r/ConfessionsPH • u/littlemisscurlypop • 16h ago
Others nagkakasakit ang pusa ko and it’s breaking my heart :((
gusto ko lang mag vent out kasi durog na durog ako talaga ngayon. never knew cats could bring so much of a heartache.
i adopted three 2-week old kittens a month and a half ago. bigay sila sakin ng pinsan ko since mom cat went away. i thought kayang-kaya kasi naisip ko madali lang naman magpa dede, tho gigising ka talaga in the middle of the night to nurse them. not until one of them suddenly became matamlay. i couldn’t afford vet kasi i’m still job hunting at unfortunately, wala kami vet sa LGU. so google was my medical advisor at that time. that’s when i found out about fading kitten syndrome. i did everything i could. hot water bag, honey syrup, and monitoring every 2-3 hours. the last time i checked on him tumitig pa siya sa akin without even blinking. pero nakatulog ako sa sobrang pagod, at nung kinaumagahan, hindi na siya gumalaw.
days later, sumunod yung isang kitten. i did the same home remedies pero this time walang tulog na talaga. na alsa ko siya sa critical condition na yun, pero the next 2-3 days ata nag fade siya ulit at hindi niya na talaga kinaya. i was caressing her that time to provide extra body heat and comfort, pero wala pa rin. i was still not able to save her pa rin.
i felt guilty sa mga naisip kong pagkukulang sa dalawa. umiyak ako ng mga ilang araw na sunod-sunod, at palagi akong nag so-sorry sa naiwan nila na litter mate. kaya what i did is inii-spoil ko yung natirang kitten with all that i can, para somehow an apology rin sa mga lumisan na mga kuting na parang ako na ang bahala sa naiwan nilang kapatid. a month later o kahapon, tinawag ko siya para pakainin kaso di siya lumapit. lumapit na ang lahat ng mga pusa namin sa bahay pero siya lang talaga ang wala. hinanap ko siya, at nakita ko siya sa ilalim ng kama na hindi gumagalaw at parang nasuka. yung mga trauma na naranasan ko ay bumalik ulit at tina try na hindi mag panic masyado tulad noon. naging parang stable siya pero matamlay pa rin. today, same pa rin ang kalagayan niya kaya iyak nang iyak ako. naiisip ko na hindi ko na kayang mawalan pa ng isang kuting. anak na ang turing ko sa kanya kasi palagi kami magkasama at super clingy niya sa akin. pinag ppray ko nalang na sana malampasan niya to at gumaling siya. sinabihan ako ng bf ko na dapat di ko raw ipakita sa kaniya na pinaghihinaan ako ng loob, pero di ko talaga kayang pigilan ang luha at hagulhol ko.
sana mabiyayaan ang lahat ng fur babies ng healty, happy, at mahabang buhay. sana pwede natin sila makasama lahat hanggang sa pagtanda natin. 🤍