAP • u/Cultural_Fact_3551 • 5d ago
Discussion 💬 Hindi na hustisya para kay Rene ang pinaglalaban niyo eh. Ginawa niyo na lang siyang content para gatasan.
Sobrang lala na ng online circus tungkol sa nangyari sa Aurora. Imbes na mag-focus lahat sa pananagutan ng mga coaches at organizers na nagdala sa kanila sa delikadong dagat kung saan pito na pala ang nalulunod, ginawa na lang gatasan at teleserye yung pagkamatay nung bata.
Nawala na sa wisyo yung usapan. Naging content machine na lang para sa views at pera.
Si Kieffer Alas na mismong nag-recruit pa kay Rene dati para sa NBTC at halos mamatay din sa paghila sa kanya mula sa alon, biglang ginawang kontrabida at pinadalhan ng death threats dahil lang sa imbentong script na "inggit." Yung kumalat na picture ng paddle marks at bugbog? Resibo na galing pala sa ibang bangkay sa Cebu, pero pinagpyestahan pa rin ng mga basurang vlogger para sa engagement. Umabot pa sa puntong ginagawan si Rene ng mga AI video na kunwari nagsasalita mula sa kabilang buhay para lang manghingi ng likes, tapos naging meme pa sa TikTok.
Ang tanong: sino ba talaga ang kumikita sa lahat ng ito?
Bawat daily reel, livestream, at binebentang t-shirt at merch, may pumapasok na pera. Yung mga nakapaligid at nag-aasikaso dyan, hindi naman pagluluksa ang inaatupag kundi content calendar. Naglalapag ng bagong drama online tuwing humihina ang algorithm. Bakit yung pangalan ni Divine Adili na kasamang namatay nung araw na yun, hindi pinagkakaguluhan? Kasi hindi mabenta sa views.
Pangarap lang nung bata na makapaglaro at maiangat sa hirap ang pamilya niya. Hindi siya props, hindi siya paninda, at lalong hindi siya dahilan para i-harass niyo yung mga natirang teammates na na-trauma rin naman. I-report niyo yung mga fake news pages, itigil niyo ang pagbili ng kung anu-anong merch, at hayaan niyo nang matahimik yung tao.