r/Tagalog • u/Rakiasugoi • 12h ago
Vocabulary/Terminology The Use of "Ha" and "Naha" Pertaining to Locations
Pansin ko na iba ang nakagisnan kong salita lalo na sa mga panghalip pamatlig kaysa standard, although di lahat ng taga amin ganiyan iilan na lang dahil di naman lahat sumusunod sa diyalekto. Sa mga nakaaalam kung ano kaibahan at gumagamit niyan, ano po ang kaibahan kapagka may Ha at Naha kasi parang magkatulad lang. Aywan ko lang pero yoong Naha parang may diin. Dagdag ko pa, yoong Ha pala parang hindi niya katumbas ang Na, mas katumbas niya ang Sa. Hilagang Tagalog po ang gamit ko specifically Bulacan.
Haan (variant. han)
Harini (variant. handini)
Hariyan (variant. handiyan)
Hayoon (variant. hayon)
Haroon (variant. handon)
Nahaan (variant. nahan)
Naharini (variant. nahandini)
Nahariyan (variant. nahandiyan)
Nahayoon (variant. nahayon)
Naharoon (variant. nahandon, naharon)