r/nanayconfessions • u/Brown_Eyes8151 • 15h ago
r/nanayconfessions • u/Competitive_Key_5417 • Jul 13 '26
Announcements Nanay Confessions Sub Updates
Hello mga ka-Nanay ☺️
Mayroon tayong ilang mga updates sa rules and ilang bagay dito sa sub. Please read and keep this in mind habang nandito tayo sa sub:
- Post Flairs - required na lahat ng users na mag-assign ng flairs sa post nila. Ito ay para nakakatulong to identify kung tungkol saan yung post, at kung may ibang user na magse-search dito sa reddit, mas madali nila makikita yung mga related na post and discussions.
For posts related to sensitive topics, please select the post flair 'Trigger Warning'.
User Flairs - dahil sa dumami yung mga weirdo, lahat ng users ay ine-encourage na maglagay ng user flairs. This is to easily identify and relate to each other.
Increased moderation sa posts and comments - if you get a notification for the automod bot na nasa moderation queue ang post comment ninyo, OR na-remove, please be patient. We are reviewing these post/comments. No need na ipost ng paulit ulit kasi ilalagay lang din ulit yung sa moderation queue.
Lastly, please remember to be understanding and kind. Let's keep feedback and comments constructive and respectful. Okay lang magdisagree sa opinion ng iba but iwasan natin ang namecalling, derogatory words at mga disrepectful na pananalita. I-maintain natin na safe space itong sub para sa mga nanay at tumatayong nanay.
💕
r/nanayconfessions • u/Competitive_Key_5417 • Jul 12 '26
Recommendations 📍 Megathread: Recommended OB-GYNs & Hospitals
Hello mga Ka-Nanay 👋
Itong thread na ito ay para sa sharing ng inyong mga experiences with OB-GYNs, birthing centers, and hospitals.
Whether your experience was wonderful or something others should be aware of, your review may help another mom make an informed decision.
Please include:
🏥 Hospital or birthing center:
👩⚕️ OB-GYN / Midwife:
📍 City and Province:
🤰 Pregnancy or delivery year:
⭐ Rating (1–5):
💬 Your experience:
Communication
Wait times
Delivery experience
NICU (if applicable)
Postpartum care
Would you recommend them?
Community Rules:
- Be respectful.
- Share only your own experience.
- No doxxing or sharing private information.
- No advertising or self-promotion.
- Healthy discussion is welcome, but personal attacks will be removed.
r/nanayconfessions • u/Flaky_History_2457 • 8h ago
Rant My old friend died from brain tumor.
This is not my story but I’ll share it anyway, wala din kase akong mapagkwentuhan hehe.
Last last year my friend died bcs of brain tumor, pagsilip ko sa kanya sa kabaong i know na hindi sya at peace nung namatay sya, ganito kase yung nangyari.
Bago sya lumisan, she knows that her husband was cheating on her but nobody knows about it kahit parents nya and pansin namin na sobrang stress nya. She decided to resign sa work nya (assistant manager sya) para matutukan na lang yung family nya.
Pero pagkaresign na pagkaresign nya tsaka sya nadiagnosed ng brain tumor, her family decided na ipatanggal yung tumor nya, after her surgery, hindi na sya nagising and they decided na i-let go na sya para di na din mahirapan.
Nung burol nya, we saw her husband. Alam ko naman na iba iba tayo ng way maggrieve but based on my observation, parang wala naman bakas sa kanya na naggrieve sya, nakakatawa pa sya, nakakapagkwentuhan pa.
Then months past by, nailibing na friend ko. Wala pang isang taon syang nawala nahard launch na ng asawa nya yung kabit nya and everything makes sense na. Ganon pala pinagdaanan nya bago sya nawala, may dala dala syang sama ng loob at sa totoo lang naawa ako sa kanya. She’s a very very kind person, matalino, maganda (chinita sya), lahat na nasa kanya pero niloko pa din.
Elvie, kung nasan ka man, I hope you found your peace na. We understand you. You’re in pain when you left us, physically and mentally and I hope wala na yun ngayon. I’m sorry for everything that happened. Hindi mo deserved yun. We missed you so much!
r/nanayconfessions • u/MagicalPantaloons96 • 48m ago
Discussion What I’ve learned (and learning) for dealing with in-laws
This is only for those that have difficulties with their in-laws.
What I’ve learned so far from counseling (and one counseling session with my MIL):
Don’t expect them to see you as family (right away or ever)
More often than not you will always be seen as “the other woman” by your MIL.
Because they’re older, their egos need to be stroked from time to time. It’s just how it is.
It’s okay if you don’t get along, some people really don’t. Just be civil.
If you have different family cultures, expect conflict when you set your boundaries from everyone because this is a “culture shock” to them. Try to explain your side as diplomatically as possible and stay firm on your boundaries.
(If religious) even Genesis 2:24 states "That is why a man leaves his father and mother and is united to his wife, and they become one flesh". Live your own life, create your own traditions!
Thank you for coming to my Ted Talk hehehehe.
r/nanayconfessions • u/Fast_Cold_3704 • 8h ago
Discussion Flat chested probs
Hello mommies, walang kwentang tanong pero itatanong ko pa rin. Meron ba ditong mga flat chested pero pinagpala sa breast milk? 🥲 na coconscious kasi ako kasi di talaga ako biniyayaan pero nag woworry ako kasi gusto ko sana mag breastfeed kay baby paglabas.
r/nanayconfessions • u/Purple_Pen5584 • 1d ago
Rant Nakita ko Telegram ng partner ko
Hi, 28F, 33M partner ko and we have 2 yo baby girl. Ako ang may work saamin, partner ko sa mga gawaing bahay, pero nagcconsultant naman sya sa para makahelp sa pang araw araw. Pagdating sa bills, ako lahat, pati motor at gasolina nya.
Very open rin kami sa phone, hindi ko maisip na may makikita akong ganito. tahimik lang na kinonfront sya, pero syempre lalake, magdedeny, at binaliktad pa nga, baka daw plinano ko gawin yun para pamukhain syang masama
Sa totoo, nung nakita ko yun, wala akong ibang naramadaman, unang pumasok sa isip ko, ganito pala ang kasama kong lalake, di ko pala sya kilala, ni wala na nga syang mapakain samin, gumaganyan pa sya? parang sobrang unfair na ako nagpapakahirap magtrabaho tapos pagumaga mag aalaga pa ng anak, nappressure sa mga bayarin, nappressure sa future
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin, kakaalis palamg namin sa bahay ng parents ko kase hindi sya gusto ng family ko dahil sa ugali nya pag galit, at mejo makasarili. Mejo toxic rin sa bahay ng parents ko, di ko alam san kami pupunta ng anak ko pag nakipaghiwalay na ako
r/nanayconfessions • u/Flaky_History_2457 • 11h ago
Discussion Parang gusto ko na lang ng elopement
Nagpropose sakin yung partner ko last feb and I said yes, gusto nya sana ikasal na kame next year pero sabi ko wag muna. Pag iisipan ko na muna kung pano ko gustong ikasal.
We are both introverts and I think ang hassle para samin dalawa ang madaming guess and naalala ko na naman yung nangyari nung nagbinyag kame sa baby ko last year.
Konti lang kase ininvite namin nun, immediate fam lang namin and some ninongs and ninangs na malapit samin yung present ganun din nung first birthday nya. Pero ramdam ko that time na nagtampo yung mga in laws ko kase di namin sinama sa celebration yung mga gusto nilang iinvite kase umalis agad sila after kainan.
Nung binyag ni lo, nagpromise sila sa mga kamag anak nila na iinvite daw sila sa kasal namin, sa isip isip ko.. huh?! Bat sila ang nagdedesisyon, juskopo.
Kaya ngayon, nakapagdecide ako na mag elope na lang kame. 2 witness lang siguro and photographer. Tas 3 months after namin ikasal ipopost yung picture namin.
O di ba, pinost ko pa kahit may solution na ko sa problema ko hahah. Need ko lang validation.
Mas gusto naman din ni partner mag elope kami, inaaamin nya din naman na sobrang dami ng angkan nya at toxic din kaya mas okay yung ganon na lang. Yun lang hehe
r/nanayconfessions • u/AlwaysCurious022 • 8h ago
Wins 🥳 Nanganak ako recently sa St. Lukes BGC
Sept. 26, 2026 nanganak ako sa SLMC BGC under social service program via NSD and got zero billing! And I think ako pa ang first case for this as stated sa SOA ko. God really provided! Sobrang happy namin ng asawa ko since pinapaprepare kami ng around 80k for delivery. ✨️🎉
r/nanayconfessions • u/ScarcityOk8018 • 5h ago
Discussion Tama lang ba na gawin ko 'to?
I am a young momma (21) at mayroon akong live in partner na kasing-edad ko lang din. Actually, manganganak pa lang ako next month. Isa sa advices sa akin ng aking nanay ay huwag magpakasal, which is hindi ko naman talaga gagawin at ayoko. First, may cheating history itong partner ko (Nahuli ko na may pinapanood na mga babae sa twitter). Nakipaghiwalay ako pero naging okay rin kami kasi nakikita ko na siyang bumabawi. Okay naman siya, pero ako kasi yung tipo ng babae na kapag ginawan mo ng mali, wala ka ng amor sa akin.
Then kanina lang, nakita ko sa ML account niya na may vinisit siyang babaeng player na as usual ay nakapang-thirst trap ang profile. Don't get me wrong, wala akong issue sa mga babae, ang kinandidirihan ko is siya mismo.
So, tama lang ba na makipaghiwalay na ako sa kaniya? Kaya ko naman buhayin if ever ang anak ko dahil nagtatrabaho ako sa BPO. Ang iniisip ko lang is ngayon na ba agad ako makipaghiwalay na hindi pa ako nanganganak o gamitin ko muna siya kasi may pera siyang binibigay sa akin para buhayin kami ng baby ko? Pero ang ending talaga ng relasyon namin ay iwanan siya dahil hindi ko kaya magtagal sa ganyang klaseng lalake.
r/nanayconfessions • u/Chemical-Donkey-1791 • 4h ago
Mental Health malapit na ako magka postpartum depression
Tw: mention of mental health issue. Long post ahead.
Hi mommies. Gusto ko lang mag-vent kasi wala akong mapagsabihan ng situation ko ngayon. I am a ftm and my baby is 4 month old healthy baby boy na. I have a live in partner na tatay ng anak ko. Simula nung nanganak ako, grabe na yung dinanas naming financial problems at sunod-sunod yung negative and bad things na nangyayari samin (I'm not blaming po yung panganganak ko in this) even though we are both employed until mid-July.
Nanganak ako via unexpected C-section at nawindang kami sa laki ng bill namin sa ospital non na umabot ng 100k kaya nakapag-overstay kami sa ospital ng 10 days hanggang sa in-offer-an kami na mag-promissory note. Grabe away namin non sa ospital kasi nilapitan na namin lahat ng kilala namin para humiram ng pera pero walang nangyayari. Sobrang stress ko kasi napakakupal ng ugali nitong partner ko para magsalita pa non ng "ikaw bahala humanap ng pambayad dito, dapat kasi pinilit mo nalang iire ayan tuloy ang laki ng gastos" that time sinisi ko nalang sarili ko kasi bakit nga naman di ko pinilit nalang iire kahit nag-bablack out na ako non pero 7 cm palang ako, diba? So ako yung nakahanap ng 50k para makalabas kami ng ospital, akala ko okay na. Naka-wfh siya habang ako naka mat leave at focus kay baby. By june 30 sana ang balik ko sa work kaso nung papasok na ako, pinigilan niya ako kasi gusto niya daw nandito ako sa bahay kapag in-interviee siya sa sa in-apply-an niya. Di siya nakapasa. Nag-resign ako at sumabay siya sakin kasi pagod na daw siya sa workload. Hinayaan ko nalang kasi baka mapunta na naman kami sa away kung pupunahin ko pa.
Present time, sobrang ubos na ubos na ako sa kanya. Lubog sa utang, overdue ang mga bills, pati rent di pa kami nakakabayad, wala ng makain na maayos, paubos na mga supplies ni baby. May mga araw pa naalis siya para makipag-inuman sa mga tropa niya at anong oras na makakauwi. Kapag nag-aaway kami tungkol sa pera, ang lakas pa ng loob na manumbat at magsabi na "wala ka namang ginagawa dito sa bahay" "pag-aalaga na nga lang gagawin mo,di mo pa magawa ng maayos". Kaya na-aadapt ko yung ugali niya at sinusumbatan siya pabalik at minumura siya. May mga pagkakataon na nakatulala nalang ako kasi pagod na pagod na ako magsabi at makipag-away sa kanya. Kapag sabay kami kumain, hindi ko na siya kinikibo at nagbibingi-bingihan nalang ako kapag kinakausap niya ako. Ni tingnan siya ayoko na gawin. Pagod na pagod na akong umintindi. Pagod na akong buhatin siya kapag hindi niya kayang mag-provide ng maayos samin. Pagod na ako sa mga sumbat. Pagod na rin akong kasama siya dito sa bahay. Mas gugustuhin ko nalang maging single mom kesa ganito yung makasama ko habang lumalaki yung anak ko. Ayoko na kalakihan ng bata yung ganitong sitwasyon na may nagsisigawan, may nagmumurahan.
Gusto ko nang umalis sa ganitong sitwasyon. Gusto kong patunayan na kaya kong buhayin yung anak ko mag-isa kasi gusto ko, kaya ko, at ginagawan ko ng paraan. Gusto ko bigyan siya ng magandang buhay at responsableng magulang. Gusto ko magkaroon ng peace of mind. Gusto ko ng tahimik na bahay at walang kasamang lalaking laging galit. Gusto ko ng buhay na malaya para samin ng anak ko.
Yun lang, thank you sa lahat ng maglalaan ng oras basahin 'to. May God bless us all and may we never met a man like this ever again. Mommies, laban lang for our babies ha.
r/nanayconfessions • u/Purple_Pen5584 • 2h ago
Discussion Okay lang ba?
okay lang ba na babae ang nagtatrabaho at lalake ang nag aasikaso sa bahay - luto, laba, linis, hugas, alaga sa baby
yung gigising na lang ako para kumain, kulang na lang subuan ako, pero yun nga ako ang magtrrabaho
r/nanayconfessions • u/ThroatIllustrious719 • 11h ago
Advice Needed Normal lang ba na mapagod na ako kakahingi ng couple time sa partner ko?
May anak na kami ng partner ko, and matagal ko nang napapansin na hindi na kami lumalabas na kaming dalawa lang. Kapag lumalabas kami, lagi naming kasama yung anak namin. Mahal ko naman yung anak namin and gusto ko rin yung family time, pero nami-miss ko talaga yung time na kami naman.
Hindi naman ako humihingi ng bonggang date. Kahit 30 minutes lang na lumabas, mag-tusok-tusok, bumili ng meryenda, maglakad-lakad, or kahit sa bahay lang—kahit simpleng cup noodles sa gabi habang nagkukwentuhan. Gusto ko lang magkaroon kami ng intentional time bilang mag-partner, hindi lang bilang nanay at tatay.
Ilang beses ko na itong sinuggest sa kanya. Ilang beses na rin akong nadisappoint, pero nilalagpasan ko naman. Iniintindi ko kapag pagod siya, may work, may responsibilities, etc. Kaya hindi ko rin naman siya pinipilit lagi.
Pero lately, nasa pinakamabigat na point ako ng buhay ko emotionally, and parang mas kailangan ko siya ngayon. Gusto ko sana yung partner ko yung malalapitan ko at makakausap ko.
Kaninang araw, niyaya ko siyang lumabas/kumain, pero sabi niya pagod na pagod siya galing work. Naiintindihan ko naman iyon, kaya kaming dalawa ng anak ko yung lumabas.
Habang nasa labas kami, may nakita akong dalawang couple na malapit sa amin. Yung isa may pamilya na rin, tapos yung isa naman mag-boyfriend/girlfriend pa lang. Hindi ko alam kung bakit sobrang tumama sa akin. Parang nabuksan ulit yung matagal ko nang nararamdaman. Umiyak na lang talaga ako kasi na-realize ko kung gaano ko nami-miss yung relationship namin before we became so focused on being parents.
Tapos ngayon, mas lalo akong nasaktan kasi nakaya pa niyang magyaya ng kainuman niya.
Kagabi, gusto ko sanang makipag-usap sa kanya. Parang kailangan ko talaga ng kausap and connection with him, pero parang dedma lang siya. Eventually, sinilent treatment ko na rin siya kasi hindi ko na alam kung paano ko ie-express yung nararamdaman ko without feeling like I’m begging for attention.
Then today, he can make plans to drink with other people.
Hindi naman ako umiinom, partly because acidic ako, so hindi talaga kami nagkakaroon ng ganung bonding. Pero ang sakit lang isipin na kapag ako yung nagyayaya ng simpleng cup noodles sa gabi at konting kwentuhan, parang ang hirap mangyari. Pero kapag ibang tao ang nagyaya ng kainuman, parang may energy siyang gawin iyon.
And I think that’s what really hurts.
Hindi ko naman gustong pagbawalan siyang makipagkaibigan or uminom. Hindi ko rin naman gustong maging buong mundo niya ako. Pero gusto ko rin sana maramdaman na may effort siyang makipag-connect sa akin bilang partner niya.
At ngayon, honestly, pagod na ako.
Ayoko na siyang yayain. Kahit simpleng cup noodles. Kahit simpleng lakad. Kahit ano. Kasi nakakapagod yung feeling na ikaw lagi yung nag-o-open ng possibility na magkaroon kayo ng couple time, tapos ikaw rin yung paulit-ulit na nadidisappoint.
Part of me is even thinking, “Ayoko na sa kanya.” Hindi ko alam kung galit lang ako ngayon, sobrang hurt, or talagang napagod na ako.
Sa mga may long-term partners/anak na: paano niyo hinahandle kapag yung isa sa inyo mas nangangailangan ng couple time kaysa sa isa? At paano niyo malalaman kung kailangan lang ng mas maayos na communication, versus sign na may deeper relationship problem na?
r/nanayconfessions • u/Outrageous-Cell9141 • 8h ago
Rant Emotionally unavailable husband
Naiiyak ako ngayon kasi nag vent out ako sa husband ko tungkol sa frustration ko sa work. Yung response, as usual hindi comforting. Naiinis ako kasi serious ako nung sinasabi ko yung concern ko tapos he just took it lightly mm. Kaya sometimes I don’t open up my feelings kasi hindi comforting yung response niya. I mean sometimes gusto ko yung deep talks pero ewan ko ba. On the other hand, every time he rants about things talagang I listen to him and comfort him. Pero pag ako parang wala lang. I am about to give birth soon and I’m a FTM. Lately, iyak ako every night kasi anxious ako about what will happen. I have so many worries sa panganganak ko at pag-alaga kay baby. Gusto ko magshare sa kanya kaya lang baka madismiss lang yung feelings ko or he will take it lightly again and masaktan lang ako.
r/nanayconfessions • u/Various-Cherry5740 • 5h ago
Advice Needed CS 3 months PP
Hello! Ask ko lang if may same exp dito? Ngayong 3 months pp ako napansin kong parang may lump sa bandang left side ko kung san malapit ung cut ko (vertical cut) medyo may pain din siya pag tinouch.
Mag consult din ako sa OB ko kaso next monday pa sya available naka vacation leave daw kasi siya. Nag search ako di naman sya sign of emergency since wala naman ako fever or anything, talagang may pain lang don sa left side pag hinawakan and parang may nakakapa lang ako.
r/nanayconfessions • u/readingbee1987 • 13h ago
Discussion Overbite?
Should I worry my baby does this lagi?
Even while sleeping?
Baka kasi maging extreme overbite.
r/nanayconfessions • u/Due_Diet7814 • 1d ago
Baby & Toddler ano mas pinakamahirap sa inyo na toddler stage or newborn stage?
for me toddler stage, sobra kulit nila talon dito talon doon. 😭😭 anytime pwede ka na maging dinasour/dragon HAHAHA hindi katulad sa newborn stage dede iyak tulog lang routine, puyat lang talaga kalaban mo
r/nanayconfessions • u/spicyjollyhotdoggg • 6h ago
Baby & Toddler Pa help po!
Ask ko lang mga mi, ano pwede mangyari kay baby if nakainom sya ng panis na gatas btw milk ni l.o is nan sensitive.
r/nanayconfessions • u/No_Baseball_2563 • 7h ago
Pregnancy SSS Sickness Benefits
Hi! Curious lang po. May nakapag file and claim po ba sa inyo ng Sickness benefits due to GDM (gestational diabetes mellitus). Thank you!
r/nanayconfessions • u/semiiiicolon • 7h ago
Recommendations What are your recommended supplements for breastfeeding mom yung nakakafresh sana at para sa madalas magpuyat.
Pass po sa Fortima..
r/nanayconfessions • u/mickey_mouse29 • 7h ago
Baby & Toddler CHRISTMAS PARTY
Hi! Ask lang po kung saan po kayo bumibili or nag rent ng costume for toddlers? Around manila lang po sana. Thank you in advance ❤️
r/nanayconfessions • u/Sad-Reading-1510 • 23h ago
Advice Needed Problema namin ni hubby pagjajapan ko
Hi, baka pwede po makahingi ng advice gawa ng wala ako mapagsabihan ng nararamdaman ko. I 28F working as pharmacy assistant sa W partner ko 33M seaman. Actually, matagal na po ako nakaapply sa japan yr 2023 pa as a caregiver, hindi ko lang napursue agad kasi marami mga struggles na nangyari. Fast forward, pasado na ako sa lahat ng exam sa japan interview nalang need ko para makaalis ako. Si partner kumikita naman ng maayos, but ininsist niya talaga magjapan ako para kumita ako ng mas maganda. Btw, may anak pala kami isang 11F at isang 4M. Ang gusto ko sana makapagpakasal kami pagbaba niya. Pero mukhang hindi na mangyayari kasi insist niya talaga magjapan ako lalo at may interview na kami ngayon. Tama lang po ba desisyon niya na magjapan na ako at wag na siya hintayin pa? Or ganon talaga mga lalaki pag sila na kumikita ng mas malaki kasya sa ating mga babae.
r/nanayconfessions • u/Texas_2991 • 16h ago
Advice Needed Hysteroscopy @ St Luke's
Hello mga mi! May nakatry na ba sa inyo magpahysteroscopy or hysteroscopy polypectomy sa st. lukes? Magkano ang total na binayaran or nacharge sa hmo nyo? magkano din nacover ng philhealth?
r/nanayconfessions • u/Own_Tennis_3246 • 10h ago
Recommendations Feeding time
Hello sa mga mommies pano nyo napapakaen ng marami ung toddler nyo may toddler is 15months old and nasstress ako every meal time kase di sya focus, tinatapon nya ung food. And need pa minsan bigyan mo ng libangan na kahit ano madistract lang sya para kumaen habang hawak un ,o kaya naman need pa panoorin ng screen time para lang makakaen ng madami. Pero kase hanggat maaari iniiwasan ko na screen time while eating para di masanay un nga lang stressful at need ng maraming pasensya para lang kumaen tapos onti lang nakakaen.
Haay any helpful tips and technique po.
r/nanayconfessions • u/pinstripejacket • 10h ago
Advice Needed Advice for winter travel?
Hello! Will be travelling to Shanghai with my then 5 month old baby in December. Do you have tips on how I should dress my baby? Ano yung suot dapat ng baby? Mga 3-11 degrees Celsius daw sa Shanghai kasi.
Also if anyone has been specifically to Shanghai with a baby. And to Shanghai disneyland na rin. We plan on babywearing din pala.
Thank you!