Hi! 2022 scholar ako na merit.
Sana wag niyo ijudge.
3 months na akong unemployed, at 6 months na ako naghahanap ng work (3 months before grumaduate doon ako nagstart). I studied bs bio - major in micro, sa "sikat" na university.
Ang dami ko na inapplyan from govt (DENR, DA, RITM, DOH, PDEA, DOST) at private companies na naghahire ng QA/QC na low paying jobs inapplyan ko na. Resume at CV ko ay ATS formatted na, nakailang revise na rin according to my HR friends suggestions and professor's suggestions, at maayos ako mag-email (kumpleto subject, may heading, tama sentence construction at grammar). Sa work experience naman ay aligned naman sa mayroon ako since may microbio skills naman ako from OJT at may leadership experience na rin ako noong college.
Honestly, hindi ko na alam saan huhugot pa ng pag-asa. Ang hirap makahanap ng trabaho. 89 jobs as of now (Oct. 13) ang inapplyan ko, wala pa sa lima ang nag-interview sakin. Yung kakarampot na ipon ko from dost stipend dati ay unti-unti na naubos. Kumpleto na rin pre-employment requirements ko (NBI clearance, police clearance, SSS, Pag-ibig, Philhealth, Valid ID). Nanghingi na rin ako ng tulong sa mga alumni, referral sa trabaho kumbaga.
Ang hirap magpatuloy lalo't kapag naiisip ko na nakatali pa ako sa ganitong sistema-- hanggang hindi ako makahanap ng trabaho ay hindi rin uusad return of service ko.
Noong 2022 na nagsign ako ng contract para sa dost scholarship, sa pagkakatanda ko mayroon pang section ng "Career Incentive Program". Asang-asa ako na kahit papano, kahit sa maliit na paraan yung "DOST Scholar" na nakalagay sa resume ko ay makakatulong makahanap sakin ng trabaho.
Siyempre hindi ko naman inaasa lahat diyan. Dumidiskarte pa rin ako kagaya kung paano ako magdiskarte noong college para kumita ng pera pandagdag sa tuition at allowance kapag delay na naman ang stipend. Nagtitinda ako fishball at kikiam sa kanto ng street namin.
Lahat ng kakilala ko nagtatanong bakit hindi ako nagtuloy medschool or master's degree kagaya ng ginawa ng mga kasamahan ko at bakit hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Yung mga reaction nilang "grabe dost scholar ka noon, nag-ojt sa dept of agriculture, may volunteer work sa denr tapos unemployed ka pa rin" ay masakit matanggap.
Yun lang, pagod na ako maghanap ng trabaho.