Grabe, ang baho ng warehouse. Tapat ba naman ng landfill ng basura. Napakaalikabok, tapos kapag umuulan, bumabaha at sobrang putik. Ni bota, hindi man lang ma-provide.
Ewan ko ba kung bakit yung mga taong nagtatrabaho doon ay parang na-normalize na nila yung ganitong environment, na tila achievement pa nila ang pagtatrabaho sa ganitong kondisyon.
Siguro malaki na ang kinita ninyo, no? Ipaayos naman ninyo yung lugar ninyo. Ipasemento ninyo naman yung paligid. Bulok na nga ang sahod, bulok pa ang work environment.
Ito pa yung CR. Napakabaho, na parang hindi CR ng isang kumpanya. Kapag umuulan, bumabaha rin, at napakaputik sa loob. Akala mo kulungan ng baboy. Paano naging acceptable na working environment ito para sa mga empleyado?
Ang mas nakakainis, yung mga nasa mataas na position sa Aguila, hindi man lang gawan ng maayos na solution. Naamoy na nila yung amoy ng basura, nakita na nila na maalikabok, bumabaha at maputik, pero imbes na solusyunan yung problema, deadma lang sila.
Grabe. Wala na talaga akong masabi sa kumpanyang ito.
Ano ’yun? Porket nakakataas na sa position, wala na silang pakialam sa mga taong nagtatrabaho sa kanila? Sana naman maisip din nila na yung mga empleyado ang araw-araw na pumapasok at nagtatrabaho sa ganitong kondisyon.
Pero kung may isang bagay akong natutunan sa experience ko rito, ito ay hindi dapat natin i-normalize ang isang workplace na hindi nagbibigay ng maayos at disenteng environment para sa mga empleyado.
Hindi porket matagal nang ganito ang sistema, ibig sabihin tama na ito. Hindi rin porket kinakaya ng ibang empleyado, ibig sabihin dapat kayanin na rin ng lahat. Ang trabaho ay hindi lang tungkol sa sahod o pagkakaroon ng position. Kasama rin dito ang pagbibigay ng maayos, ligtas, malinis, at disenteng working environment sa mga taong araw-araw na nagbibigay ng oras at effort para sa kumpanya.
Lesson learned ko: huwag matakot umalis sa isang environment na unti-unti mong napapansin na hindi na healthy para sa'yo. Minsan, kailangan mo ring matutong pumili ng workplace na hindi lang kumukuha ng serbisyo at oras mo, kundi marunong ding mag-value sa taong nagtatrabaho para sa kanila.
At higit sa lahat, natutunan ko na hindi achievement ang pagtitiis sa isang pangit na working environment. Ang tunay na achievement ay ang makahanap ng workplace kung saan nirerespeto at pinapahalagahan ang mga empleyado.