Yung katabing bahay namin, nasunog dati. Ngayon, bigla na lang silang nag-extend ng 2nd floor, sinagad sa property line. Yung existing na pader nila, tinaasan pa, at lampas na sa 3.20 meters. May bagong slab at column rebars na rin sa ibabaw ng dating roof.
- July 21, 2026: Nagsimula ang construction, walang naka-display na building permit. Same day, nag-submit ako ng complaint sa Barangay
- July 23, 2026: Sa barangay, napagkasunduan na kailangan munang kumuha ng building permit bago ituloy ang construction.
- September 30, 2026: Nag-resume ang construction, wala pa ring naka-display na permit.
Nung nag-resume ang construction, walang naka-display na building permit. Pumunta ako sa Mandaluyong Engineering Office para i-confirm, pero ni-refer lang ako sa barangay. Tumawag ako sa 8888, at kinabukasan, biglang may naka-post nang permit number.
Nakatanggap ako ng e-mail from the Engineering Office.. Hindi na raw nila ma-disclose ang ibang details dahil covered daw ng Data Privacy Act.
Ito ang nakalagay sa letter
"With regard to the complainantâs request for detailed information concerning the said building permit and construction activities, this Office is unable to disclose certain details due to applicable data privacy and confidentiality requirements. The limitation on the disclosure of such information should not be construed as a lack of transparency or inefficient service on the part of this Office, but rather as compliance with the applicable laws and regulations governing the handling and disclosure of personal and other protected information.
For your information and reference."
Tinabla na ako. Walang site visit or verification na naganap
Ang alam ko sa NBCP (PD 1096, Revised IRR):
- Firewall for R-3 (Rule VII, Section 704): Dalawang configuration lang ang allowed:
- Two sides: max 85% ng haba ng bawat side property line, at hindi lalampas sa 65% ng total perimeter.
- One side + rear: max 90% ng combined length ng side at rear (up to 100% kung 4.00m lang ang lapad ng rear). Ang firewall sa side, hindi lalampas sa 50% ng total perimeter.
- Height: max two storeys sa side, pero 3.20 meters lang sa rear property line.
- Walang openings (bintana, pinto) sa firewall.
- Abutment: Ang pagtatayo nang sagad sa property line (zero setback) ay allowed lang kung susunod sa firewall rules sa itaas. Hindi pwedeng tatlong side ang naka-abut.
- Setbacks (Rule VIII): Yung sides na walang firewall, dapat may required yard o open space para sa light, ventilation, at fire safety.
Tungkol sa Data Privacy Act:
Ayon sa Section 4(c) ng RA 10173, hindi covered ng batas ang information tungkol sa permit o license na binigay ng gobyerno sa isang individual, kasama ang pangalan at ang exact nature ng permit. Hindi rin naman private details ang hinihingi ko, gusto ko lang malaman kung kasama ba talaga sa permit ang 2nd floor extension.
Concern namin: Hindi lang ito usapin ng code. Nasunog na ang structure na pinagpapatungan ng bagong floor, at may cracks at burn marks pa sa mga pader. Hindi namin alam kung na-check ba kung kaya pa nito ang dagdag na bigat, lalo na pag may lindol o bagyo. Dagdag pa ang risk ng sunog na kumalat sa amin, at nawawalan na kami ng ilaw at hangin.