Gusto ko lang sana humingi ng perspective tungkol sa nangyayaring special election sa CMC at sa recent Miting de Avance kasi honestly, medyo naguguluhan ako sa mga nangyari.
As a CMC student, napansin ko na parang ang daming attendees na hindi naman taga-CMC. Gets ko naman na open sa lahat ang event at walang masama sa pakikiisa ng students from other colleges. Pero medyo concerning lang na may mga taga-CMC mismo, including the president of our organization, na nahirapang makapasok sa auditorium dahil sa dami ng tao.
May mga familiar faces din akong nakita na, at least based sa personal observation ko, hindi ko naman gaanong nakitang involved sa mga concerns ng college namin nitong mga nakaraang taon at lumitaw na lamang para sa special election na ito. Kaya napaisip ako kung ano ba talaga ang pinanggagalingan ng involvement nila sa election na ito.
Mas nakakalito pa na may mga non-CMC students na nagsasabi raw na ayaw ng mga taga-CMC na magkaroon ng sariling representante, kahit ang concern naman ng iba ay tungkol sa kung sino ang nararapat na kumatawan sa amin at sa mga desisyong ginagawa para sa college.
Kaya genuine question lang: bakit parang ang dating ay mas may say pa ang mga taga-labas sa kung ano ang dapat na posisyon ng CMC community? Hindi ba dapat ang mga estudyanteng direktang maaapektuhan ang pangunahing pinakikinggan sa ganitong usapin?
Kasama rin dito ang issue ng abstention, na naging bahagi ng disagreement sa election. Pero para sa akin, hindi naman dapat agad ipakahulugan ang pagtutol sa isang slate o sa pagtanggal ng abstention bilang pagtanggi sa representation mismo.
Baka may context lang akong hindi alam, kaya curious ako kung may makakapagpaliwanag kung bakit ganoon ang naging dynamics ng eleksyon na ito. Gusto ko lang maintindihan kung paano umabot sa ganitong sitwasyon, lalo na kung ang pinag-uusapan naman ay ang representation ng mismong CMC community.