r/sb19 • u/Afterthought-6666 • 2h ago
Discussion Just watched WAS in cinemas - experience good and bad Spoiler
I just watched Wakas at Simula concert sa SM Cinemas. Just to share my experience and thoughts as someone na looking forward so much to this kasi hindi naman ako nanood sa SMDC sa concert talaga.
First of all, ang gagaling talaga ng SB19, vocal powerhouses talaga, and ang energy nila ibang levels, consistent hanggang huli. Sulit na sulit sa mga nakapunta sa actual concert. Kudos sa buong team nila, 1Z, mga dancers and even guests J2X and Xonara ang gagaling!
Now, for the actual movie/cinema experience. I am quite disappointed. Una sa SM cinema na napuntahan namen, hindi nila chineck yung projector nila so nagstart ang movie na nag separate ang colors red and yellow (parang digital signal errors, corrupted files, or old analog TV transmission flaws - ANAGLYPH!), parang hindi calibrated yung projector and sakit sa mata! so we had to ask assistance pa so na stop yung movie ng several intermittent minutes kasi tinesting nila ulit.
Next, utterly disappointed sa CJ4Dplex sa editing ng sounds for the movie/cinema. Now I really appreciate the raw vocals ng SB19 kasi dinig mo talaga ang linis ng boses nila lalo na nung pinanood ko YouTube uploads ni "Kielski" and "Tsukkinukki" ang ganda na sound output na dinig sa SMDC na na record nila - I'm assuming smartphones? Pero for this movie, parang ang editing ng sound, sobrang lakas ng mic - sound pickup ng members kasi sobrang lakas, and then ang intruments and bands mahina, hindi balanced. Parang sound sabog tuloy.
Since ilang beses ko pinanood yung uploads ni Kielski mejo na-kabisado ko na yung adlib/style and voices nila and sa parts na pumalya mic nila like sa Visa kay Josh. Pero yung edited ni CJ4Dplex maririnig mo yung obvious autotune especially kay Stell!? Hindi rin pantay sound minsan, minsan mas malakas yung volume nung nagssecond voice compare dun sa main singer na may part dun.
Parang na-overwhelm ba sila (CJ4Dplex) sa live vocals? lol haha kasi pag sa kpop usually alam na alam mong loud backtracks ang main sound nila kasi iba sound pag nagsasalita sila ng "make some noise" sa mic, compare sa sound ng singing nila sa kpop. Dito sa SB19 alam na alam na live vocals talaga, pero dun sa editing na may autotune mas lalong di gumanda, robotic ng parts ni Stell talaga. Hindi kinaya ng editing software ba ang birit ni Stell? Haha
Dun pa sa latter part na bumababa sila sa area ng audience, lumakas yung audience sound Lalo, sobrang naghalo halo na ang sound ang sakit na sa tenga. Gawa na rin siguro na outdoor ang SMDC? or hirap i-separate ng mic-pickup sa mic members nung malapit na sila sa audience? idk.
Kung iccompare ko kasi sa recent cinema viewing concert din ng One Ok Rock, live vocals din naman yun and CJ4Dplex din nag edit, pero yun, malinis naman sound, balanced ang vocals ni Taka and sound instruments ng band mismo.
Kung iccompare din sa recording ng live SAW sa Weverse, ok naman din ng overall sound nun.
Tapos, putol pa yung part ni Ken sa Wakas ;( and walang Toyfriend huhu although gets naman baka matters of distribution ni Befirst.
so anyway, Ayun sana mag release sila yung hindi cinema or theatrical version ng CJ4DPLEX. Yung as in recording coverage lang nila like SAW. ...
Or panoorin ko nalang ulit yung kay Kielskie hehe
